IBANG klase ang init dito sa NGala. Alas tres nagsisimula ng tanghaling tapat na kung saan isang dangkal lang ang layo ng araw kaya naman grabe kung makapaso sa balat. Pero kahit na gaano kainit, marami pa ring mga batang nagtatakbuhan, naglalaro kahit pawisan, at mas napansin ko na mas maraming maiitim na bata na ngayon hindi kagaya noon na si Roly lang talaga iyong maitim, iyong negrong mayabang na ‘yon—buhay pa kaya ‘yon? Wala akong balita sa kaniya. Active ang mga tsimosa, active ang mga tambay—lahat active na active sa araw na ito, araw-araw sa ginawa ng Diyos, ganito lang ang ginawa ng mga tao rito, ‘yong tipong gumigising lang sila tuwing umaga kasi buhay pa sila pero iyong masasabi mong meron ba silang gagawin para sa araw na ito? Iyong produktibong gawain talaga—wala, walang ganoo

