Chapter 43 CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: "HAPPY BIRTHDAY!" sigaw ng mga barkada at kaibigan ng asawa ko. Kaarawan niya ngayon at narito kami lahat sa court ng kanilang subdivision dito sa Tagaytay. Dito niya napili na mag celebrate ng kanyang birthday kaya yung mga malalayo pa nakatira ay bumiyahe pa dito sa Maynila. "Thank you mga pare, bago kumain pakilagay na lang diyan sa malaking box na yan ang gift niyo sa akin na pera. Kahit magkano pa yan pero sana hindi bababa ng 1m ang bigayan. Ouch! Why?" nagulat ako na binatokan siya ni Cathy. "Gagi ka talaga! Baka nakalimutan mo na may utang ka pa, bayad-bayad din pag may time," paparinig sa asawa ni Samson na sinang-ayonan naman ng lahat niyang mga kaibigan habang natatawa. "Ay grabe! Mapanakit kana? Wag kang mag-alala babayaran ko kayo

