Buhat sa kanyang silid ay tahimik na pinagmamasdan ni Nessa ang kanyang asawa na naka upo ito sa driver seat ng kanyang sasakyan. Habang nakasandal ang likod ay nakapikit ang mata nito. Bakas na bakas ang pagod at puyat at halatang napipilitan at kinakaya ang kanyang ginagawa. "Hoy!" gulat ni Joseph kay Nessa. "Ikaw pala, bakit anong kailangan mo?" tanong ni Nessa na napaiktad pa ng bahagya dahil sa biglang pagpasok ni Joseph sa kanyang silid. "Ano, nakukunsensya kana ba kay pogi at ganyan mo na lang s'ya pagmasdan?" Ngumiti pa si Joseph kay Nessa waring nang aasar. "Tssk... bakit naman ako makukunsensya? Eh, deserve naman n'ya yan at saka kulang pa 'yan compare sa mga ginagawa n'ya sa akin." Tumalikod naman si Nessa kay Joseph. "Wow ha! Ganyan naba talaga ang galit mo kay po

