KABANATA XXIX “KANINA mo pa talaga ako hindi pinapansin ah—” Ako na mismo ang unang nagsalita. Ako na rin talaga ang unang lumapit kay Kuya Yvar. Hindi rin naman ako nagpapatay-malisya talaga, dahil alam ko ang dahil nang pagkabwisit niya sa akin ngayon araw na ito. Nakatayo lang siya rito sa gilid ng mesa kung saan nakapatong ‘yong mga paninda ni ate. Malilim dito sa pwesto na ito dahil sa mataas na puno. Simula noong umalis ako kahapon, parang iyon at iyon pa rin ang mga sugarol na narito ngayon, meron ngang iilan na halos ilang araw na narito, ilang araw ng iyon at iyon lang ang suot, nauwi lang para ewan… baka kumuha ng pera o kung anoman. Ganoon ka-adik sa sugal ang mga sugarol na ito, mabuti’t sa t**i lang ako naadik at hindi talaga sa sugal. Pero—oo, sumusugal pa rin naman ako, s

