CHAPTER VI: A Merchant's Notion

1460 Words
Saktong alas-diyes ng umaga ay narating namin ang Nayon ng Gui. Easy lang sa ‘kin ang thirty minutes naming pagbaba sa bundok dahil sa trabaho ko. Hindi nga ako pinagpawisan, eh. Pero ngayon, maliban sa strength at endurance ko bilang P.E teacher ay nagkaroon pa ako ng additional skills. Hindi ko alam kung paano nangyari ito pero nalalaman ko ang oras sa pamamagitan lang ng pagtingin sa direksyon ng araw. Nadiskobre ko ito kanina lang habang naglalakad kami pababa. Biglaan dahil wala pa naman ito kahapon. Ang weird din dahil alam ko kung gaano kataas ang isang bagay sa isang tingin lang, eh, wala naman akong nakikitang measurements. I’m guessing isa ito sa skills ni Austere na na-adapt ko. Kahit pa conscious akong si Caster ako, hindi ko talaga maitatago ang ilang kakayahan ni Austere dahil nasa katawan niya ako. Pagdating namin sa paanan ng bundok ay tumigil kami sa tapat ng kahoy na bakod na may taas na limang metro. Napapalibutan nito ang Nayon ng Gui at may isang entrance na binabantayan ng limang lalaki. Agad silang napaayos ng tayo nang makita nila ang kapatid ko. “Magandang umaga,” bati sa kanila ni Faith. “Magandang umaga, Binibini,” tugon naman ng lalaking may magulong buhok. Napasinghal ako habang matalim silang tinititigan. Nakakairita. “Ano ang maipaglilingkod namin sa ‘yo, Faith?” nakangiti na tanong ‘nung isang walang ngipin sa unahan. “Nais na makausap ni Kuya Austere si Manong Hidalgo. Kasama ko si Kuya ngayon.” Napalingon sa ‘min si Faith kaya agad din akong kumaway sa limang kalalakihan habang hawak ko ang kamay ni Arima sa kanan ko. Ang dahilan ba’t nandito kami ngayon ay para malaman namin kung saan ang Great Wall. Nabanggit ito ni Austere sa ‘kin pero hindi niya naman sinabi kung nasaan ito kaya kailangan naming magtanong. Ang alam ko ay doon lang kami magiging ligtas pero hindi ko alam kung saan ang daan papunta ro’n. Kung pakalat-kalat ang mga Grosque sa panig na ito, nakakatiyak akong hindi lang sapat na alam ko ang tungkol sa weak point nila. Takot nga sila Drogo ako pa kaya na baguhan lang dito. Kaya kailangan namin ng direksyon nang hindi malagay sa alanganin ang mga buhay namin. “P’wede ba kaming pumasok?” magalang na tanong ni Faith sa mga bantay. “Naku, oo. Tuloy kayo,” wika ‘nung may magulong buhok sabay bukas ng kahoy na tarangkahan. Yumukod lang ako sa kanila bago ako sumunod sa kapatid ko papasok sa nakabakod na Nayon ng Gui. Tahimik akong nagmasid sa paligid habang naglalakad kami at napansin kong mas developed ito kaysa sa Nayon ng Gama. Walang bakod ang nayon namin at kaunti lang ang mga bahay roon hindi katulad dito. Mukhang ang mataas na pader ay siyang paraan ng mga mamamayan para iligtas ang kanilang mga sarili sa mga halimaw. Nakakamangha. Ano kayang kahoy ‘tong ginamit nila? Ipinagpatuloy namin ang aming paglalakad patungo sa sentro. Mas marami na ang tao at gusali rito kaya naman hindi ko maiwasan na mamangha at maalang sa binabatong tingin ng mga kababaihan sa ‘kin. Sanay na akong humarap sa mga tao sa mundo na pinagmulan ko pero iba naman rito. “Napakaguwapo niya naman. Ano kaya ang kanyang pangalan?” rinig kong tanong ng dalaga sa katabi niyang tindera ng prutas “Ngayon ko lang siya nakita rito sa ating nayon, hindi kaya isa siyang dayuhan?” Napailing na lang ako sa kanila at mas binilisan pa ang aking paglalakad para sabayan si Faith. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Arima na wala man lang reaksyon ang mukha sa mga nakikita. “Naku! Mukhang kasintahan siya ni Faith!” bulalas ng ‘sang tsismosa. Lintik! May ganito rin pala sa ibang mundo! “Napakasuwerte niya namang babae, hay.” Napairap na lang ako sa aking narinig. Mahal ko ang kapatid ko pero hindi tulad ng nasa isip nila. Hindi gano’n ang pagtingin ko kay Faith. Damn it. “Sabi ko na nga ba, pagkakaguluhan ka nila,” natutuwang bulong ni Faith sa ‘kin. Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Okay. Kung masaya siya sa atensyon na natatanggap ko, magbibingi-bingihan na lang ako. Pagkalipas ng ilang pasikot-sikot ay narating din namin ang sentro ng nayon. Mas marami na ang tao rito kumpara ro’n sa may entrance kaya mas dumami na ngayon ang nakatingin sa kapatid ko. Subukan lang nilang lapitan si Faith! Matitikman talaga nila ang katas ng pagiging black belter ko sa Taekwondo. “Dito tayo, Kuya!” Iginiya kami ni Faith patungo sa isang maliit na tindahan kung saan sari-sari ang bumungad sa aming paninda. Nang makalapit kami, isang matanda na may maliit at chubby na katawan ang sumalubong sa ‘min. “Oh? Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ba bumisita ka pa lang dito kanina?” tanong nito sa kapatid ko. Napangiti si Faith sa kanya. “Bumaba na ho kami ngayon, Manong Hidalgo. May nais po sanang itanong sa inyo ang kapatid ko.” Napadako sa ‘kin ang atensyon ng matanda saka taas-baba akong tinitigan. “Nasa’n ang kapatid mo? Akala ko ba ay maitatanong siya?” tanong ng matanda. I put on my sweetest smile before I answer. “Ako ho ang kapatid n’ya.” Napakurap sa ‘kin ang matanda sabay bugaw sa palaka na nakapatong sa tinda niyang watermelon. Walang hiya, kadiri. “Ako ba ay pinagloloko mo, Hija? Ito ba talaga ang iyong kapatid?” hindi kumbinsido na tanong ni Manong Hidalgo kay Faith. Agad na napatango ang kapatid ko para ako ay depensahan. “Siya ho talaga si Kuya Austere, Manong. Nag-ayos lang po siya ng kaunti,” paliwanag ni Faith sa matanda. “Aba! Anong klaseng mahiko ang ‘yong ginamit, Hijo?” Sa pagkakataong ito ay umiba na ang templa ng itsura ko. Nakaka-offend na siya, ha. “Ligo lang po, Manong,” tugon ko, pilit na pinipigilan ang sariling huwag mapikon. Ano ba kasing pinaggagawa nitong si Austere? Hindi ba talaga siya nag-aayos! “Kung gano’n, maligo ka na araw-araw. Hindi na dinadamay mo itong mga kapatid mo sa kalungkutan mo.” Natigilan ako dahil sa sinabi ni Manong. Kalungkutan? Sino ang malungkot? Si Austere ba? “Ano ho ang ibig n’yong sabihin?” usisa ko. “Dalawampung taong gulang na ‘tong si Faith, si Arima ay nasa edad kinse na rin. Halos limang taon na kayong nakakulong sa Nayon ng Gama dahil sa kaduwa—” “M-Manong naman. Huwag n’yo naman pong pagsalitaan ng ganyan si Kuya. Hindi n’yo ho alam ang sakripisyo na pinagdaanan niya para sa ‘min,” pagtatanggol ni Faith sa ‘kin. Masaya akong marinig ang sinabi niya dahil maging ako ay kampi rin kay Austere. He did well protecting his siblings. Kung totoo man ang sinasabi nitong si Manong, dapat lang na hangaan pa niya si Austere dahil nagawa nitong manirahan sa gubat na may Grosque. Ang nakakabilib pa ay ligtas na pinalaki ni Austere ang kanyang mga kapatid sa loob ng limang taon. Teka nga. Ano’ng nangyari five years ago? “May nangyari ba limang taon na ang nakararaan?” walang pag-aalinlangan kong tanong. Napangiwi ang matanda sa ‘kin. “Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na ang pagkamatay ng ‘yong mga magulang dahil sa mga halimaw? Hijo, galing din ako sa Gama kaya hinding-hindi ko makakalimutan ang nakaraan ko.” Gulat akong napatingin sa kanya dahil sa aking narinig. “Kung gano’n, mamamayan din kayo ng Gama? Ba’t po kayo umalis?” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto kong malaman ba’t humantong sa gano’n ang lugar nila Austere. “May humampas ba sa ulo mo para makalimutan mo ang nakaraan? E, kung hampasin kaya kita ngayon at nang tuluyan ka nang mamatay.” Maagap akong napaatras nang bigla niyang itinaas ang kanyang palakol sa ere. Tang ‘na naman! Hindi naman kasi ako si Austere! “Umayos ka, Austere. Malaki ang naging sakripisyo ng ‘yong mga magulang para sa ‘tin. Huwag na huwag mong kakalimutan ang kanilang ginawa para sa Nayon ng Gama. Siya nga pala, ano ba ang pakay n’yo rito?” pag-iiba ni Manong sa usapan. Crap. Gusto ko pang malaman kung ano’ng dahilan ng pag-alis niya pero ayaw ko namang mabiyak ang ulo ko ng wala sa oras. Napabuntonghininga na lang ako bago siya sinagot. “Pupunta kami sa Great Wall, kailangan po namin ng mapa.” Nang marinig ni Manong Hidalgo ang aking sinabi, agad niyang nabitawan ang kanyang palakol habang hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “Nasiraan ka na nga talaga ng bait. Anong Great Wall? Ito ay kathang-isip lamang ng mga taong nais makalaya sa Argon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD