CHAPTER 44 CARLOS JASPER JR POV: "Sorry po sir, bawal po sa loob!" saad ng nurse sa akin. Nagdilim yata ang paningin ko dahil sa sinabi niya. "Why not? My wife needs me for pete's sake! Please papasukin niyo ako sa loob, hindi ako magwawala diyan. Gusto ko lang samahan ang asawa. She is in pain kaya ayoko na dito lang ako sa labas at naghihintay lang ng resulta." pagmamakaawa ko. s**t! I never beg for someone unless it was my wife. Hindi ako mapakali kung hindi ko makita ang asawa ko, gusto ko na nasaksihan lahat-lahat na nangyayari sa kanya sa loob kung paano niya iluwal ang baby namin, gusto ko o ako ang unang makakita sa itsura niya ng panganay namin. "Pare?" tawag ni Vincent sa akin. Nasa labas kami ngayon ng delivery room kasama ang mga kaibigan ko, saka mga asawa nila ay sumama

