Book 1 - Cherilu 1

1229 Words
“NAGPINTAS ti anak mo, Roselyn,” masayang wika ni Cherilu sa kaibigan nang dalawin ito sa ospital. Nakita na niya ang kapapanganak nitong sanggol at talagang cute na cute siya sa bata. “Buti ka pa, nakita mo na. Samantalang ako’y kung hindi maglalakad papuntang nursery ay hindi ko makikita. Ayaw dalhin sa akin dito. Isang beses ko pa nga lang nakita, noong kalalabas sa akin, eh, groge pa nga ako noon,” reklamo ni Roselyn. “Nanakawin ko ba sa nursery ang anak mo para dalhin ko rito?” biro niya. “Loka! Mayamaya ay pipilitin ko nang makahakbang. Wala naman kasing magdadamayan ngayon sa mundo kundi kami na lang mag-ina.” Ang nagrereklamong tinig ni Roselyn ay napalitan ngayon ng hinanakit. “Alam na ba ito ng asawa mo?” seryosong tanong ng dalaga. “Wala na akong asawa ngayon,” matigas na wika ni Roselyn. “I called him once sa office pero ang sagot ng sekretarya ay nasa annual conference ng kung anong asosasyon. Hindi ko na inalam. Lagi namang ganoon. Meeting, conference, convention.” Pabuntonghiningang wika nito. “You mean, hanggang ngayon ay walang idea si Allain na buntis ka noong magkahiwalay kayo?” Lalong bumilog ang bilugang mga mata ni Cherilu na may mahahaba at malalantik na pilik sa pahisteryang tanong. “Exactly. At puwede ba, Cherilu, huwag na nating pag-usapan ang lalaking iyon? Pakiramdam ko’y mabibinat ako sa topic na ‘yan.” “Obviously. Now, any concrete plans yet?” “Well, it depends kung pagbibigyan mo ako sa hihingin kong pabor.” “Pabor?” Umarko ang natural na manipis na kilay ng dalaga. Tumango si Roselyn. “Mayroon akong prospective buyer ng Rose Island. Naka-schedule sana kaming magkita two days from now, kaso’y nakapanganak ako nang di-oras.” “Alam mong kabuwanan mo na, bakit hindi mo inagahan nang kaunti ang pakikipag-set ng appointment?” Inabot ni Cherilu ang isang orange sa bedside table at binalatan iyon. “Supposedly, isi-CS ako ng doktora ko next week,heto at bigla akong nag-labor. Cher, just this one, please. Imagine naman kung paano akong makikipag-usap doon sa mag-asawa nang ganito ang kalagayan ko?” “Just this one,” gagad ng dalaga sa sinabi ng kaibigan, “Countless times mo nang sinabi sa akin iyan. Kabisado mo pa rin ang magic word na gagamitin mo sa akin. All right, how can I be of help?” “Meet them. I’ll give you a letter na magpapatunay na ikaw ang pinakiusapan kong mag-represent sa akin. Kabisado mo naman ang Rose Island, ‘di ba? And another thing, Cher, please convince them to the fullest. I need to sell that property.” “Wala bang halaga sa iyo ang sentimental value ng Rose Island? Mahigit yatang kalahati ng kabataan natin ay doon natin ginugol, tapos ngayon ay ibebenta mo. To think na iniregalo pa mismo sa iyo ng parents mo ang title noon nang ikasal ka. And if I remember right, ikaw pa mismo ang pumiling doon kayo mag-honeymoon ni Allain kapalit ng Boracay o Bali.” “That’s exactly my point. I’m throwing away those memories. Ayoko nang makaalala pa ng kahit anong may kinalaman kay Allain. Gusto ko ng bagong simula. Walang kahapon.” “PInatatawa mo yata ako, Roselyn. With your daughter courtesy of Allain, you can never put aside the past. Investment ang dini-dispose mo kung nakakalimutan mo, my friend.” “And you know, I can easily venture into something else,” siguradong wika ni Roselyn. Tulad niya ay tapos din ito ng Business Management. At napag-prosper nito ang itinayong entrepreneurial business sa maikling panahon. “Let me have their number. Kaysa naman sulat pa ang dala ko at magmukha akong messenger, tawagan na lang muna natin. Inform them na ako ang haharap sa kanila,” demand ng dalaga. “Baka isipin nilang hindi ako seryoso. I know your winning personality. It’s better to meet them.” “ENOUGH, Kenneth,” ani Cherilu at iniwasan na ang mga labi ng katipan nang maramdaman ang simpleng halik nito ay nagiging malalim. “Nasa parking area tayo,” dugtong niya nang mahagip ng mata ang nagtatampong tingin nito. “We can find a place,” maluwang ang ngiting saad nito nang marinig ang huli niyang sinabi. Dagling nawala ang pagtatampo sa mga mata nito na napalitan ng kasabikan, katulad ng mga naunang beses na pagkumbinsi nitong madala siya sa pribadong lugar. Pinili ng dalagang ignorahin ang narinig at tahimik na inayos ang pagkakaupo. Alam niyang naghihintay lamang ito ng pagsang-ayon niya at siguradong pasisibarin na nito ang sasakyan. “Pupunta nga pala akong Pagudpud sa makalawa. Hindi pa puwede si Roselyn kaya ako na lang,” pag-iiba niya sa usapan at ipinaliwanag sa katipan ang napagkasunduan nilang magkaibigan. “And we both know na hindi kita puwedeng isama dahil hindi mo maiiwanan ang bangko.” Manager ng isang rural bank si Kenneth. “Come on, Cher. Nakalimutan mo na bang may dinner tayo sa makalawa? Huwag mong sabihing dahil lang diyan sa iniuutos ng kaibigan mo’y ipo-postpone natin ang dinner natin?” Napalitan ng pagkaaburido ang tono ng katipan. “Baka nakakalimutan mo kung ano’ng naging bahagi ni Roselyn sa ating dalawa? Don’t talk that way. Isa pa, you’re jumping into conclusions, Kenneth. Dinner pa tayo magkikita at hindi naman kailangang mag-spend kami ng overnight ng mag-asawa na sasamahan ko sa Rose Island. Why bother yourself so much?” sagot niya habang inila-lock ang seat belt. Pinilit niyang itago ang pagkapikon subalit alam niysng halata iyon sa tono niya. Mula sa ospital ay sinundo siya ni Kenneth para ihatid sa boutique niya sa commercial area ng Laoag. Tama ang desisyon niyang banggitin sa lalaki ang lakad niyang iyon dahil alam niyang mag-o-overreact ito. Madalas kaysa hindi ay nagiging unreasonable ang nobyo niya kapag ang oras na masasagasaan ay para dito. Kahit kay Roselyn na naging tulay nito noong nililigawan pa siya ay waring nais siyang ipagdamot. “Cher,” malambing na wika ni Kenneth na sa halip na pausarin ang kotse ay hinagip ang kanyang kamay. Kabisado siya nito madaling sumpungin sa pagiging unreasonable nito. “More or less ay isang oras din mula rito ang Pagudpud. Nag-aalala lang akong baka dahil sa pagod mo sa biyahe ay wala ka na sa mood sa oras na iyon at wala ka nang gana sa pagkain.” “Hindi nakakawala ng mood ang isang oras na biyahe, Kenneth, kung iyon ang inaalala mo. As we have agreed before, sunduin mo ako sa Cher nang alas-sais ng gabi,” bagot niyang sabi na ang tinutukoy ay ang boutique at inilipat ang tingin sa labas. “Gusto kong malaman mong sa bahay tayo magdi-dinner, hindi sa restaurant. Luluwas sa Maynila ang mama, pero bago iyon ay nangako siyang siya ang maghahanda ng hapunan para sa atin.” Hindi yata niya maalala kung may pagkakataong hindi siya inasikasong mabuti ng mama nito. Subalit sa halip na mapalagay ay lalo siyang naasiwa sa pagtrato nito sa kanya. Dapat ay matuwa siyang magkasintahan pa lamang sila ni Kenneth ay hayagan na ang ipinapakitang pagboto sa kanya ng ina nito, ngunit hindi ganoon ang kanyang pakiramdam. At ayaw naman niyang isipin na pakitang-tao lamang ang pakikitungo nito. Nang walang tugon mula sa kanya ay mabilis na hinagkan ni Kenneth ang kanyang kamay bago binitiwan at ini-start na ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD