Lalong naging cold ni Markus sa kanya. At tulad ng dati ay para lamang s'yang isang hangin kay Markus. Parang hindi nakikita, kahit anong efforts ang gawin ni Nessa pag aasikaso dito. Araw araw n'ya pa rin itong pinag sisilbihan tulad ng isang mabuting may bahay. Pero kahit sulyap man lang hindi s'ya magawang tapunan. Maagap umalis ng mansyon si Markus kaya napaagap din ang kanyang gising, walang araw kasi s'yang walang pinalampas na paglutuan ito ng breakfast. Kahit padalhan ito ng pananghalian ay kahit minsan hindi s'ya pumalya, dahil gusto n'yang patunayan kay Markus 'yong salitang pangako n'ya na kahit anong gawing pasakit ni Markus sa kanya hinding hindi n'ya ito iiwan at papabayaan man. Maagap pa ngunit wala s'yang magawa dahil tulog pa si Princess napag disisyonan n'yang mag lin

