Pagka dating nila ng mansyon ay nanatiling seryoso ang mukha ni Markus at halatang nag ngingit ngit sa galit. "Manang!" sigaw ni Markus sa kanilang katulong at agad itong lumapit sa kanila. "Anak, bakit?" tanong ni aling Loling na nagtataka ito at nag aalala sa hitsura ni Markus. "Paki kuha si Princess, may mahalaga lang kaming pag uusapan ni Nessa, Nessa sumunod ka sa kwarto!" singhal ni Markus kay Nessa. Hindi naman maiwasang kabahan si Nessa kanina pa niya nababanaag kay Markus ang galit sa mukha nito. Kaya hinanda na niya ang kanyang sarili. Tahimik na sumunod si Nessa kay Markus patungo sa silid nila. Pagkadating nila ng kanilang silid, agad binalibag ni Markus kung ano man ang kanyang nadampot kaya napaurong si Nessa sa isang tabi. At pinipigilang umiyak at ayaw niyang ipahala

