Chapter One
Rian Blythe Solitario
Hindi ako mapakali dahil magkasama kami ngayon ni Gray sa mini garden. Napapraning na yata ako. Alam kong hindi ’to tama ang mga ginagawa ko. Hindi ko dapat pinapatulan ang boyfriend ng kambal ko.
Okay lang na husgahan niyo ako. Pero siguruhin niyo lang na alam niyo ang kwento.
Ako naman talaga ang totoo niyang mahal. Kong hindi lang dumating sa buhay namin ang kambal ko.
Noong second year palang my feelings na kami sa isat isa. Pero nang malaman kong may gusto sa kanya ang kambal ko.
Nag give way naman ako. Hindi ko sinabi ang tungkol sa amin ni Gray. May sakit si Lian ang kakambal ko.
Sa kadahilanang gusto ko siyang mapasaya. Nag give way ako, pero hindi ko naman alam na liligawan ako ni Gray. Kahit sila na ni Lian.
“Gray niloloko natin si Lian, ayaw kong saktan ang kapatid ko.” Hinawakan niya ang mga kamay ko, at tumitig ng deretso sa akin.
“Don’t worry Rian promise, hindi natin siya masasaktan. Sa ngayon itatago muna natin kong anong meron tayo. Gagawa ako ng paraan para makipagbreak kay Lian. Na hindi ikakasama ng loob niya.”
Ngumiti ang mga labi ko, at hindi napigilang yumakap ang mga braso sa kanya.
Bumulong ito. “I love you Rian.” Kinain niya ang distansya sa pagutan naming dalawa. "I love you too Gray,” tugon ko.
Alam kong mali ang lahat ng ito sa mata niyo. Pero para sa ’kin, hindi pagkakamali ito.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Unti unting naglapit ang mukha namin. marahan akong pumikit hindi umabot ng segundo naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko. Masuyo niya akong hinalikan. Tinugon ko naman ng buong pagmamahal ang halik niya. Sana matapos na ito, I wish this complicated story will be over.
*Ring
Natigilan kami ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko.
“I need to go.” Ngumiti siya bago tumayo.
“Magkita nalang tayo sa secret swing mamaya.”
Nginitian ko siya at ginawaran ng halik, bago umalis. Nang makalayo na ako sa kanya, saka ko sinagot ang tawag.
“Hello Lian napatawag ka?”
“Sis kanina ka pa namin hinihintay dito ni Vicia. Papunta ka na ba?”
Oo nga pala, tsk! Isasama nila ako sa mall. Paano ba naman walang ka sense of style ’tong kambal ko.
“Sorry nakalimutan ko, pinatawag kasi ako ni Miss Villaflor.”
Umirap ako sa hangin. Sana naman umandar ang palusot ko. “Eh nandito lang si Miss Villaflor sa cafeteria.”
Napapikit ako sa inis. Ano na ngayon ang ipapalusot ko?
“Hahahah ano ba ’yan. Ang makakalimutin ko na talaga. Anyway papunta na naman ako d'yan.”
Binaba ko na ang tawag at lumakad patungong Cafeteria. Pagkadating ko doon. Sinalubong ako ni Lian ng yakap. Nasa gilid niya si Vicia ang best friend niyang nerd. Hindi ito magawang tumingin sa akin.
Umirap ako sa isip, at yumakap din sa kanya. Mahirap na baka umandar na naman ang utak niya.
“Mabuti naman at nandito kana Rian.” Ngumiti siya bago ako hinatak, excited niya yata.
“Hahahah your so excited. Hmmm? Ano nga ba ang dahilan?” Ngumiti ang mga mata niya, at namula ang magkabilang pisngi.
“Hahahahah Miss Rian eh kasi. Binigyan siya ng kuwentas ni Gray. Bibilhan din daw niya ng regalo si Gray.” Sa wakas nagsalita rin ’tong kaibigan ng kambal ko. Pero ano? Binigyan siya ng kuwentas?
Kumunot ang noo ko. Ngunit agad binawi ang expressiyon. Baka mahalata pa nila. Magkapatid kami ni Lian pero magkaiba kami ng mga kaibigan. I prefer friends na makakahang-out mo. ’Yong maingay. Eh siya, mas gusto ang tahimik.
“By the way, your Vicia right? Cut that miss. It seems I'm older than you.”
Yumuko siya, mataray ba talaga ako?
“Eh, hindi kasi ako sanay.”
“Then masanay ka na.” Tumango ito. Binalingan ko si Lian.
“Lian tinawagan muna ba si Manong?” Tumango tumango ito.
Hinintay namin si manong sa tapat ng gate. Ilang minuto ang lumipas, dumating na siya.
Sumakay kaming tatlo, patungo na sa mall. Hayts! This day will be boring. Imagine kasama ang isang nerd. At isang weird. Tsk! I hate this! Sana noong una palang hindi ko na siya pinaligawan kay Gray. Pero kahit anong dikta ko sa sariling magalit kay lian hindi ko magawa, still she has place in my heart.
*****
“RIAN maganda ba ’to? Wahhh! Vicia tingnan mo ang cute.”
“Wow! Oo nga Lian, ’yan nalang iregalo mo.”
Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kanila. “What?! ’Yan? " Ngumiti si Lian. Ang wierd talaga ng kambal ko.
“Oo bakit ’di ba cute naman? Doremon na keychain.” Tumawa ako. “Hahahhahah are you kidding me? Key chain? Ta’s Doremon? Ang cheap.” Umirap ako at binaling ang tingin sa cellphone ko.
“May problema ba Rian?” Kibit balikat nitong tanong, kaya taas kilay ko siyang tiningnan.
“Huh?”
“Kasi lately hindi ka na lumalapit sa ’min ni Vicia. Hindi ’gaya noong first day ko palang dito.”
Tama siya, napaka close namin. Ngunit nawala nalang bigla. Nagmistula akong pipi. Hindi ko magawang bumuo ng salita, may bagay na pumipigil sa ’king sumagot.
“Kinakahiya mo ba ako?”
“Hah?” Kaisa- isang salitang lumabas sa bibig ko.
Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nagi-guilt tuloy ako sa mga pinaggagawa ko.
?I need your love, I need you
time. In everything's wrong you make it right?
Tumunog ang cellphone niya.
“Excuse muna,” aniya sabay alis. Hindi ko alam, masama ba ako?
“Ummm... Rian, sundan ko muna si Lian,” wika ni Vicia bago sinundan ang kambal ko. Hindi pa siya nakakalayo ng kalabitin ko siya, humugot ako ng malalim na buntong hininga.
“Vicia, salamat dahil nand’yan ka palagi sa tabi ng kapatid ko.” Ngumiti siya at tumango saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Ang sama ko talaga. Hunawak ako sa baba at nag-isip. Paano ko nga ba mapapasaya si Lian?
"Ummm, alam ko na!" magiliw kong wika sa sarili. Nagtungo ako doon sa merchandise store. Bibilhin ko ang keychain na ’yon.
“Good morning ma’am, ano pong sainyo?”
“Itong Doremon na key chain.” Ngumiti ang saleslady.
“Ito po,” Kinuha ko ang key chain atsaka binarayan.
Pagkalabas ko sa merchandise store. Sinalubong ako agad nila Lian.
“Sabi ko na nga ba eh, bibilhin mo rin.” ngumiti siya at yumakap sa ’kin. Napangiti ako sa isip bago tinugon ang yakap niya.
“Binili ko nalang, besides ikaw naman ang mag di- decision kong ano ang i-reregalo mo. Ikaw naman ang bibili.” Ngumiti siya pati na rin si Vicia.
Ang scene na ’to, parang pinalilibutan ng dalawang anghel ang isang demonyo.
“Pero thank you pa rin.” Namalayan ko nalang ang pagngiti ng labi ko. Nahahawa ako sa mga ngiti nila.
“Oh, ito na, ’tsaka hindi ba kayo nagugutom?”
" Hahahhaha Rian ikaw lang naman ang hinihintay naming mag yaya. "
Ibang klase naman sila.
“Anong akala niyo sa ’kin?”
Humawak si Lian sa bibig at tumawa. “Hahahahahah alam mo Rian, parang walang araw na hindi kita nakikitang hindi naka taas kilay.”
Tumawa ng napakalakas ang dalawa. Ang saya ’ata nila ngayon, tsk!
“Hahahha eh kasi Rian pagkami kasi ang lumalabas ni Lian. Libro muna bago pagkain.” singit ni Vicia.
"Libro muna bago pagkain? Ano ’yon? " Ang g**o lang niya magsalita.
“Hahahahah ito kasi ’yan Rian, bumibili muna kami ng libro bago kami kumain.” paliwanag ni Lian.
“Just wow! Just wow lang huh. Mas inuuna niyo pa yang libro. Kaysa sa pagkain. Hindi yata ako makakasurvive pag kayo kasama ko.” Muli silang nagtawanan.
“Whahahahhahaha.”
Tinaas ko ang kaliwang kilay. “Anong tinatawa tawa niyo d’yan?”
“Eh, ang takaw mo kasi sis.”
Tinawanan pako ng kambal kong kung kumain, halos isang kutsarita lang.
“Eh, ganun talaga, hahahah hindi gaya sa ’yo. Pang age 1 ang everyday meal.” Dahil dun nagtawanan kaming tatlo.
“Hahahaha Kaya nga kakain muna tayo ngayon Rian, dahil kasama ka namin.” saad ni Vicia.
“Kaya hali na kayo guys , don tayo sa restu ni Rita Gem " dagdag niya.
*Luxury Gem Food*
May kaya pala ’tong si Vicia. Eh ang sikat ng restu na ’to. At Isa pa, hindi ko aakalaing tita ni Vicia ang may-ari rito. Baka siguro simply lang siya pero mayaman pala.
“Mag order lang kayo, sagot ko.” Kumindat siya.
‘Sagot mo pala huh.’
“Vicia!!!” Lumingon kami ng marinig ang pag tawag ng babaeng nasa 40's ang edad. Lumapit siya sa table namin.
“Hi tita, nga pala Rian ang kambal ni Lian.”
Ngumiti ’yong babae. As I know Gem pangalan niya.
“Ang ganda, parang salamin lang ni Lian! Nga pala Vicia ba’t ngayon mo lang siya pinakilala?” She was right , magkapareho kami ni Lian ng mukha. Ang pinagkaiba lang, straight hair siya habang ako ay curly.
“Kasi tita, hindi po kasi kami gaano ka-close.”
Ngumiti sa ’kin ’yong babae atsaka inilahad ang kamay niya.
“Just call me tita Gem.” Tinanggap ko ang kamay niya. “Rian po,” pagpapakilala ko.
“By the way Lian, ’yong sinabi mong ipapakilala mo ako sa boyfriend mo?” Nawala ang ngiti ko.
“Opo tita, at next month na po ang birthday niya. e-su-surprise ko siya.”
Ako nalang ata ang hindi kinikilig sa kanila. Paano ba naman si Vicia nakangiti ng todo. Tsk, maharot. Si tita Gem naman panay ang asar kay Lian.
“Ayieee tita binigyan pa siya ng necklace." asar ni Vicia at kinurot ang tagiliran ng kaibigan.
“Ayieee ang haba ng hair huh.” Kung makapang asar ’tong si Tita Gem parang teenager.
“Kayo Vicia at Rian, kailan niyo ipapakilala sa ’kin ang prince charming ninyo?”
Tinawanan ko si tita. “Hahahaha, actually sa tamang panahon makikilala mo na siya tita.”
*****
P
AGKATAPOS naming kumain agad kaming nag tungo sa fun nation. Hindi ko hilig mag laro sa fun nation pero bakit parang natutuwa at nag eenjoy ako?
“Wahhhh! Mas malaki points ko.” Pagmamayabang ni Vicia, humagakpak kami ng tawa ni Lian.
“Bleh! Hahahhah mas lamang ako sayo whahahaha.”
Hindi ko inaasahang may ganitong side si Lian. Pati si Vicia, mas naging open sa ’kin. Tumawa ako sa kanila. Naglaro kasi kami ng basket ball. Bawat shot one points.
Tumawa ako at humawak sa tiyan. “Isang sana ol nalang.”
Huhuhu five points lang nakuha ko eh.
“Whahahahhaah go sis,” ani Lian.
“My bukas pa sa iyong buhay?.” Humagalpak kami sa tawa ni Lian, nang kantahin ni Vicia ang “May Bukas” pa sa ’kin.
“Wahhh! Wag ka nalang kumanta. Naku, pag itong building na ’to mag crack.”
“Masyado akong maganda para makulong" natawa silang dalawa dahil sa sinabi ko. With matching hampas sa balikat ko.
“Ha-Ha-Ha-Ha-Ha kung tatawa required bang manghampas??” Mas tumawa sila kaya nagsnob ako.
“Che! Babawi ako!” sigaw ko, at nag simula ng magshoot ng bola. Kahit hindi naman na sho-shoot.
Parang naka vitamins yata kaming tatlo, pagkatapos kasi namin maglaro. Nag shopping na naman kami.
“Look Rian, ang ganda ng dress. Ang cute.”
Tiningnan ko ang dalawang dress na hawak niya. It has same design. Pang twins yata.
“Wow! Oo nga Lian bagay sa inyong dalawa. Kasi nga twins.” Ngumiting saad ni Vicia. Busy din siya sa pamimili.
Tipid akong ngumiti. “Oo na, bilhin na rin natin ’yan.” Gumuhit ang masayang aura sa mukha ni Lian.
“Yieee twins forever?”
Ngumiti ako at tumango. “Yes, twins forever!”
Na miss ko tuloy ’yong mga araw na napaka close namin. Lalo na noong mga bata pa kami.
Matapos mamili ng damit at bag. Ang waldas yata namin. Pero hindi naman siguro. Hehehe minsan nga lang kami mag shopping.
“Lian tingnan mo ang cute.” Lumapit si Lian kay Vicia. Napangiti ang labi ko bigla ng makita ang pagiging close nilang dalawa.
“Wahhhh! Ang cute nga mga sling bag. Rian Dali tingnan mo rin.”
Lumapit ako sa kanila. Cute naman talaga.
Kinuha ko ito at kinilatis.
“Maam, may dalawa pa pong kapareha niyan bibilhin niyo po ba?” Nakangiting wika ng saleslady.
Nagkatitigan kaming tatlo. Mga tingin palang nila alam ko na ang sagot.
“Oo bibilhin namin,” tugon ni Lian.
Sa buong araw na nakasama ko sila, sa unang pagkakataon. Natuklasan ko ang ibig sabihin ng salitang TOTOONG KAIBIGAN. Inakala ko nga na hindi ako mag eenjoy kasama sila... pero nagkamali ako.
Lian Blythe Solitario
Ito na yata ang pinakamasayang araw. Buong araw kong kasama si Rian. Na miss ko tuloy ang kulitan namin noon.
Nasa iisang bobong kami nakatira. Pero, nawala nalang bigla ang pagiging close namin. Bigla nalang akong nabuhayan, tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko. Dahil alam ko, Ito na ang simula nang pagiging close ulit namin.
?I need you love...I need your time..in everything's wrong you make it right?
Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Gray.
“Hello beh,” bati ko kay Gray.
“Ummm...beh yung date natin bukas, kasi...”
Ngumiti ako, oo nga pala may date kami bukas. Tutal wala namang klase.
“Ano?” Hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Habang tinutugon siya, parang kailan lang crush ko lang siya.
“Kasi beh, may rehearsal kami sa
banda eh, hindi ako makakapunta.”
Nawala ang ngiti sa labi ko, nagkibit balikat ako at huminga ng malalim .
“Ganun ba beh? Ummm... sige okay lang. Mag enjoy ka at galingan mo.”
Pinilit kong ngumiti ang mga labi. Kahit anong gawin niya, hindi ko magawang magalit kay Gray.
“Thank you so much beh, don’t worry babawi ako. I love you,” aniya at pinutol ang tawag.
Okay lang sa ’kin. Kahit anong gawin niya, ang importante. Busy siya sa pangarap niya. Hindi sa ibang babae. Alam ko namang ako lang ang mahal niya.