Sabado. Kailangan kong maglinis ng bahay, kaya naman maaga pa lang ay nagising na ako. Sa lawak ba naman nitong bahay ay maghapon ang gugugulin ko para lang malinis 'to. Tapos mamayang gabi ay maglalaba ako ng uniform at gagawa ng mga homeworks para bukas ay hihilata na lang ako. Naghahanda pa lang ako ng mga gagamitin ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Si Kenji ang tumatawag. "Yes? This is Alexander John, speaking. How can I help you?" bungad ko. "Aayain ko sana ikaw na mag-jogging—" "'Di ako pwede. Alam mo namang maglilinis ako ng bahay," sabi ko habang kaharap ang sandamakmak na mga mops at balde sa basement ng bahay namin. "Then sasamahan kitang maglinis." "Kenji—" "AJ, alam ko rin na maglalaba ka pa. Panigurado na pagdating ng Lunes ay sugat-sugat na naman ang mga kamay mo

