Chapter 2. PEMS VICTORINO MONDRAGON

1694 Words
"PEMS VICTORINO MONDRAGON JR!" Tawag niya sa pangalan ng lalaking kinaiinisan niya sa balat ng lupa. Lumingon ito sa kaniyang direksyon at malaki ang pagkakangiti nito sa kanya. "Yes, my Precious! May kailangan ka ba sa akin ngayon, kaya ka nandito sa opisina ko? Nakangiti na tanong nito sa kanya. Ngisi pa lang ng lalaking ito kumukulo na agad ang dugo niya. "Kalma self, kalma. Wala ka sa teretoryo mo para patulan ang hambog na ito." Kausap niya sa sarili. "Hindi Precious ang pangalan ko, baka nakakalimotan mo bago ako bininyagan ng magulang ko, binigyan na nila ako ng sarili kong pangalan at pinag-isipan nila itong mabuti. Kaya, huwag kang mag-imbento d'yan ng pangalan ko baka matadyakan kita sa mukha! Nakukukalangan ka pa yata sa pasa mo sa mata!" Napipikon niyang sagot dito. "Ang aga nambubwisit kana agad. Malamang may kailangan ako sayo, kaya kaharap mo ako ngayon. Alangan naman tumambay ako dito eh hindi naman ito park." Nakairap pa niyang sabi. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataon na magsalita pa, nagsalita ulit s'ya. "Ano? Patatayuin mo lang ba ako dito sa opisina mo? Hindi mo manlang ba ako pauupuin dito sa upuan mo na panahon pa yata ng hapon nauso, at alukin manlang ng juice." Pagtataray pa niya. "Tigil, tigil! Pwede ba pagsalitain mo naman ako. Paano kita maaalok na umupo kung ang dami mona agad satsat? Ratatatatat... Ratatatatat! At akala mo nakakalimotan ko na itong ginawa mo sa mata, pwes hindi pa. May araw ka din sa akin!" Singit nito at may pag mwestra pa ng daliri. Close, open. Umikot ang eyeballs niya, at naghalukipkip na lang s'ya ng kanyang braso. "Whatever!" Mataray pa niyang sagot sabay ikot muli ng eyeballs nito. "Maupo kana Senyorita Attorney—Human Rights!" Pinagdiinan pa talaga ang Human Rights. "Nakakahiya naman saiyo at ikaw pa talaga ang sumadya dito. At anong juice ang gusto mo? Baka hindi mo magustuhan ang ititimpla ko sayo. May marinig pa akong hindi maganda saiyo, at baka makasuhan mo pa ako!" Sabi pa nito sa kanya. "Oh, well! Akala ko hindi mona ako aalukin. Kung hindi pa ako nagparinig saiyo. Pineapple juice nalang, iyon ang mas bagay na inumin ko ngayon dahil sa mukha mo pa lang mukhang tataas ang presyon ng dugo ko saiyo." Nakadikwatro niyang sabi. Tumingin ito sa kanya, at napailing ng. "Napaka taray mo talaga. Hindi ko alam kung tunay ka ba na Attorney, o nagpapanggap lang. Talo mo pa ang lady gangster sa inaasta mo." Sabi pa nito sa kanya bago tumalikod at igawa s'ya ng juice. "Hoy! Hoy! Isa akong lisensyadong Attorney, kaya huwag mong pagdudahan ang prosisyon ko. Ikaw eh, kung hindi ka ba naman barumbado at walang modong police officer na kausap, hindi ako ganito sayo. Kaya, yang sarili mo ang sisisihin mo at hindi ako pulis patola na sira ang ulo. Napapailing na lang ito ng ulo. Alam din siguro sa sarili nito na hindi siya magpapatalo. Magka-ubusan na kami ng laway, hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya, lalo na kung s'ya ang tama. Tuloyan na itong pumasok sa mini Kitchen nito dito sa kanyang opisina. At s'ya naman ay printing nakadikwatro habang naghihintay sa pagbabalik nito. "Nakakauhaw maglakad sa kalsada na tirik na tirik ang araw. Magkapera lang talaga ako ng malaki, ibebenta kona ang luma kong kotse. Palagi nalang ako nasisiraan kapag may lakad ako!" Bulong niya. "Ang tagal naman bumalik non, juice lang naman ang hinihingi ko dahil nauhaw ako sa paglalakad, kakahanap sa presinto ng ulopong na iyon. Tumayo s'ya at tiningnan niya ang picture frame na nakasabit sa wall na malapit sa table nito. Napangiti s'ya. "Ang bantot talaga ng pangalan n'ya at junior pa talaga s'ya ha. PEMS VICTORINO MONDRAGON JR." Natatawa niyang basa sa pangalan nito. "Ang gwapo ko ano? Humahanga ka na naman sa kagwapuhan ko. Hindi na sa akin bago 'yan, maliit na bagay. Pero sorry kana lang dahil may girlfriend na ako. Mahal na mahal ko 'yon at malapit na kaming ikasal. Kaya, huwag mo ng ituloy yang nabubuo mong pagtingin sa akin dahil wala kang mapapala sa akin, masasaktan ka lang. Kaya, habang maaga pa itigil mona yan. Ang fiance ko lang ang kilala ng puso ko, at kailanman ay hindi na ito maghahanap pa ng iba." Biglang salita nito sa kaniyang likuran. Muntikan na s'ya don. Mabuti na lang bingi itong Police patola na ito. At ano raw, nalunok ko na yata ang dila ko sa sobrang kahanginan ng lalaking ito. Siya nagagwapuhan sa hambog na ito. Hindi ba pwedeng natawa lang siya sa pangalan nitong mabantot. "Excuse me lang ha, wala ka naman segurong sakit sa ulo mo, ano? Pwede, pakibawasan yang pagkakasira ng ulo mo, masyadong mahangin eh." Putol niya sa sinasabi nito sa kanya. Tinuro pa niya ang sarili. "Ako, magkakagusto saiyo? Hindi ko pinangarap na magkagusto sa isang katulad mo na baliw. Hindi pa ako nasisiraan ng bait, kaya sorry ka din. Huwag kang ilusyunadong lalaki. Doon kana lang sa fiance mo, dahil wala akong balak na agawin ka sa kanya. Ayaw ko ng sakit ng ulo. dah!" Mataray niyang sagot at kunwaring nandidiri sa lalaki. "Kapal din ng mukha mo, ano? Na isipin ang ganyang bagay. Hindi kaba nahihiya na baka may makarinig ng mga sinabi mo? Mahiya ka naman oi, tumataas ang balahibo ko sayo, nakakakilabot ang mga pinagsasabi mo. Alam mo ba yon?" Sabi pa niya at bumalik na s'ya sa kinauupuan niya kanina. Tumawa naman ito at hindi din nagpatalo. "Ang lahat ng babae na nagsabi ng ganyan ay nagsisisi sa huli at nagmamakaawa na suklian ko ang pagtingin nila sa akin. Kaya lang, hindi naman ako disperadang lalaki at hindi na sa akin bago ang mga ganun senaryo. Kaya, bandang huli umiiyak parin sila dahil sa akin. Wala naman akong magagawa dahil loyal ako sa fiance ko." Mayabang at believe na believe sa sarili pa nitong sabi sa kanya. "Pwes, ibahin mo ako sa kanila. Dahil mataas ang standard ko sa mga lalaki. Hindi ako pumapatol sa mukhang hindi naliligo, badbreath at sobrang yabang na katulad mo. Kaya, alisin mo d'yan sa kukuti mona may gusto ako sayo dahil malabong mangyari 'yon kahit itaga mo pa sa bato!" Mataray pa niyang sabi sa lalaki na nakataas pa ang kaniyang kilay. Ang lalaking 'to. "Sayang, gwapo pa naman, 'yon nga lang ubod naman ng yabang. Gwapong gwapo sa sarili." Sa isip isip niya. "Segurado ka, ha? Ayaw ko lang na ako ang sisisihin ng pamilya mo kung sakaling magbigti ka na ako ang dahilan dahil sa binasted kita!" Pagpupumilit pa nito sa kayabangan. "Kahit ikaw pa ang nag-iisang lalaking natitira dito sa mundo hinding-hindi ako magkakagusto sayo." Aniya pa. "Bakit ba ako pumunta dito, nasira lang ng tuloyan ang araw ko? Sa isip isip niya. "Inumin mo na itong juice na ginawa ko saiyo, bago pa mawala ang lamig. Huwag kang matakot dahilwalang gayuma 'yan at malabong gawin ko yon sayo." Sabi pa nito. Napairap nalang s'ya ng kanyang mata. "Ibuhos ko kaya itong juice d'yan sa bunbonan mo ng mabawasan manlang kahit papaano ang kahambugan mo? Ngumiti lang ito sa kanya na labas ang lahat ng ngipin. Humigop s'ya ng kaunti. Napawi ang uhaw niya kahit papaano. Muli s'yang tumingin sa lalaki. "Seryuso tayo ha. San kaba pinaglihi ng nanay mo? Sobra mo kasing hambog ang lakas ng amats mo. Siguro nag sa shabu ka ano? Hala adik ka! Sumandal ito sa swivel chair nito at hinahaplos ang kanyang medyo may kahabaan na begote habang nakatingin sa kanya ng seryuso at nag-iisip. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko gwapo na akong isinilang ng nanay ko at hindi ako adik dahil kung adik ako wala sana ako sa posisyon na ito. Eh ikaw, saan ka ba pinaglihi ng nanay mo? Ah alam ko na sa p**e ng baboy ano? Ang daldal mo kasi, tama nga na naging attorney ka, bagay na bagay sayo. Biglang uminit ang ulo niya pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo sa bunbunan niya. Hindi na nahiya na banggitin ang pribadong parte ng katawan ng mga babae. "Bastos ka talaga ano? Hindi mona nirespeto ang pribadong parte ng katawan naming mga babae. Talagang ginawa mo pang halimbawa ng joke mo- Hindi pa tapos ang sinasabi niya ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Mister. Mondragon Jr. Niluwa nito si Alix na isa ding pulis. Nakilala na niya ito ng isama ito ni Mondragon sa hearing nung nakaraang araw. Hindi nito napansin na may kausap ang kanilang officer. "Sir, may good news ako saiyo. Tiyak kong matutuwa ka." Masaya pang pagbabalita ni Alix. "Hindi mo ba nakikita na may kausap ako, Alix? Bulag ka ba? o sadyang sira lang ang ulo mo?" Sermon ni Victorino. Napakamot naman ito ng ulo at napatingin sa kanya. Ngumiti lang s'ya kay Alix. "Sorry sir, pasensya na Miss. Attorney hindi kita napansin. Akala ko walang magandang dilag na bisita si sir Victor." Hinging paumanhin sa kanila ni Alix. "Okay lang Alix, walang problema sa akin. Iwan ko lang diyan sa sir mo kung sesermunan ka pa n'ya. Tumingin siya sa kanyang orasang pang bisig. "Mister PEMS. Victorino Mondragon Jr. Hindi na ako magtatagal, siguro sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang sadya ko saiyo. May kailangan pa akong asikasuhin ngayon. Makikipagkita pa ako sa bago kong kliyente." Paalam niya. At medyo natatawa dahil sa pagbanggit niya ng jr sa pangalan nito. Nakalimotan na niya ang sadya niya dito, kung hindi ba naman isa at dalawa ang utak ng lalaking ito. Limitado lang ang oras niya ngayon, pero naubos sa walang kwentang bagay na pag-uusap. "Sige, Miss. Attorney—Human Rights. Sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang sadya mo sa akin. Mag-iingat ka dahil maraming sanggano d'yan sa tabi tabi. Sayang ka pa naman maganda na sexy pa. At huwag mo ng isama ang Jr kapag tinatawag mo ako sa buo kong pangalan, ang lakas makagwapo eh. Ang hambog talaga, ang lakas ng hangin dito sa opisina nito. "Bastos ka talaga! Bwisit! Ito lang ang ipaalala ko saiyo ha. Tigil tigilan mo din ang pagtawag sa akin ng Miss. Attorne—Human Rights dahil isa akong Human Rights Attorney. Bugok!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD