Book 1 - Cherilu 19

1138 Words
“MISS Rodriguez...” Abala siya sa pagbabasa ng libro ng boutique nang abalahin siya ng lalaking pormal ang kasuutan. “Yes?” "I'm Attorney Lagdameo. Ledesma's lawyer," pakilala nito at nakipagkamay sa kanya. “Pinapunta ako ni Ronald para ibigay ito sa iyo.” At inilapag nito sa mesa niya ang isang envelope. Nabigla siya nang mapagtanto ang nilalaman niyon. Mga papeles na binili ni Ronald ang Rose Island at sa pagkabigla niya ay may deed of donation na nakalagay sa pangalan niya. Naroon din ang kopya ng manager’s check nito na ibinayad kay Roselyn. “Hindi ko ito naiintindihan.” Bahagya niyang ibinaba ang mga papeles. “I'm sorry, Attorney. Hindi ko iyan matatanggap. Wala kaming napag-usapan tungkol dito." “Miss Rodriguez, bakit mo naman ito tatanggihan agad. Iiwan ko sa iyo ang mga dokumento. I can explain everything to you pero puwede ka ring komunsulta sa ibang abogado kung gusto mo. Nandiyan din ang business card ko. Puwede mo akong kontakin anytime.” Ngunit hindi siya kaagad napahinuhod nito. Matapos pabigyan ng meryenda ay nagpaalam siyang may kakausapin sandali. “You're fortunate, dear. At natutuwa ako na mapapasaiyo ang Rose Island. Tingin ko nga'y mas naging sentimental ka pa sa lugar na iyon kaysa sa akin.” Masigla ang tinig ni Roselyn. "But you didn't tell me about this,” sumbat niya rito. "Come on, hindi ba't ako ang dapat magsabi sa iyo ng ganyan? All along, I believe that through you ay maibebenta ko ang Rose Island. But as I see it, may mas malalim na nangyari. At nang nagpipirmahan kami, he told me that he's going to surprise you. Bakit ko naman sisirain ang plano niya? Pero, Cher, alam mo bang habang binabanggit ka niya, I swear there was a different light in his eyes?" “Ibig mong sabihi'y nagkaharap kayo? Kailan?" “I think the day after both of you went back there. Gabi na nga iyon.” Matapos silang maghiwalay. Yaong araw na binanggit nitong pabalik na ito sa Maynila. Nakasiya sa kanya ang sinabing iyon ni Roselyn. Pero ayaw niyang magpadalos-dalos. Masyado nang mabilis ang mga nangyayari. At hindi niya gustong basta na lang tanggapin ang mga dokumnetong iyon sa kabila ng pagkumpirma ni Roselyn na siya na nga ang bagong may-ari ng Rose Island. Nagpasalamat pa sa kanya ang abogado matapos na pumayag siyang iwan na nito ang mga dokumento. Pagtalikod nito ay kaagad siyang nag-dial muli. “Good afternoon. I want to speak with Mr. Ronald Ledesma, please.” Nagpakilala siya matapos ikonekta ng operator ng opisina ang tawag niya sa sekretarya ni Ronald. Tila naging friendly ang tono ng nasa kabilang linya nang marinig ang pangalan niya. “Ma'am, long-distance call pa ba ito? Umuwi na si Sir bago mananghali. Masama kasi ang pakiramdam, pagpasok pa lang. Ang sabi'y sa telepono ko na lang daw siya kontakin kung importante.” “Nasaan siya?” “Sa condo, mam,” walang atubiling sagot nito. “By the way, he left an instruction if in case tumawag po kayo.” “Ah, ganoon ba? Sige, paki-text mo na rin sa akin ang complete address,” thankful na sabi niya dito. Hinarap niyang tawagan ang numero nito sa condo pero hanggang sa magsara na siya ng boutique ay hindi man lang niya narinig na nag-ring ang numero nito sa condo. Alas-otso y medya ay sakay na siya ng luxury bus ng Fariñas Lines pa-Maynila. Hindi siya mapakali sa dokumentong hawak niya hangga't hindi nakakausap muli si Ronald at idagdag pang nag-alala siya nang malamang may sakit ito. Inihanda niya ang sarili sa mahabang biyahe. Tantiya niya ay nasa Maynila siya bago mag-alas sais ng umaga kinabukasan. Nang ipikit niya ang mata ay hindi niya maiwasang maalala ang mga sandali sa piling nito… "CHERI?” Kadarating pa lang niya halos mula sa Fort Ilocandia ay nasa kabilang linya na si Ronald. And she could feel of herself trembling sa simpleng pagkadinig sa tinig nito. And she was wondering why she was missing him ganoong magkasama sila sa buong magdamag. "Gusto kong magsising hinayaan kitang makaalis. I don't want to sound like I'm asking for pity, but I want to see you." “Do you want me to come back?” Dumulas na sa bibig niya iyon bago pa niya naisip na hindi niya iyon dapat na sinabi. Pero iyon din ang talagang nararamdaman niya. Hindi siya nag-aksaya ng sandali at nang malaman kung saan ang kuwarto nito ay muling bumalik sa Fort Ilocandia. She wasn't even able to finish a single knock at bumukas na iyon. Ronald grabbed her with strong arms at kasabay ng pagpinid ng pinto ay ang maalab na halik nito sa kanya. She was kissing him back with equal fire. She never thought she would yearn for a kiss as passionate as that—na kung hindi niya mararanasan ay malaking kahungkagan sa kanya. “Cheri, I love you,” bulong nito nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi. It was like bursting into laughter while fireworks competed to give the brightest explosion. There was this indescribable happiness na hindi niya alam kung paano bigyan ng pangalan. “So soon, but I want to believe you,” ganti ni Cherilu. Mahinang tawa ang pinakawalan ni Ronald bago muling inangkin ang mga labi niya. Dinala siya nito sa malaking kama na halos hindi iniiwanan ang kanyang mga labi. His hands started to travel down her body at hindi siya tumututol. It was like magic, sending different signals and currents at various intensity. Na sa pakiramdam niya'y kung titigil ito ay hindi kapanatagan ang mararamdaman niya kundi dissatisfaction. Saglit itong huminto. As though words were not supposed to be uttered at that moment. They met each other's eyes and she was asking why he stopped giving her such delights. But his eyes were also asking, at the same time begging. And when he positioned himself above her she understood why. He was hard as rock that when he brushed himself against her flesh, it brought a thousand shivers down her spine. He continued caressing her, loving her but not the way she was expecting he will eventually do. As if giving her time to turn back. But she knew, there was no going back… WALA siyang pagsisising naramdaman matapos ang mga sandaling iyon. At bago sila tuluyang naghiwalay, naiwan ang pangako nitong tatawag palagi sa kanya at sa pagkakataong maiiwan nito ang trabaho ay dadalawin siya. But it was a big question to her na kailangang ibigay na nito sa kanya ang titulo ng Rose Island. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo. Sa halip ay ini-recline niya ang sandalan ng upuan at inihanda na ang sariling matulog. Magkakahalo ang emosyon niya. Nagtataka dahil sa titulo, pero nag-aalala din dahil sa kaalamang may sakit ito. Excited din siyang makita ito uli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD