Hindi agad nakatulog si Nessa pag kagabi dahil maghapon silang hindi nag uusap ni Markus. Sinilip niya si Markus sa kanyang kwarto at tahimik niya lang itong pinagmamasdan. Nakatayo ito at naka sandal sa kanyang kotse habang naka tulala sa langit. Hindi alam ni Nessa bakit tila nakakaramadam siya ng awa at kunting guilty dito kaya bahagyang may luhang lumabas sa kanyang mata ng hindi niya napapansin. "Ano ba 'yan, bakit naaawa ako sa iyo? Bakit parang na gui-guilty ako? Dapat kamuhian kita! Dapat galit na galit ako sa iyo! Dahil sa ginawa mo sa akin. Ikaw pa itong may ganang umiwas at magalit sa akin sa maghapon, dahil nangyari kanina," bulong ni Nessa sa kanyang sarili. Habang nakatitig sa asawa. "Pre," tawag ni Joseph kay Markus nang mapansin niya itong tulala sa kalangitan. "Ika

