Maagap nagising si Nessa dahil nag huhurimintado na naman ang kanyang sikmura kaya agad siyang tumungo ng C.R upang sumuka na naman ng sumuka. "Ok ka lang?" tanong ni Markus sa kanya na hindi niya naramdaman ang paglapit nito. "Ok lang ako, huwag kang mag alala. Ahm... Mabuti naman naka uwi ka na? Anong oras ka pala naka uwi?" tanong naman ni Nessa habang nag hihilamos. "Ahm, siguro mag hahating gabi, ahm gusto mong kape, ipag titimpla kita?" Alok ni Markus. "Hindi na, ayaw ko ng kape. Ikaw mag kape ka na maagap pa tayo sa bukid." Alam ni Nessa na naka titig sa kanya si Markus kaya hindi niya man lang ito sinisulyapan. Lumipas ang maghapon na hindi man lang kinaka usap ni Nessa si Markus at tanging si Norman lang ang tanging kinakausap niya. Hindi niya alam kung parte pa ba ng pag

