CHAPTER VIII: The Outsider

2618 Words
“Ang sarap naman nito! Ikaw ang nagluto?” My ears are twitching while listening to this guy’s voice. Hindi ko maintindihan kung paano kami humantong sa kalagayan na ito, pero hindi talaga ako natutuwa sa kanya. “Um, ako nga. M-Maraming salamat.” Dagli kong nilingon si Faith na ngayon ay nakangiti na kay Graeson. Magkaharap lang kaming tatlo. Pero para sa lalaking ‘to, ang kapatid ko lang yata ang kausap niya. Ngayon pa lang ay hindi ko na siya nagugustuhan. Yeah, guwapo siya at ang ganda ng kulay ng mga mata niya. Pero hindi ito sapat para payagan ko siyang pormahan ang kapatid ko. Dudurugin ko siya! “Ano nga pala ang ginagawa mo sa dakong ito?” bigla kong tanong dahilan para mapalingon si Graeson sa ‘kin. Nginitian niya ako sabay lunok sa lugaw na nasa bunganga niya. “Miyembro ako ng pangkat ng Montero sa nayon na pinagmulan ko. Ngayon ang una kong araw sa trabaho. Kaso lang naligaw ako at hindi ko na mahanap ang mga kasamahan ko,” kuwento niya. Napaisip ako dahil sa kanyang sinabi. There’s something off. Pero sisiguraduhin ko na muna kung tama ba ang hinala ko. “Ano’ng ‘Montero’?” usisa ko. Proud niya akong tinitigan sabay pakita sa ‘kin ng tsapa na nasa tunic niya. Nakalagay ito sa upper left corner ng kanyang damit. Mukhang sinadya itong tahiin. Wala namang kamangha-mangha sa agila na nakalagay sa badge. Kaya hindi ko maintindihan kung ba’t proud na proud ang lokong ito na ipakita ito sa ‘min. “‘Yan na ba? Wala ng sunod na paliwanag?” seryoso kong tanong. “Kami ang lumalabas para mangaso at bantayan ang Nayon ng Leal. Gano’n kabigat ang trabaho namin.” Ah, okay. Naiintindihan ko na kung ano’ng trabaho niya. Pero hindi pa rin ito sapat para mapabilib niya ako. “Maganda ‘yan. Malaking karangalan para sa ‘kin na makaharap ang isang Montero. Kaya ngayon ay umalis ka na dahil may pupuntahan pa kami.” Napatayo ako sa aking pagkakaupo saka naglakad papalapit kay Arima. He’s still sleeping. Napagod yata sa paglalakad namin. “Saan ang punta n’yo? Kung hindi n’yo mamasamain, p’wede n’yo ba akong tulungan na hanapin ang pangkat ko? Kanina pa ako naghahanap.” Matalim kong nilingon si Graeson nang marinig ko ang kanyang sinabi. Nagsayang na kami ng oras nang kausapin namin siya tapos ngayon gusto niya pa kaming abalahin? Hindi ako makapapayag. Kailangan naming makahanap ng ligtas na lugar bago pa tuluyang lumubog ang araw. Wala na kami sa Gama, mas delikado na ang lugar na kinalalagyan namin ngayon. Sigurado akong hindi lang isang Grosque ang makakaharap namin sa bahaging ito ng Argon kung hindi agad kami magtatago bago sumapit ang dilim. “Hindi ba ay kasapi ka ng Montero? Ba’t kailangan mo pa ang tulong namin?” Hindi ko na maitago ang pagiging pilosopo ko dahil sa lalaking ‘to. “Baguhan lang ako kaya kailangan ko pa ng gabay. Pasensya na.” Napasinghal ako nang marinig ko ang kanyang sinabi. Kalokohan. Nilingon ko si Faith sabay senyas na ligpitin na ang mangkok na ginamit ni Graeson. Agad niya naman akong sinunod at hinugasan ito sa malapit na ilog. Ibinaling ko ang aking atensyon sa lalaking naka-Indian seat pa rin sa damuhan saka siya nginisihan. Hindi pa tapos si Faith kaya may pagkakataon pa akong itaboy ang lokong ‘to. “Ilang taon ka na ba?” tanong ko. “Dalawampu’t isang taong gulang po,” tugon ni Graeson. Hindi pa rin mawala-wala sa itsura niya ang kanyang pagiging hambog. Hindi ko talaga siya gusto. “Oh? Nasa tamang edad ka naman pala para libutin ang kagubatan na ‘to.” Natahimik siya nang marinig ang aking sinabi. Naiiling akong napangisi bago ipinagpatuloy ang aking pag-atake. “Akala ko ba isa kang Montero?” panghahamon ko sa kanya. “M-Montero nga ako!” Napangiti ako nang mataranta siya. “Kung gano’n, huwag kang sagabal sa paglalakbay namin. Ayaw kong malagay sa panganib ang mga buhay namin dahil lang sa ‘yo, naintindihan mo?” Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa makabalik si Faith. Malinis na ang mangkok na hawak niya maging ang kutsura. Dahil sa mabigat ang aming kagamitang kahoy, malaking tulong sa ‘min ‘tong mga gamit na yari sa pilak na nahanap namin doon sa bahay na pinagtaguan namin sa Gama. Ewan ko ba ba’t hindi nila agad ito napansin noon. “Aalis na ho ba tayo, Kuya?” tanong ni Faith pagkatapos na ilagay sa bag ang hawak niyang kubyertos. “Oo. Gisingin mo na si Arima,” utos ko. Napasulyap siya sa direksyon ni Graeson bago ako sinunod. “Arima, Arima, aalis na tayo.” Saglit ko silang nilingon bago ko hinarap muli si Grae. “Ang pananghalian lamang ang kaya namin na ibahagi sa ‘yo. Paumanhin pero kailangan na naming umalis.” Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong magpaalam. Nang makalapit ako kina Faith, agad ko rin na hinawakan ang kamay ni Arima. Humihikab pa siya habang kinukusot-kusot ang kanan niyang mata. “Kailangan muna nating makahanap ng ligtas na matutuluyan. Doon mo na lang ipagpatuloy ang ‘yong pahinga,” wika ko. Napatango si Arima sa ‘kin at mahigpit din na kumapit sa kamay ko. Kinse anyos na siya pero ang liit pa rin ng height niya. Ganito siguro ang ilang lalaki. May estudyante rin kasi ako noon na maliit nang pumasok sa high school pero ang tangkad nang magtapos. Tutubo pa siya, hindi pa sa ngayon. Sinimulan na naming maglakad palayo sa dako ni Graeson. Nang talikuran namin siya ay hindi na kami lumingon pa ulit. Unti-unti ay nabubuo na ang hinahanap kong sagot tungkol sa kanya. Sa tingin ko ay hindi siya naligaw rito. “Kuya, ayos lang ba naiiwan natin siya ro’n?” Napatigil ako sa tanong ni Faith. “Nag-alala ka ba sa kanya?” seryoso kong tanong. Napansin ko ang kanyang paglunok dala siguro ng takot dahil sa tono ko. “Kahit sino naman siguro ay mag-aalala, Kuya,” katuwiran niya. “Ito ang tandaan mo, Faith. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong ilahad ang ‘yong kamay para tulungan ang ibang tao.” Tumiim ang aking bagang nang maalala ko bigla ang nangyari kay Kate noon. Isa siguro ito sa dahilan kung ba’t bantay-sarado ako kay Graeson. ‘Yong kaklase kasi ni Kate ay isang f*cking fake na akala ko ay maganda ang intensyon. Maamo ang mukha, eh. ‘Yong feeling na hindi ka mag-iisip ng masama towards sa kanya dahil napakainosente at ang bait umakto. Nalinlang na ako noon kaya hindi na ako magpapaloko pa ulit ngayon. Tama na ang isang beses. “Masusunod po, Kuya. Gagawin ko ho ang lahat para hindi ako mapahamak.” Lumambot ang aking ekspresyon nang makita ko ang matamis na ngiti ni Faith. Yeah, that’s right. Sumunod ka sa ‘kin dahil gagawin ko talaga ang lahat para mailayo ka lang sa kapahamakan. Ipinagpatuloy na namin ang aming paglalakbay hanggang sa may marinig kaming nagtatawanan banda sa kaliwa namin, mismo sa direksyon ng ilog. Sinunod lang namin ang Tabi para hindi kami maligaw. Kailangan namin ng palatandaan. “Sigurado akong umiiyak na ‘yon ngayon!” natatawang turan ng isang lalaki. His voice is deep. Barumbadong-barumbado. Akmang maglalakad na sana kami palayo nang marinig ko ang pamilyar na pangalan mula sa kanila. “Ang tagal nating hinintay ang araw na ito. Sa wakas ay napalayas na natin si Graeson sa ating nayon.” Hindi ko napigilan na mapangisi nang mapagtanto kong tama nga ako. Kanina nang makausap ko si Graeson, nagtaka ako kung ba’t bigla na lang siyang naligaw kung miyembro naman siya ng Montero. Hindi ba dapat alam niya ang daan pauwi sa nayon nila? Unless sinadya talaga na iligaw siya sa kagubatan na ‘to. “Pabigat lang siya sa nayon natin, eh. Kung hindi dahil kay Tandang Tasyo ay matagal ko na siyang itinapon sa labas ng bakod.” Nagtawanan silang muli. “Nalungkot ako ng tuluyan nang magpaalam si Tandang Tasyo sa atin. Pero ngayon ay masaya na ako dahil wala na si Graeson!” Nagpalakpakan sila na para bang biro lang ang buhay ng dalawang tao na kanilang pinag-uusapan. Ah, wala talaga akong balak na panghimasukan ang buhay ng iba pero sobra na ‘to. Binitawan ko ang kamay ni Arima pagkatapos ko itong iabot kay Faith. Naguguluhan nila akong tinitigan kaya napabuntonghininga na lang ako. “May problema ba, Kuya? Si Graeson ba ang pinag-uusapan nila?” nag-aalalang tanong ni Faith sa ‘kin. Napatango ako. Ito na ang pangkat na hinahanap ni Grae. Nakakalungkot lang dahil siya ay patuloy na naghahanap habang itong mga kasamahan niya ay tuwang-tuwa pa sa kanyang pagkawala. I really hate Grae. Hindi ko gusto ang pagiging proud niya sa sarili pero ayaw kong maghintay siya sa wala. Ayaw kong patuloy pa rin siyang maghanap sa mga gago na ‘to. “Magtago kayo ro’n sa likod ng puno,” utos ko kina Faith. “Ano ho ang balak n’yong gawin, Kuya?” Napakunot ang noo niya sa ‘kin. “May kailangan lang akong ayusin,” nakangiti kong tugon. Nag-alalang napatango si Faith bago sila naglakad patungo sa likod ng punong kahoy. Malalim akong napabuga ng hangin bago ko tiningnan ang direksyon ng araw. Kailangan kong maging conscious sa oras kung ‘di mapapahamak kami. “Walang hiya talaga,” bulong ko sabay bunot sa aking espada. Saktong alas-tres na ng hapon, kailangan ko nang magmadali. Inilapag ko ang dala kong bag sa tapat ng puno na pinagtataguan nila Faith. Halos magkakapare-pareho lang ang puno sa gubat na ito kaya itong bag ko ang magiging palatandaan namin. “Babalik ako,” wika ko kina Faith bago ako naglakad patungo sa direksyon ng mga boses. Pagkatapos kong putulin ang ligaw na mga tanim na sagabal sa daan ko, tumambad sa akin ang tatlong kalalakihan na may parehong kasuotan ng kay Graeson. Isang medieval tunic na may logo ng kanilang kinabibilangang nayon. “Magandang hapon,” bati ko sa kanila. Ilang beses silang napakurap nang makita ang nakangiti kong mukha. Naglakad ako papalapit sa kanila. Oh, they are having a celebration. May inihaw na isda sa harapan nila at alak na kalahati na ang bawas. Walang pinagkaiba ang mga tao na ito sa halimaw na nakaharap ko. Pareho silang mga walang pakiramdam. “S-Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito?” tanong sa ‘kin ng lalaking may malaking tiyan. Napangiti ako sa kanila sabay tingin sa blade ng espada ko. Tamang-tama kakahasa ko lang nito. “Magtatanong lang sana ako kung may kilala ba kayong Graeson.” Nanlaki ang kanilang mga mata nang marinig ang aking sinabi. “W-Wala. Ano ba ang pakay mo sa kanya?” usisa ng may malaking ilong. “Balak ko sana siyang bigyan ng isang daang gintong barya dahil sa pagtulong niya sa ‘kin,” nakangiti kong tugon. “Ha! Sigurado ka bang si Graeson ang tumulong sa ‘yo? Baka minamalik-ma—” Hindi ko na siya pinatapos at agad din na itinusok ang aking espada sa kanyang hita. Umalingawngaw sa buong kagubatan ang sigaw ni Malaking Ilong dahilan para magsiliparan ang mga ibong nagpapahinga sa mga sanga. “Kaaway!” sigaw ng dalawa niyang kasamahan sabay tutok ng kanilang mga espada sa leeg ko. Crap. Masyado akong nadala sa emosyon ko kaya hindi ko napigilan ang mga kamay ko. Good job, Caster. “Ano ang pakay mo sa Nayon ng Leal! Isa kang ispya!” Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang espada ni Tabachoy sa lalamunan ko. “Sumagot ka!” Tinitigan ko lang siya saka nginisihan. “Aba! Hayop ka, ah! Sumagot ka!” sigaw niyang muli pero nanatili lang akong walang imik. Sinusuri ko ang kanilang mga posisyon para malaman kung sino ang una kong dapat na atakihin. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng aking pagpaplano ay bumagsak na ang katawan ng dalawang nakatayo sa tabi ko. Ha? Ano’ng nangyari? Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong kaluskos ng dahon. Laking gulat ko na lamang nang makita ko si Graeson na may hawak na tube na yari sa kahoy at piraso ng matatalim na bagay na mukhang karayom. May pag-aalinlangan siya napangiti sa ‘kin. “Sumunod ako sa inyo dahil ang totoo ay natatakot ako,” amin niya. Mahina akong natawa nang marinig ko ang kanyang sinabi. Loko. “Ano ito, Graeson! Kasabwat mo ba ang ispya na ito!” Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harapan ko sabay paikot sa aking espada. Muli siyang napasigaw dahil sa ginawa ko. “Relax—este kalma lang. Hindi ka mamamatay sa sugat na ‘to,” nakangisi kong wika sabay bunot sa espada ko. Napadaing siya saka diniinan ang sugat sa kanyang hita. I can’t believe na wala akong nararamdaman na takot sa mga oras na ito. Parang normal na lang sa ‘kin na makakita ng dugo, may malaking naitulong din naman pala sa ‘kin ang mga horror films. Wala rin akong maramdaman na konsensya. Deserve niya naman ‘to, ‘no. “Humanda ka, Graeson! Papatayin talaga kita!” banta niya habang namimilipit sa sakit. Nilingon ko si Grae sabay senyas na kunin ang lubid na nasa paanan niya. “Hahayaan ko kayong mabuhay, pero ewan ko lang kung pareho ba kami ng desisyon ng kaibigan nating mga Grosque,” nakangisi kong wika. Napuno ng takot ang mukha ni Malaking Ilong habang gumagapang siya papalayo sa ‘kin. Mas mabuti na rin ‘tong inunahan ko sila bago pa nila makita sila Faith. Nakakatiyak akong hindi ako makakakilos nang maayos kapag may ginawa silang masama sa mga kapatid ko. Kaya hangga’t maaari ay pipigilan ko na agad ang mga taong panganib ang dala sa ‘min. Itinali namin ni Grae ang tatlo niyang kasamahan sa isang puno na katabi ng ilog. Nang matapos kami ay agad din akong bumalik sa pinagtataguan nila Faith. Napangiti ako nang marinig ko ang humming niya. “Nandito na ako,” wika ko sabay pulot ng aking bag. Sumilip si Faith sa puno saka nakangiti akong nilapitan. “Kuya Austere! Nasugatan ka ba?” nag-aalala niyang tanong sabay check sa katawan ko. Napangiti ako sabay haplos sa kanyang buhok. “Ayos lang ako. Kailangan na natin maghanap ng ligtas na matutuluyan ngayong gabi. Malapit nang lumubog ang araw.” Napatango siya sa ‘kin saka hinawakan ang kamay ni Arima. Akmang maglalakad na kami nang biglang magsalita si Graeson mula sa likuran namin. Sabay kaming napalingon sa kanya. “G-Graeson?” hindi makapaniwalang wika ni Faith. Nginitian siya ni Grae. Ngayon ay bumalik na ulit ang kanyang hambog na aura. Mukhang target niya nga ‘tong kapatid ko. “Kung naghahanap kayo ng matutuluyan ngayong gabi, sa ‘min na lang muna kayo tumuloy. Malapit lang ang Nayon ng Leal dito,” he offered. Hindi niya ba narinig ang usapan ng mga kasamahan niya kanina? O patay-malisya na lang siya? At akala ko ba ay hindi niya alam kung paano bumalik sa kanila? Huwag mong sabihin na ayaw niyang iiwan ang mga kasamahan niya rito kaya hinahanap niya sila? Sheesh, nagbabait-baitan ba siya? Anyway, wala akong pakialam sa kanya. Ang kailangan ko ngayon ay ligtas na lugar para kina Faith. Wala naman sigurong masama kung mananatili kami ng isang gabi sa kanila, ‘di ba? Hindi ibig sabihin nito ay pumapayag na akong pormahan niya ang kapatid ko. Might as well use him para sa kaligtasan namin. “Paano kami makakapasok?” usisa ko. Napangiti si Grae. “Ako ang bahala sa inyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD