“Magandang tanghali ho, Nanay Merly!” sabay na bati ng mga kasamahan ko sa ginang na sumalubong sa ‘min. Hindi ako agad nakapagsalita habang nakatingin ako sa maamong mukha ni Nanay Merly. Ang maiksi at kulot niyang buhok, ang bilugan niyang katawan, ang masayahin niyang mukha, lahat ay kapareho nang kay Nanay Lory. Paano nangyari ito? Patay na ba si Nanay Lory sa mundong pinagmulan ko? Kaya ba siya nandito katulad ko? “Magandang tanghali rin sa inyo,” masaya niyang bati sa ‘min. Napatigil siya nang mapansin niya akong tahimik na nagmamasid dito sa gilid. Nakikilala niya ba ako? Madalas akong magpunta noon sa convenience store ni Nanay Lory para bumili ng mga instant noodles at chichirya. Minsan na nga niya akong nilibre ng ice cream dahil daw suki niya na ako. Kilala na ni Nanay Lory a

