Paulo's POV "Malapit na mag-trenta!" paalala sa 'kin ni Alicia habang naglilinis na kami ng coffee shop. Gabi na at malapit na kaming magsara. "Oo na! Lakas mo maka-singil," sagot ko naman. Malapit na ngayon na matapos ng pag-aaral sa Alicia. Matagal na rin siya rito sa coffee shop. "Kumusta naman so far ang buhay mo? Masyado kang busy lately. Himala nga at nagpakita ka ngayon," tanong niya sa 'kin habang nagliligpit ako ng mga tasa. "Volleyball practices, studies. Isama mo pa 'tong coffee shop," sabi ko naman. "Kaya naman wala ka nang oras para hanapin si Enzo?" tanong niya bigla. Natigilan ako. "Yeah. I think so," sabi ko naman na nakatitig sa kawalan. "You've been looking for him in the past three years! HIba na talaga ang pag-ibig. Lately pansin ko na parang may iba sa mga ngit

