Chapter 4

2079 Words
Chapter Four Aston Gray Sandoval “Bro, what should we do?” “Oo nga e, gusto ni Mrs. Villa na magkaroon ng girl lead. ” Todo dada, sina Nigel at Jeff; mga ka banda ko. Sa ngayon hindi ko ma focus ang sarili kong makinig sa kanila. Tsk! wala pa ako sa mood na problemahin ang problema. “Hey Gray nakikinig ka ba? We need a female lead.” asik ni Jeff. “What do you think? Ano ang dapat nating gawin? Your the leader and at the same time, the main vocalist.” Napaisip ako.Kung kailan ang dami ko pang iniisip saka binigay ang nakakairitang utos na 'to! “Kakausapin ko si Mrs. Villa mamaya. And I will persue her. Para hindi na ituloy ang pagdagdag ng female lead,” wika ko. “Pero paano kung hindi siya pumayag?” Negatibong saad ni Nigel. “Then we have no choice.” Natapos ang usapan namin.Dumagdag pa sa sakit ng ulo. Kinapa ko nalang ang cellphone ko sa bulsa. Pero Wala akong makapa. What the hell! I lost it?! Lian Blythe Solitario From: Love Love, may alam na si Noreen. Bumuntong hininga ako. Love ang pangalan sa contact. Paano nga ba hindi mag isip ng masama? Paano kumalma? Nagpaalam ako kay Vicia. Pupuntahan ko si Gray sa rehearsal nila. Habang naglalakad. Busy ako sa pag-iisip. Ano nga ba ang sasabihin ko sa kanya? Magtatanong ba ako tungkol sa text message? Bumuntong hininga ako. Nang nakarating ako sa music room. Bumungad sa akin si Jeff at Nigel. “Nakita niyo ba si Gray?” “Naku, Lian kakaalis lang niya. Nagkasalisihan yata kayo.” Tumango ako. “Ganun ba, sige salamat,” wika ko. Umalis na ako. Kung i-tetext ko siya. Hindi naman pwede dahil nasa akin ang cellphone niya. ?I need your love, I need your time. If everything's wrong you make it right.? Bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinapa at sinagot ang tawag. “Hello? Sino ’to?” Hindi ito sumasagot. Kaya pinatay ko nalang. Baka wrong number lang 'yon. Naglakad ako pabalik sa room. Baka nandoon na si Gray. Pagkarating ko. Nilibot ko agad ang paningin. Wala pa siya. Sa pagkakaalam ko. Pagkatapos ng rehearsal nila. Babalik agad siya sa room. Bumuntong hininga ako at umupo sa upuan ko. “Pst! bes ang lalim 'ata ng iniisip mo?” tanong ni Vicia. Lumingon ako sa kanya. nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. “Naku bes, si Gray na naman? Alam mo nagtataka rin ako eh. Simula kanina Hindi ka niya kinikibuan. Tapos ngayon hindi mo alam kong nasaan siya.” Bumuntong hininga ako. Tama si Vicia. Ano nga ba ginagawa ni Gray ngayon? Teka, si Rian din. Wala pa siya eh, malapit na mag bell. “Vicia, excuse muna tayo saglit.” “Huh? Bakit?” Nagtatakang si Vicia “May naisip kasi ako. Baka hinahanap ngayon ni Gray ang cellphone niya. 'Di ba nga nasa akin? Tapos hindi niya alam.” Napatango siya kaya hinila ko ito at dali-dali kaming lumabas sa room. “Hoy! bes first time ko mag ditch ng class.” “Hahhahah anong mag di-ditch? Wala pa ngang bell.” Pagkasabi ko palang na wala pang bell. Bigla nalang tumunog ang bell. Kaya ayun natawa kami pareho. Nagpunta kami sa cafeteria. Tapos sa music room. Baka bumalik do'n. Ta's hinanap cellphone niya. Lahat ng mga possible places na pupuntahan ni Gray ay pinuntahan namin pero. Wala naman siya do'n. “Bes, balik nalang tayo sa room.” Hinihingal na saad ni Vicia. Halos tumakbo kami e, hinahabol kasi namin ang oras. Para makaabot pa kami sa klase. Kahit late na. “Sige. sige. sige.” “Bes, sila Rian 'ata 'yon” nalingon ko ang tinuro ni Vicia. Sina Rian at Gray, natanaw ko sa malayo at magkasabay silang lumalakad. Rian Blythe Solitario “Beh” “s-sis?” Halos sabay kaming nagsalita ni Gray. Nakasalubong namin sila Vicia at Rian. Kinabahan ako bigla. Ano nalang kaya ang iisip nila. “Sis, magkasama pala kayo?” Naguguluhang si Lian. Nararamdaman ko ang lakas ng t***k ng puso ko. “B-beh k-kasi nawawala ang cellphone ko. Kaya hinanap ko. Coincidence namang nagkita kami ni Rian. Kaya sabay nalang kami.” Naginhawaan ang pakiramdam ko. Buti nalang kakaisip ng rason si Gray. “Gray naiwan mo kay Lian ang cellphone mo. Hinanap ka namin. Nagditch panga kami ng klase para lang hanapin ka,” saad ni Vicia. Hindi ko alam kung ano ang expression sa mukha niya. Hindi ko ito mabasa. Lumapit si Gray kay Lian. At ginawaran ito ng halik sa pisngi. Kainis harap-harapan talaga?! “Beh, sorry kung pinaghanap kita.” Hinarap siya ni Lian. “Beh, wala kang kasalanan. Ito na sa akin ang cellphone mo. Kaya no need to say sorry.” Ngumiti ito ng napakatamis. “Guys, since nag ditch na tayo nang klase lubos lubusin na natin.” Nagtawanan kami sa suggestion ni Vicia. “Pftt--hahahahah aba kailan kapa naging nerd na bulakbol sa klasem” Natatawang saad ni Lian. “Hahhahha bes, alangan namang pumasok pa tayo e, late na. Baka madetention pa tayo,” tugon ni Vicia. ***** Ito kaming apat ngayon. Ang nangunguna ay si Vicia. Kasunod si Gray at Lian. Habang magkahawak kamay. Ako ang panghuli. Para kaming mga ninja sa sitwasyon namin. Nakayuko kaming lumalakad. Sa likod ng building. At tinungo ang likod ng gate. Mag oover the bakud kami. Nandito na kami sa likod ng gate. “Pstt... Sino ba expert dito siya na mauna” Pabulong na saad ni Vicia. Tumingin silang lahat sa 'kin. “Ako talaga? Si Gray nalang mauna,” pabulong ko ring tugon. “Beh, ikaw mauna,” ani Lian. Nakakaingit kasi magkahawak kamay sila. Tsk. Si Gray ang unang sumampa sa gate. Pagkatapos ay si Vicia. Natawa pa ako sa mukha niya. Habang sumasampa sa gate. May pa bulong pa siyang “Inosente ka Vicia...” Ang sumunod na sumampa ay si Lian. Inalalayan siya ni Gray. Panghuli ay ako, gusto ko sanang mag acting actingan na 'di ako marunong ta's ayun tutulungan ako ni Gray. Pero nevermind nalang ayaw kung magmukhang desperada. Nang matapos ang krimeng ginawa namin. Agad kaming tumakbo papalayo at naghintay ng masasakyan. ***** Nandito na kami ngayon sa restaurant ng tita ni Vicia si; tita Gem. Nakita ko ang kaba sa mukha niya. “Mangungumpisal ako ngayon, kasalanan ang ginawa ko.” Humagalpak sa tawa ang lahat dahil sa sinabi niya. “Whahahhahahaha don't worry Vicia normal lang 'yan sa mga estudyante,” wika ko. “Hahahha kasalanan pa rin.” Nag- eemote na talaga siya. WAHAHHAHAH. “Hahahhaha magpapatawa ka ba bes? Ikaw kaya nag suggest nito.” Mas lumakas ang tawanan dahil sa naging saad ni Lian. Tama rin naman siya. Sa gitna ng pag uusap. Dumating si tita Gem. “Hi, kumusta na kayo? Ehemm...Lian siya ba ang ipapakilala ninyo sa'kin? Yieee boyfriend mo?” Tiningnan ko si Gray at bahagya akong ngumiti. “Yes, tita siya 'yong nagbigay kay bed ng kwentas” pang aasar ni Vicia. With may pa kurot kurot pa sa gilid ni Lian. Alam kong kinikilig siya. Ako lang ata ang hindi, si Gray kaya? “Yes po tita, siya po si Gray. Boyfriend ko.” Nakangiting pagpapakilala ni Lian kay Gray. Ngumiti pabalik si Gray. “Ang swerte mo naman iha. Ang gwapo at mabait pa!” ani tita Gem. Umiwas ako ng tingin. Tsk! Acting lang ba 'to lahat? Kainis kailan pa ba magtatapos to? “Ehem, Tita 'di lang naman po ako ang swerte. E si Rian, may nagbigay din sa kaniya ng kwentas. Tapos with bouquet of rose pa. Atsaka chocolates.” Dahil sa sinabi ni Lian. Binato nila ako ng mga asar. Pilit nila akong pinapaamin. Habang si Gray ay tahimik lang. Tsk. “Ayiee sino 'yang maswerteng lalaking 'yan iha?” Pagpipilit ni tita. “Isa lang po sa mga manliligaw ko” sagot ko, napawow naman si Vicia. “Sana all isa sa mga manliligaw. Eh, ako nga kahit isa wala. Sana all si Rian.” Natawa kaming lahat dahil sa naging reaksiyon ni Vicia. “Umm...sis kung sasagutin mo na ang manliligaw na 'yan. Share mo kaagad sa'min huh? Para makilala namin. At mausisa ko na rin kung karapat dapat siya sayo.” Mahabang lintanya ni Lian. Napasulyap ako saglit kay Gray. “Oo naman ipapakilala ko siya sa inyo.” “Yiee tapos, magdodoble date tayo hahhaha,” ani Lian at bumaling kay Gray. “'Di ba beh? ” tumango si Gray “Ayiee ang sweet talaga kainggit!” Harap harapan talaga. Sarap sumigaw ngayon. Kainis, nag excuse nalang ako na mag ccr lang . Para naman mawala sa paningin ko ang dalawang fake lovers na 'to. Nang makalabas ako. Agad kong in-on ang cellphone. Hindi ko maiwasang hindi mapatanong sa isip ko. 'Totoo na ba ang nararamdaman niya sa kambal ko? Palagi niya nalang sinasabing maghintay siya ng magandang tyempo. Hanggang kailan pa ba ako maghihintay? Hanggang kailan pa kami magtatago? Lian Blythe Solitario Sa gitna ng pag uusap namin. Bigla nalang nag excuse si Rian. Ilang minuto ang lumipas nag excuse rin si Gray. Tatawagan daw niya ang ate niya. Hindi ko pa na meet ang ate niya. But I hope soon magkita kami. Kami nalang tatlo rito ni tita Gem at Vicia. “Ehem, bes kahit isang beses pinagdudahan mo ba si Gray?” Nabigla ako sa naging tanong ni Vicia “Hmmmm? Hindi naman. Alam ko namang ako lang ang mahal niya. At ako lang ang mamahalin niya. Loyal siya sa'kin ” Nakangiti kong sagot. “Ba't mo nga pala natanong?” “Kasi 'di ba, good looking siya. Hindi makakaliktaang may magkagusto sa kaniya. Malay na---Aray! ” Natawa ako dahil binatukan siya ni tita Gem. Kaya hindi niya tuloy natapos ang sasabihin niya. “Naku naman, alam kong bitter ka. Pero naku wag mong i-pressure si Lian.” Nakataas kilay na si tita. “Tita naman e, concern lang naman ako.” Nakakatawa lang silang dalawa. Para lang silang magbarkada. Parang walang age gap sa pagitan nilang dalawa. Napakalapit kasi nila sa isa't isa. 'Hindi naman siguro ako lolokohin ni Gray. Pinagkakatiwalaan ko siya.' Ilang minuto ang lumipas bumalik na si Gray. “Beh, nakita mo ba si Rian?” pagtatanong ko. Kasi kanina pa siya umalis ta's ngayon hindi pa nakabalik. Tapos wala pa siya, baka may nangyaring masama. “Hindi ko alam.” Bumalik na ito sa pagkakaupo sa tabi ko. Saglit ko siyang pinagmasdan. Malungkot ang mga mata nito. May problema ba siya? Problemado kasi ang mukha niya. “Teka, umiiyak ka ba beh?” Umiwas lang siya ng tingin. Tahimik lang ang lahat, tila naghihintay sa sagot ni Gray. Umiiyak pala ang mga lalaki. Ito ang unang beses na nakita ko si Gray sa ganitong sitwasyon. “Umnm... Vicia una nalang kami,” saad ko ng mapansing hindi talaga okay si Gray. ****** Nang nakauwi na ako,napahinga ako ng malalim. Bakit kaya biglang umalis si Rian ng walang pasabi? Ta's si Gray hindi ko maintindihan. Hindi ko pa naitatanong sa kaniya ang tungkol sa text. Baka wrong send lang 'yon. Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano talaga 'yon. Huminga nalang ako ng malalim at dumiretso sa kwarto. Agad akong nag half bath tas bumaba na sa hagdan. Nag-aalala pa rin ako kung ano nga ba ang nangyari kay Rian. Kaya nagtungo ako sa kwarto niya at kumatok. Nakapangalawang katok na ako pero wala pa rin. Natulog na ba siya? Huminga ako ng malalim bago kumatok ulit. Ngunit hindi niya pa rin binubuksan. Muli akong kumatok. This time binuksan na niya ang pinto. Nagulat ako ng makita ang itsura niya. Namumugto ang mga mata. “Sis okay ka lang ba?” Pumasok ako sa kwarto niya. Kaagad niya akong niyakap kaya napayakap din ako sa kanya. “Sis it's okay. Iiyak mo lang 'yan. Lahat naman siguro tayo nasasaktan. Kahit hindi ko alam ang dahilan. Nararamdaman kung higit na napaka lalim ng rason mo. Alam ko namang minsan ka lang umiyak. Hindi mo sasayangin ang mga luha mo sa mga bagay na hindi importante sayo.” Mapakla siyang ngumiti. Hinagod ko ang likod niya. “Tungkol ba 'to sa manliligaw mo? Sa school problem? Ano? tara suntukin natin 'yang nagloloko sayo!” Tumawa ito. Kaya natawa rin ako. Ang saya dahil napatawa ko ang taong na sa kalungkutan. “Hahahhahaha hindi, nakakatawa ka talaga sis,” saad niya at pinahid ang mga luha sa mata nito. Puro tawa ang mga naririnig sa kwarto ngayon. Ang saya ko, bumalik na ang dating kami. Ang dating close na magkambal. ***** Vicia Moon Cruz Nakauwi na kami sa bahay. Sa bahay ni tita Gem na ako tumutuloy. Nauna nang umuwi sila Gray at Lian. Tapos si Rian naman bigla nalang nawala. In-open ko ang loptop at nag chat kay Lian. I feel something, something that Lian doesn't know. 'Nafefeel kong may mali. Sa bawat salita may kulang. Bawat titig ay may spark. Nararamdaman din ba 'to ni bes?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD