Chapter Two
Aston Gray Sandoval
Matapos tawagan si Lian. Tinawagan ko si Rian. Napaka bobo ko. Bakit ba kasi ako pumayag sa gusto ni Rian. Gusto niyang ligawan ko ang kambal niya. Pero siya ang mahal ko. Kaya ito, mas naging kumplikado ang sitwasyon. Bumuntong hininga ako.
‘Parang fraternity lang tong sitwasyon ko. Kung saan pagnasimulan at nakapasok ka na. Mahirap umalis. Mahirap tumakas’
Kinapa ko ang cellphone sa bulsa. Di-nial ko ang number ni Rian. Pero, hindi niya sinasagot. May problema ba siya? Nag dial ulit ako. Ngunit wala pa rin.
“Sh*t love, bakit hindi mo ako sinasagot?” Iritang pinindot ko ang exit, at nag ewan sa knya ng messenge.
Gray: Good evening love, ba’t hindi mo sinasagot ang tawag ko?
Mayamaya pa ay tumunog ang cellphone ko; nag reply na siya.
Rian: Tsk! Binigyan mo ng kuwentas si Lian?!
Ngumiti ako, alam kong nagtatampo siya. Isa lang naman ’yon sa mga pakulo ko.
Nag-type ako ng irereply.
Gray: Love tampo agad? Isa Lang yun sa mga palabas ko.
Rian: Che! Ewan ko sayo, baka hindi mo na talaga itutuloy ang pakikipag hiwalay. Reply niya.
Gray: Hindi nangyayari yan, dahil malapit na. Maghintay kalang love.
At isa pa wag kanang magselos. Ikaw lang naman ang pinakamamahal kong babae. Wala ng iba pa love. Mahaba kong reply ko.
Rian: Oo na, alam ko love.
Napunit na ang labi ko sa saya. Salamat at hindi na siya nagtampo.
Gray: Thank you love, hindi ka na talaga nagtatampo?
Rian: Oo nga, bye na love you.
Gray: Btw love, bukas magkita tayo sa park.
Rian: bakit?
Gray: Basta, mga 9:00 A M pumunta ka ha?sige bye goodnight love. Btw dream of me ?.
sige goodnight love, see you tommorow
Pagkatapos ng text series namin. Natulog na ako. Si Rian lang ang babaeng mamahalin ko. Tuwing malungkot ako siya ang laging nagpapasaya sa ’kin. Siya rin ang number one na motivation ko. I really love her, more than myself.
*****
Rian Blythe Solitario
Tumawag kanina si Gray. Tsk! Nakakainis siya kanina. Binigyan niya ng kwentas si Lian. Habang ako wala. Kahit ipit man lang. Kung hindi lang siya nagpaliwanag. Hindi ko talaga siya papansinin. In-on ko ang cellphone at matutulog na sana ngunit may kumatok sa pinto. Bumangon ako at binuksan ang ito.
“Hi, Rian! ” Bumungad sa harapan ko si Lian.
“Anong kailangan mo? Gabi na ah.” Bahagya siyang nalungkot. Pero binawi niya kaagad iyon at nagsalita.
“Kasi my date kami bukas ni Gray...” Nakayuko siya at namumula ang mga pisngi.Bigla akong nakaramdam ng selos.
Nanlaki ang mata ko siyang tinanong “Date?!” Kumunot ang noo at nagtaka akong tiningnan. Umiwas ako ng tingin at pilit na ngumit para hindi niya mahalata. “Ummm... date? Good to hear, stay strong kayo.”
“Kasi, hindi matutuloy. May rehearsal daw kasi sila. Isa pa gusto kong ibalik ang closeness sa pagitan nating dalawa. Kaya kung free ka bukas. Pupunta kami sa isang orphanage ni Vicia.” Mahabang saad ni Lian.
Napaisip ako, kaya siguro gustong makipagkita ni Gray bukas. May date sila ni Lian pero gumawa siya ng alibay. Kaya free siya, at pwedeng makipagkita sa ’kin. Ngumiti ang labi ko ng bahagya.
“Lian gusto ko rin naman maibalik ang closeness sa pagitan nating dalawa. Pero bukas, may gagawin kasi ako.”
Ngumiti siya. “Okay lang, siguro next time nalang.”
“Sure sis marami pa namang next time.” Nginitian ko siya ng napakalapad.
“Sis? Totoo ba ang narinig ko? Tinawag mo akong sis?” Nanlaki ang mata niya at hindi napigio ang labing ngumiti.
Tumango ako. “Oo naman sis!”
“Yiee sana naman simula na ’to ng maganda nating pagsasama sis.” Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Npangiti ako, magatal na rin noong huling yakapan namin. I miss her.
Kinaumagahan...
Aston Gray Sandoval
May date pa kami ngayon ni Rian. I'm so
excited. It's already 8:20 A.M. Pero nandito parin ako sa Kama. Susopresahin ko si Rian. Nakangiti akong nagtungo sa banyo. I take a bath then after it. Nag almusal na ako.
Sa gitna nang pag aalmusal tumunog ang cellphone ko.
Agad ko itong sinagot. It's dad.
“Hello Gray, hindi ka ba pupunta?”
“No” malamig kong sagot.
“But Gray, it’s your grandpa’s birthday.” Nagsmirk ako.
“No, I won't come. Baka masira lang yung family bonding niyo.”
Hindi ko na hinintay pangmakasagot siya. Pinutol ko nabang tawag.
Ngumiti ako at kinuha ang bouquet of white roses. Favorite na bulaklak ni Rian ang white roses. At syempre hindi ko nakalimutan ang special gift ko sa kanya.
*****
NANG makarating ako sa meeting place nakita ko agad si Rian sa swing. Lalapit na sana ako. Ngunit, may naisip akong kalokohan.
“Ba’t wala pa ang mokong na ’yon kainis!”
Tahimik akong natawa sa naging reaction ni Rian.
“Tawagan ko kaya, hmmm? Baka magkasama pala sila ngayon ni Lian. Tsk!”
Hinay hinay akong lumapit sa kanya. Hindi niya napansing nasa likod na niya ako.
“Argh! Kainis tawagan ko nalang.”
*Ring
Lumingon siya sa likod nang mag ring ang phone ko. Kaya ayun sobrang lapit na ng mukha namin. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya, at panlalaki ng mata.
“Akala mo siguro hindi ako susulpot ’no?” tanong ko at pinisil ang ilong niya. Mas lalo siyang namula.
“Kainis ka! May pa prank kapang nalalaman!” Namumulang aniya at hinampas ng mahina ang balikat ko.
Tumayo siya at nakapameywang na bunulyawan ako. “Nakakainis ka! As in nakakainis ka!” Tumayo ako at kaagad na niyakap siya. Napasandal ito sa matipuno kong dibdib.
“Love, ’wag ka nang magalit. Gusto lang naman kitang surpresahin.” Tumingala siya sa ’kin.
“May kasalanan ka siguro ’no?” Bahagya akong tumawa at ginulo ang buhok niya.
“Ikaw talaga love, anong kasalanan?”
Kumawala siya sa pagkakayakap at nakataas kilay at nakacross arm akong hinarap.
“Eh, ba't may pa surprise surprise ka pang nalalaman?” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at hinarap sakin.
“Bakit, hindi ka ba pweding supresahin? ’Di ba malapit na anniversary natin.”
Umirap siya kaya, lumapit ako sa kanya at sinikop ang maliit niyang pisngi. “Hahahhaha ang cute mo talaga,” saad ko sabay pisil sa pisngi niya.
“Aba wag mo 'kong ma-bola bola d'yan, sagutin mo 'ko may nagawa kabang mali?!” bulyaw niya. Ngumiti ako at kinuha ang mga palad niya.
“I have a surprise.” Malambing kong wika atska nilabas ang panyo sa bulsa.
“Lalagyan muna kita nito.” Tumaas ang kanang kilay niya.
“Love, wag ka nang mainis.”
“Oo na!”
Piniringan ko siya bago hinawakan ang kabilang niyang kamay. At inalalayan patungo sa kotse ko.
“Nasa’n na tayo?”
“Basta malapit na, isang hakbang nalang... nandito na tayo. ” Iginaya ko siya paupo sa bench.
“Hintayin mo ’ko.”
“Teka saan ka pupunta?” Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng bahagya.
“Trust me hindi kita iiwan...”
*****
Lian Blythe Solitario
“Mga bata gusto niyo bang makarinig ng kanta?” saad ni April.
“Oo po ate!”
Sumaya ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang masasayang reaction ng mga bata. Parang wala silang problema nila kahit na ang iba sa kanila ay my mga madidilim na nakaraan.
“Dahil gusto niyo, kakantahan kayo ni ate Lian!”
“Yeheyyyy!”
Tatanggi na sana ako, pero naisip ko pag tumanggi ako mawawala ang mga ngiti ng mga bata. Baka ako pa ang dahilan ng pagkasira ng araw nila.
“Sure, kakantahan ko kayo mga bata, pero sa isang kondisyon. Palakpakan niyo muna ako.” Ngumiti sila ng todo’t nagsipalakpakan.
“Go ate Lian!”
“Go ate!”
Tumahimik at making ang lahat ng magsimula na akong kumanta.
~
~
Nagsipalakpakan silang lahat matapos ang pagkanta ko. Ngumiti ako sa reaksiyon nila. Masaya na ako pagmasaya ang mga bata. Dahil alam ko maraming pinagdadaanan ang mga batang 'to. Lahat naman siguro tayo my pinagdadaanan.
“Mga bata, oras na para kumain!”
“Hali na kayo mga bata” Bumaling ako at kumindat kay Vicia.
Matapos kumain, story telling muna. Tuwang tuwa ang mga bata dahil sa mga kuwento naming binasa. Isa rito ang; Kuwento ni Pagong at Matsing. Pagkatapos ay parlor games. Nakakatuwa lang kasi sumali pa kaming dalawa ni Vicia. Binigay na rin namin ang mga laruang binili namin para sa kanila.
“Mga bata uuwi na kami, magpakabait kayo dito hah? ”
“Oo naman po ate Lian.”
“Byee na kids, hanggang sa susunod,” saad ni Vicia.
*****
Rian Blythe Solitario
“Love, thank you rito” I smile.
Hinawakan ko ang kwentas na binigay niya. Akala ko si Lian lang ang binigyan niya. ’Yon pala gusto ang niya akong surpresahin at may boquet of white rose pa siyang binigay, with chocolates.
“Your welcome love. Basta para sayo” he smile, tas bigla nalang siyang napatawa ng mahina.
“Aba Hoy! Anong problema?”
Mag cross arm ako at tinaas ang kilay. Imbes na sagutin ako kinuha niya ang tissue sa gilid.
“Hoy, anong gagawin mo?” Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa ’kin.
“May icing sa gilid ng labi mo.” Pinabayaan ko nalang siya. Pinahid niya ang icing gamit ang tissue.
“Oh? Titig na titig ka ’ata? my problema ba?”
“Let's make our date to the next level.” Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Agad kumalabog ang puso ko.
'Anong ibig sabihin niyang next level?'
Tahimik ako habang nakasakay sa kotse niya. Saan nga ba kami pupunta? Hawak pa rin nito ang kamay ko. Nakatutok ang mata sa kalsada. Hindi mainit pero pinagpapawisan ako.
“Love saan tayo pupunta?” Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinalikan nito ang likod ng aking kamay.
“Basta alam kong magustuhan mo ’to.”
Umiwas ako ng tingin. Namumula na naman ako. Ano nga ba ’tong iniisip ko?
Mas lalong umandar ang kuryusidad ko ng makita ko kung nasaan kami ngayon; nang makababa sa kotse. Ngumiti siya sa ’kin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Awkward akong ngumiti.
“Love...p-parang maaga pa ’ata hehe.” Ba’t nauutal ako? Bumiling siya’t ngumiti.
“Mabuti nang maaga kaysa naman sa gabi.”
Labas ngipin itong ngumiti.
Napalunok ako ng laway nang tuluyan na kaming nakapasok sa hotel. Nililito- lito ko na ang mga daliri, dahil sa kaba. Pumasok kami sa elevator. Tagaktak na ang pawis ko.
“Love nanlalamig ’ata kamay mo? Okay ka lang ba?”
“Eh, k-kasi love... parang maaga pa kasi.”
Ngumiti siya at ginulo pa ang buhok ko.
“Trust me, mas mabuti ng maaga. Kung pwede nga hanggang gabi para mas masaya.”
Nakarating na kami sa 10th floor .Pambihira. Iisa lang ang kwarto rito. At naiiba sa lahat. Humakbang kami papasok sa kwarto. Mas lalong lumalakas ang kalabog ng puso ko.
“Where here,” aniya. At binuksan ang pinto ng kwarto. Tumambad sa akin ang magagarang upuan. Lumunok ako ng laway. Hindi ’to pwede! Humawak ako sa braso niya at tumingin ng deretso sa mata niya.
“Love mahal kita pero hindi ko kayang gawin ang gusto mo! Napepressure ako! Akala mo ba madali lang sa ’kin to? Huhuuhuhu mahal ko ang kinabukasan ko. May pangarap pa ako! At isa pa masyado pa akong bata huhuhuh. Wag mo namang pagsamantalahan ang kahinaan ko! Love na----”
“Buchokoy! Nandito ka na pala. Nakakahiya ka talaga. May pinaiyak ka na namang babae!?”
Napahinto ako bigla sa pag iyak. Humugis bilog ang bibig ni Gray. Teka ano nga bang nangyayari?
“Walang hiya ka buchokoy!” Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa ng babae. Sinuntok niya si Gray!
“Okay ka lang ba? Iha? Pagpasensyahan mo na ’ang kapatid kong ugok.”
So, kapatid niya pala ’to. Hawig naman silang dalawa. Pero sa tindig mas matanda at matured ’tong babae.
“Ate naman! Wala kong ginawa sa kan'ya,” giit ni Gray. At hinawakan ang pasa nito sa mukha.
“Wala? Wow hah! Akala mo lang wala pero meron! Meron! Meron! ” Pinigil ko ang ko ang pagtawa.
“Ate naman, stop acting like you know my pain. Stop acting like you own it. Hindi ikaw si Celine! And you will never be Celine!”
Lihim akong napangiti sa mga batuhan nila ng salita. Hahahaha nakakatawa kasi.
“Hindi naman talaga ako si Celine. Dahil ako lang to si Natang na mahal na mahal ka!” Hindi ko alam kong matatawa ba ako o ano.
“Ate Natang alam ko naman. Pero totoo wala talaga akong ginawa.” Hindi niya nakumbensi ang ate. Binalingan ako ng ate niya.
“Totoo ba iha?” Tumango ako.
“Hehehe sorry po, kasi akala ko po ano. Yung ano po ba. Basta in-short na misunderstood ko po,” paliwanag ko.
“Ate gusto ko lang naman siyang ipakilala sayo. Si Blythe nga pala girlfriend ko.”
Ngumiti ako, alam ko kung bakit ang second name ko ang pinakilala niya. Sorry talaga Lian.
“Infairness ang ganda buchokoy hah.” Napakmot sa ulo so Gray
'Hahahhaah’ tawa ko sa isip ko. Aha! butchokoy ka pala.
“Hi I'm Natang, older sister ni Gray.” Nakipagshake hands siya sakin.
“By the way, pagpasensyahan mo na pangalan ko. Trip lang talaga ng mga magulang ko. Ang modern ng pangalan ni Gray habang ako ayun pang makaluma.” Ngumiti lang ako. Ang daldal pala ni ate Natang.
“May kukunin muna ako.” Umalis siya sandali. Pagbalik niya may dala na siyang yelo at tela. Para sa pasa ni Gray.
“Buchokoy oh, ito na gamutin mo 'yang pasa mo.” Hinagis niya ito kay Gray.
Mahina akong natawa sa reaction ni Gray. “Love, ako nalang. Tutal ako ang may kasalanan.” Kinuha ko sa kamay niya ang yelo at tela. Hindi niya kasi nililinaw ang sasabihin. Nagkaroon tuloy ng pasa.
*Fastforward*
Natapos ang date namin na napaka saya. Nalaman kong si ate Natang ang may ari ng hotel. Kung ano-ano kasi iniisip ko.
Nakangiti akong pumasok sa bahay. Hawak hawak ko ang bouquet of white rose. Pati na ang chocolates.
“Goodmorning ma'am.” Salubong ng yaya. Nginitian ko sila.
Good mood ako ngayon.
“Ehemm Rian my ka date ka pala, wala kabang balak sabihin sa ’min ng daddy mo?” ani mama. Nakaupo ito sa sofa at hawak- hawak ang isang d’yaryo.
Ngumiti ako at nagbeso sa kanya. “Secret po muna ma.”
“Naku, anak basta make sure sasabihin mo sa ’min ” Tumango ako.
Nagtungo ako sa kwarto. Nagbihis muna ako bago bumaba. Ang saya ko sa araw na 'to. Habang bumababa hawak hawak ko ang pendant ng kuwentas.
“Ayiee, may lovelife na siya.” Nakasalubong ko si Lian.
“Pst...sabihin mo sakin kong sino hah?” Napako ako sa kinatatayuan.
Ang saya ni Lian ng malamang may boyfriend na ako. Ang saya niya dahil masaya ako. Sinu- supportahan niya ako. Pilit niyang binabalik ang dating closeness namin. Pero jowa ko rin ang jowa niya.
Kailan kaya sila maghihiwalay ni Gray. Nang hindi man lang siya nasasaktan.Imposible! Wala naman sigurong naghihiwalay ng hindi man lang nasasaktan.
“Kumalma ka Rian, maging masaya ka. At ’wag maging advance sa mga pangyayari,” saad ko sa sarili.
Kung mangyari man ang araw na kinatatakutan ko. Handa na nga ba akong masaktan?
**** Hi everyone enjoy reading?