CHAPTER VII: The Two Maps

2491 Words
I-Imposible. Si Austere mismo ang nagsabi sa ‘kin na kailangan naming magtungo sa Great Wall. Teka, hindi kaya . . . Crap. Hindi ba sabi nila nasiraan na raw ng bait si Austere at nanatili sa Gama kasama sila Faith? What if kathang-isip niya nga lang talaga ang Great Wall? No, no. Hindi p’wede. The Great Wall is our only hope. “Paano n’yo ho nasabi na hindi ito totoo?” tanong ko kay Manong Hidalgo. Matagal siya napatitig sa ‘kin bago niya binuksan ang kanyang drawer. Umisod ako nang kaunti papalapit sa kanya para malaman kung ano ang kinuha niya. Sumunod naman sa ‘kin sina Faith at Arima na nakatayo sa magkabilang gilid ko. Napakurap ako nang may ilatag na mapa si Manong Hidalgo sa ibabaw ng kanyang paninda. Luma na ang papel nito pero mababasa pa rin naman ang nakasulat at nakaguhit na mga lugar. Rating ko as an artist sa mapa ay 10/10. Maganda ang art style, unique at aesthetic. Mala-ancient times ang datingan. Sorry naman, hindi ko mapigilan na magbigay ng comment. “Tingnan mo ito,” utos sa ‘kin ni Manong Hidalgo. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong isang malawak na lupain lamang ang nasa mapa. Parang isang continent lang siya na may pagkakahawig sa Australia ang area. Ang nakasulat sa itaas nito ay ‘Ang Mapa ng Argon’. “Ito ang lupaing kinalalagyan natin ngayon—ang Argon. May iba’t ibang Nayon dito kaya hindi maiiwasan ang panananakop para palaguin ang nasasakupan. Subali’t mas malawak ang teritoryo ng mga Grosque kaysa sa mga tawo. Naiintindihan mo ba, Austere?” Mas lalo lang akong naguluhan dahil sa sinabi ni Manong. “Ano naman ang koneksyon nito sa Great Wall?” Napailing siya sa ‘kin. “Tingnan mo itong mapa. Saan mo matatagpuan ang Great Wall diyan kong napapalibutan tayo ng tubig!” Mariin akong napatitig sa itinuro niya. Tama nga siya, karagatan nga ang nakapalibot sa ‘min. f**k. Baka baliw nga si Austere? Teka, kailangan kong kumalma. Hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa kamay ni Arima habang binabalanse sa aking isipan ang aking mga narinig. Hindi reasonable ang mapa na nasa harapan ko unless . . . “Heh. Kung kathang-isip lang ang Great Wall, baka naman ay may gumawa ng mapa papunta roon dahil sa sobrang kabaliwan,” wala sa sarili kong saad. Wala na akong ibang maisip, eh. Hindi na kami p’wedeng bumalik sa Gama. Alam kong marami nang alaala si Austere doon pero hindi p’wedeng habang-buhay na lang kaming magtatago. At saka, p’wede ba? Siya mismo ang nagsabi na umalis na kami ro’n for goodness sake! I’d be honest, delikado talaga ang lugar na ito. Kailangan naming makapunta sa lugar na malaya kaming makakalabas ng walang takot. Kung may lugar na gano’n, hindi talaga ako magdadalawang-isip na dalhin sila Faith doon. Napayuko na lamang ako dahil sa labis na pagkadismaya. Lintik. Akala ko ang Great Wall na ang pag-asa namin. “Ma-May mapa nga na nilikha ang mga baliw.” Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang sinabi ni Manong Hidalgo. “Ano ho ang ibig n’yong sabihin?” naguguluhan na tanong ni Faith. Binuksan muli ni Manong Hidalgo ang kanyang drawer at may inilabas na isa pang mapa na may kaparehong papel nang nauna niyang ipinakita sa ‘min. Nang ilatag niya ito―katabi ng mapa ng Argon―napansin kong may pagkakahawig ang dalawa. Nabuhayan ako ng loob. s**t! May Great Wall nga! “Ito ang nag-iisang kopya ng Mapa ng Payaso rito sa Gui. Marami nito noon. Pero sinunog dahil nagdadala raw ng kamalasan sa may-ari. Kaya nga sinabi ko sa ‘yo na likha lamang ito ng malikot na isipan ng mga naghahangad ng kalayaan, Austere. Dahil ni isa ay wala pa akong nabalitaan na matagumpay na nagamit ang mapa.” Natahimik kami dahil sa sinabi ni Manong. Kung gano’n, totoong may mapa pero wala pang nabalitaan na may nakalagpas sa Great Wall? Kung sa bagay, kahit na sino naman siguro ay tatawagin na baliw kapag sinunod pa rin ang mapa na ‘to. Wala pang nakapagpapatunay na totoo, eh. Pero paano nangyari ito? Mali ba ang mapa? O hindi naman kaya may panganib talaga itong dala? “Ano? Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Austere?” tanong sa akin ni Manong Hidalgo. Mariin akong napalunok nang magtama ang aming mga mata. Mababakas sa kanyang titig na nag-aalala siya para sa ‘min. “Kuya . . .” Saglit akong napalingon kay Faith saka ko itinuon ang aking atensyon sa dalawang mapa. Matagal ko itong tinitigan hanggang sa napagdesisyunan kong magpatuloy. Pupunta kami sa Great Wall. Kami ang magpapatunay na totoo ‘to. “Magkano ho itong dalawang mapa?” Nagulat si Manong Hidalgo nang marinig ang aking tanong. “Kabaliwan! Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Austere? Sapat na ang bumaba kayo rito, Hijo. Dito na lang kayo manatili. Dito ka na bumuo ng sarili mong pamilya at gano’n din si Faith. Huwag mong ilagay sa panganib ang buhay n’yo para sa kalayaang walang kasiguraduhan!” Napangiti ako kay Manong. “Mas gugustuhin ko pa pong mamatay na lumalaban,” tugon ko. Alam kong naging duwag ako nang makaharap ko ang Grosque na ‘yon kahapon. Pero ngayong unti-unti na akong may nalalaman tungkol sa paligid ko, sa tulong ng Dios sa pamamagitan ni Austere, alam kong maililigtas ko ang kapatid ko sa mundong ito. Pinapangako ko. “Nababaliw ka na. Faith, pigilan mo nga itong kapatid mo. Huwag mong hayaan na dalhin ka niya sa panganib,” hysterical na wika ng matanda. Pero nginitian lang siya ni Faith saka nito hinawakan ang aking kamay. “Sasamahan ko ho si Kuya, Manong Hidalgo. Hinding-hindi ko ho pababayaan ang aking pamilya,” walang pag-aalinlangan niyang sabi. Napangiti ako sabay pisil sa kanyang kamay. “Pwes! Isang daang gintong barya ang presyo ng bawat mapa!” sigaw sa ‘min ng matanda. Binitawan ko ang kamay nina Faith at Arima saka ko binuksan ang bag na pasan ko. Mula rito ay maingat kong inilabas ang piraso ng balat ng Grosque at inilapag ito sa harapan ni Manong. Ilang beses siyang napakurap nang makita ang aking dala. Alam kong malaki ang magiging presyo nito kaya nagdala ako. Sa tingin ko kasi ay maganda itong gamitin sa paggawa ng sandata. Matibay at rare material. Ito nga ang plano kong gawing espada kapag nakahanap na ako ng mahusay na weapon maker. Ayaw ko kasi na masayang lang ito. “S-Saan mo ito nakuha?” hindi makapaniwalang tanong ni Manong Hidalgo habang sinusuri ang materyal na nasa kanyang harapan. “Sa gubat.” I lied. Hindi ko naman p’wedeng sabihin na galing sa pinatay kong Grosque. Mahirap na baka sumikat ako. Saka na kapag nasa ligtas na lugar na ang kapatid ko. “Nakakamangha! Hindi ako makapaniwalang may matatagpuan kang ganito sa gubat. Espesyal ang materyal na ito at magandang gawing sandata.” Napatingin siya sa ‘kin kaya malapad akong napangiti. “Sapat na ho ba ‘yan para sa dalawang mapa?” tanong ko. Napabuntonghininga si Manong Hidalgo. “Dati ay ayaw na ayaw mong iwan ang Gama nang mamatay ang ‘yong mga magulang. Tapos ngayon ay heto ka, handang lakbayin ang lugar na wala pangpatunay kung totoo nga ba.” Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin bago ako nagsalita. I was thinking. Kung ayaw ni Austere na umalis sa Gama, bakit ngayon inuutasan niya akong dalhin ang kapatid niya sa Great Wall? Kahit na ako ay nalilito. Pero kung para sa kaligtasan ito ni Kate, gagawin ko. “People chan—este walang permanente sa mundo, Manong Hidalgo. Iba ang bukas sa ngayon.” Hindi ko na hinintay ang kanyang tugon at agad din na kinuha ang dalawang mapa. Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos ay tuluyan na siyang tinalikuran. Habang naglalakad kami papunta sa labasan, napatigil ako nang mapansin ko ang mga kapa na binebenta ng ‘sang matandang babae sa tabi ng daan. Walang pag-aalinlangan akong naglakad papalapit sa kanyang maliit na tindahan para magtanong. “Magkano ho ito?” Isa-isa kong tiningnan ang naka-display na kapa habang nakasunod naman sa ‘kin sila Faith. “Isang daang pilak na barya ang isang kapa, Hijo,” tugon niya. Saktong-sakto. May pera si Austere sa bag ko, mas mabuting gamitin namin ‘to. Mahirap na baka magkasakit kami lalo na’t pabago-bago ang panahon. “Tatlo ho.” Inabot ko sa ginang ang bayad saka nilingon sina Faith at Arima. “Pumili kayo ng kasya sa inyo, kailangan natin ‘to para ating paglalakbay.” Hindi na sila umangal pa at agad din na namili ng kapa na sakto lang ang sukat para sa kanila. Mas maganda siguro kung ibang kulay ang pipiliin ni Faith pero mukhang itim din ang napusuan niya tulad sa ‘min ni Arima. Pagkatapos nilang makapili ay agad din naming isinuot ang aming mga kapa saka kami naglakad patungo sa gate. Nadatnan naming nag-uusap ‘yong limang nagbabantay and they’re talking about me. “Grabe, ‘no! Nakakagulat ang pagbabago niya. Hindi kaya may mahiko siyang ginamit para magmukha siyang prinsipe?” Hindi ko napigilan na matawa nang marinig ko ang sinabi ng walang ngipin sa unahan. Maging si Faith ay natawa na rin dahilan para mapalingon silang lima sa ‘min. “Aalis na kami,” natatawa kong wika. “Mag-iingat po kayo,” nahihiya namang tugon ni Walang Ngipin. Naiiling na lang akong natawa sabay hawak sa kamay ni Arima. Muli ay nagpaalam kami sa limang nagbabantay at inumpisahan na namin ang aming paglalakbay. Ala-una ng hapon ay napagdesisyunan naming magpahinga na muna malapit sa ilog. Malayo-layo na rin ang nalakad namin. Base sa mapa nasa Red River na kami ngayon. Hindi naman talaga Red River ang nakasulat sa mapa kung ‘di Tabi ang pangalan ng ilog. Ewan, paano na-translate ng utak ko na Red River ‘to. Walang hiya. “Kuya, kumain po muna kayo.” Inilapag ni Faith ang isang mangkok ng lugaw sa harapan ko saka naupo sa aking tabi. Napatingin na rin siya sa mapa na nasa damuhan na tinitingnan ko. “Saan po ang punta natin, Kuya?” usisa niya. “Hilagang-kanluran ang tungo natin,” tugon ko sabay hilot sa ‘king sentido. Sumasakit ang ulo ko. Kanina ko pa tinitingnan ang dalawang mapa pero wala akong makitang koneksyon sa dalawa. Walang dagat na nakaguhit sa Mapa ng Payaso kung ‘di patag na lupain lamang ‘to na nasa gitna ng malawak na kagubatan. Hindi karagatan ang nakapalibot dito taliwas sa Mapa ng Argon. May isang nayon lang na nakalagay sa Mapa ng Payaso, ito ay ang Nayon ng Daza. Pero ang agaw-atensyon sa lahat ay ang Kaharian ng Nava na nasa sentro ng lumang papel. Kailangan muna naming dumaan sa kaharian na ito bago namin marating ang kagubatan ng Drisaste. Kapag nakalagpas kami sa Drisaste, mararating na namin ang Great Wall. Hindi ba ang dali lang? Pero may dalawa kaming malaking problema. Una, paano namin makokonekta ang dalawang mapa. Paano namin mararating ang Nayon ng mga Patay kung dagat ang dead end ng Argon? Pangalawa, hindi nakasaad sa Mapa ng Payaso kung ano ang nasa likuran ng Great Wall. Paano kung kapahamakan lang ang madadatnan namin doon? Argh! Naguguluhan na talaga ako! “Kuya, ano ho ang maitutulong ko sa ‘yo?” Napalingon ako kay Faith at bumungad sa ‘kin ang maamo niyang mukha. I’ll definitely protect this innocent face. “Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ikonekta ang dalawang mapa,” amin ko. Hinayaan ko siyang suriin ang dalawang mapa at sinimulan nang kainin ang aking pananghalian. Unconsciously, hinanap ng mga mata ko si Arima. Ewan, pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong payapa siyang nagpapahinga sa may paanan ng puno katabi ang mga gamit namin. “Hmm. Naguguluhan din ako, Kuya,” wika ni Faith kaya natawa ako. “Huwag mong pilitin ang sarili mo.” Sumimangot siya sabay nguso. “Kuya, naman. Kapag talaga naintindihan ko ito, tingnan lang natin ang magiging mukha mo,” hamon niya sa ‘kin. Napangiti ako sabay haplos sa nakatirintas niyang buhok. Ako ang nag-utos sa kanya na tirintasin ito dahil masyadong mahaba. Hanggang beywang na pero ayaw niya pang bawasan. Saka na raw kapag nakapag-asawa na ako, ito kasi ang panata niya. Hindi siya magpapagupit hanggang sa wala pa akong napupusuan. Grabe naman. “Siya nga pala, Faith. Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa Great Wall. Biglaan itong desisyon ko at alam kong maging kayo ay nagulat sa sinabi ni Manong Hidalgo,” wika ko. Napaayos ng upo si Faith bago ako sinagot. “Sa totoo lang, matagal mo nang nababanggit ang Great Wall, Kuya. Sa tuwing tinatanong kita kung ano’ng mayro’n doon, ang isasagot mo lang ay kalayaan,” napangiti siya sa sariling sinabi. “Hindi ba parang baliw lang akong pakinggan,” natatawa kong turan. Napailing si Faith sa ‘kin. “Limang taon na ho tayo sa Gama, Kuya. Simula nang mamatay sila Mama dahil sa biglaang pag-atake ng mga Grosque, isa-isa na tayong iniwan ng mga kasamahan natin ro’n. Ang piniling lider ng Gama noon ay tuluyan nang bumitaw kaya ikaw ang pumalit. Hanggang sa tayo na nga lang ang natira dahil natakot sila.” Crap. Ito na ang hinahanap kong sagot. Ibig sabihin, namatay rin sila Mama rito? Pinatay sila ng mga halimaw? Damn, nasasaktan ako. Ang sakit sa puso. Kahit hindi ko alam ang mukha ng mga magulang ni Austere sa mundong ito, pakiramdam ko ay sinaksak pa rin ako dahil sa kanilang sinapit. Ang tragic ng buhay ko. Ang tragic ng buhay namin ni Austere. “Ang gusto kong sabihin ay kahit saan ka man magpunta ay doon kami ni Arima, Kuya. Pamilya tayo. Kayo na lang ang pamilya ko at ayaw kong sayangin ang oras ko na hindi kayo kasama,” malapad akong nginitian ni Faith dahilan para mapangiti rin ako sa kanya. I’m thankful. Hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon na ‘to. I will protect them. “Bronze! Misty!” Agad akong napatayo nang may marinig akong boses ng lalaki, hindi kalayuan sa amin. Mukhang may hinanap ito. “Dito ka lan—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang may sumulpot mula sa likuran ng puno na hinihigaan ni Arima, isang lalaking kulay-abo ang mga mata. “Don’t you even dare touch him!” sigaw ko sabay bunot ng aking espada. Mukhang kaedad lang siya ni Faith, but he’s carrying a sword. Hindi ako p’wedeng makampante. “T-Teka lang. Kasapi ako sa isang pangkat. Ako si Graeson Huerta, isang Montero mula sa Nayon ng Leal.” Ako ang kaharap niya pero sa likuran ko nakatingin ang kanyang mga mata. Nakatingin siya sa babaeng nakatayo sa aking likuran. Damn. This guy is bad news.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD