"Hoy! Dahan dahan sa pag kain para kang mauubusan ah. Lately, kakaiba ka Nessa? Para kang ibang tao kung kumain, dati ka naman hindi ganyan." Puna sa sa kanya ni Joseph bahagya pa itong kumunot ang noo habang sumusubo ng pagkain. "Ha? Ako? Naku, baka imahinasyon mo lang iyon joseph," tugon ni Nessa at waring nag mama angan ma angan sa napansin ng binata. Nanatili namang naka titig sa kanya si Markus dahil tila may napapansin din itong kaka iba sa kanya. Lalo pang naka ramdam si Nessa ng pagkabahala dahil laging tumititig sa kanya si Markus na waring may gustong itanong at alamin tungkol sa kanya. Iniisip niyang baka alam na nito na nagdadalang tao muli siya at yoon ang ayaw mangyari ni Nessa ang malaman ni Markus na muli sila nitong magkaka anak sa maling pagkakataon. "Anak, ok ka lang

