*Steven Bar* "Bro, halos gabi gabi kanang andito ah, imiinom may problema ba?" tapik sa kanya ni Steven. "Wala bro, gusto ko lang mag isip, gusto ko kasi pag uuwi ako ng bahay tutulog na lang ako, ayaw kong makita si Nessa. ayaw ko s'yang maka usap," wika ni Markus. "Sama mo talaga! Tssssk.... Ano hanggang ngayon hindi mo pa rin s'ya tanggap, hindi mo pa rin ba nahuhulog ang loob mo sa kanya. Eh, bilib na bilib na nga ako d'yan sa asawa mo kahit inaalila mo, sinasaktan mo hindi kapa rin iniiwan. Mahal na mahal ka talaga ni Nessa kaya bakit mo pa s'ya pinapahirapan? Diba sabi mo rin babawi kana sa kanya? Bakit biglang nagbago?" tanong ni Steven. Isang malalim na bugtong hininga ang binitawan ni Markus, sabay lagok ng alak. "Walang lalaking hindi mahuhulog ang loob sa katulad ni Nes

