Kinabukasan maagap nagising si Nessa upang mag prepared nang kanilang breakfast lalo na kay Markus. Habang naghahain s'ya, sakto naman ang baba na si Markus kapit kapit ang kanyang ulo. "Manang sinong nag hatid sa akin kagabi? Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala sa sobrang kalasingan. Pag gising ko nasa kwarto na ako, iba na rin ang suot kong damit, " tanong ni Markus na nanatili paring naka kapit sa kanyang ulo. "Hindi ko alam iho, hindi ko rin alam na naka uwi kana pala. Akala ko nasa office kana naman natulog O, kaya sa condo mo, " tugon ni aling Loling. Bigla naman kumunot ang noo ni Markus sa pagkakataong iyon. Doon na sumabat si Nessa sa usapan. "Si sir Austine, ang nag hatid sa iyo kagabi Markus," sabat ni Nessa. "Eh, sino ang nagpalit ng suot ko?" tanong nito sa

