bc

You Changed My Life - COMPLETE

book_age16+
992
FOLLOW
4.5K
READ
sex
playboy
badboy
goodgirl
student
comedy
sweet
campus
basketball
school
like
intro-logo
Blurb

Ang Bad boy na Mateo Axel Montemayor ay aksidenteng magiging roommate ang clumsy nobody na si Piper Cassandra Delgado during their Weekend Camping. In a matter of weeks, their whole world would be turned upside down, inside out, and shaken from side to side. Let us all witness how Mateo and Piper changed each other's lives every single magical moment.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Stalker
Bakit ba may mga lalaking manloloko? Like how can they fake an entire relationship? Paano nila nasisikmurang manloko? Yung tipong papalit-palit ng babae or pinagsasabay sabay ang mga babae. Bakit nga ba may mga ganun? Tanong natin sa magaling kong ex.  Dahil napagod maghintay kung kailan ko isusuko ang bataan ko sa kanya... ay ayun! Naghanap na ng iba. Doon sa mas siguradong maibibigay sa kanya ang gusto nya. Ang hayop na yun! Huli ko na rin nalaman yung mga panloloko nyang ginawa sa akin. Okay lang. Hindi naman masakit. Para ka lang namang inoperahan sa puso. Ganoong sakit lang. But anyway, maiba tayo. Ito yung unang araw ko dito sa Northville University. Dito na rin ako sa dormitory ng university kumuha ng unit dahil medyo malayo kung magmumula pa ako sa bahay. Dalawang oras din ang layo noon at kung heavy traffic naman ay baka doon na ako tumira buong araw sa daan. Actually, last week pa ako nandito sa dorm para ayusin ang kwarto at gamit ko. May roommate ako si Vivian. Okay naman syang kasama. Makulit at palabiro. I like her.  Sa harap ng dorm namin ay ang dorm ng mga lalaki. Napakaingay sa part na iyon tuwing gabi. Akala mo mga nasa night club. Ang lakas magpatugtog. Siguro mga senior college ang karamihan doon dahil hindi takot sumuway sa mga rules ng building.   Oo nga pala may bago na namang crush ang inyong lingkod, lol. Mateo Axel Montemayor is what everybody talks about. Sikat na sikat sa mga kababaihan at maging sa mga kalalakihan. He is a top student, athlete and for sure a s*x dream material. Halos lahat ay naglalaway sa six-packed abs nya na para bang gusto mong punitin ang T-shirt nito makita lang kung ano ang nasa loob.  Oo na. Sobrang hot nya. Madalas ko syang makita sa harap ng building nila, nakatambay kasama ang mga kaibigan nya. Minsan naman nag jo-jogging. Tanaw na tanaw ko sya mula dito sa bintana ng aking kwarto… actually nakakasanayan ko na ang pumwesto sa bintanang ito para sumilay. Ginagawa ko syang habit lalo na sa umaga.  Naglalakad sya driveway bitbit ang kanyang gym bag. Ang hot talaga! Inet!!! “Piper!”  Tawag sa akin ni Vivian. Agad naman akong umalis sa harap ng bintana at kunwaring may hinahanap.  “Anong hinahanap mo?” Tanong nya pero dumaretso sya sa bintana at sumilip. “Naku girl, itigil mo na yang pantasya mo kay Mateo. Taga ibang planeta yata ang lalaking yan eh.” Dugtong pa nya at tumingin sa akin.  “Alam ko.” Agad kong sagot at naupo sa aking study table para buksan ang aking laptop. Bumuntong hininga ako at nagalumbaba. Itutuloy ko nalang ang panonood ng kdrama. Nasa episode 6 na din ako nitong true beauty. Dito nalang ako kinikilig sa unrealistic relationship goal nila. Sana all. “Why would you even have to watch that koreanovela kung mas nag ienjoy ka namang panoorin si Mateo?" Pabiro nyang tanong at patuloy sa pagsilip sa bintana. "Alam mo ba kung saan banda ang kwarto nya dito?" Dugtong nya. “Stop it!” Inis kong saway sa kanya at isinara ang blinds ng bintana bago pa may makakita sa amin. Isipin pa nila stalker ako.  “Okay.” Suko nito saka sumandal sa bintana while crossing her arms. “So, sasali ka ba sa science club?” Pag iiba nya sa usapan. “Come on! Join us. Maraming mga junior college ang sumali and we can tutor them. Extra income din yon.” I paused the video to look at her. I like the idea of having an extra income.  “Okay.” Pinal kong sagot.  Noon pa man ay gusto ko ng maging independent pero ang hirap noon gawin dahil dalawa lang naman kaming magkapatid at pareho pa kaming babae. Sobrang higpit sa amin ni Mommy. I grow up in a family that owned a hospital in metro kaya naman nahiligan ko ang lahat ng tungkol sa agham at ito na rin ang tinatahak kong kurso. I have a little sister at kabaliktaran ko ang personality, she’s a certified shopaholic. Chic material. Maganda kaya ang daming manliligaw and I am just 3 years older than her.  Hindi nga pala kami close, minsan naiinggit ako sa kanya dahil mas supportive sa kanya si Mommy. Paboritong anak, ganon. Naiisip ko nga minsan, anak ba ako ng nanay ko? Hindi ko ramdam.  My mom is a heart surgeon at sa kanya nagmana si Macy pagdating sa pag wawaldas ng pera. As for my Dad? Huwag nyo ng itanong dahil sumakabilang bahay na sya 5 years ago.  Dumaan ang mga araw ay mas nag-ienjoy ako dito kaysa sa dati kong pinapasukan. Siguro dahil nakatira ako sa dorm and I became more responsible of myself. Iyon nga lang wala na akong naging bagong kaibigan bukod kay Vivian. Ayaw siguro nila ng matalinong nerd. Naks! Natutunan ko na kung paano mamuhay mag-isa… Hindi pala madali lalo na kapag pagod ka at kailangan mong magluto nang makakain mo. Ayokong umasa sa fastfood dahil baka mamatay ako ng maaga.  “Jewel?” Tawag ko sa isang pamilyar na babae. She’s walking towards the faculty office. I’m sure she’s Jewel Dane M. Iglesias. High school classmate ko noon at ka-team ko sa Quiz B. I still remember how we shared lunch and snacks together during every competition we joined.  Tumigil sya sa harap ko at pinagmasdan ang mukha ko. “Do I know you?” Maarte nyang tanong.  Mabilis bang makalimutan ang mukhang ito?  Ngumiti ako sa kanya. “I’m Piper Cassandra Delgado.” Pakilala ko. Naningkit ang mga mata nya. Marahil pilit inaalala kung sino nga ba ako. I bite my lower lips while still smiling. “OMG! Wait…  Piper? The science genius? Oh my god!” Naalala nya ako? Nice.  Yumakap sya sa akin at paulit ulit ang reaksyon dahil hindi sya makapaniwalang magiging magkaklase ulit kami. I tour her around dahil mas kabisado ko na ang campus. Puro throwback ang napagkwentuhan namin at napag-alaman ko din na hindi sya kumuha ng dorm dahil malapit lang daw ang condo nya mula dito sa campus.  6pm ang huling subject namin at pagkatapos noon ay naglakad na ako pabalik sana ng dorm ng tawagin ako ni Jewel.  “Pabalik ka na ba sa dorm mo?” Tanong nya.  “Yes.” Tipid kong sagot sa kanya. She looks worried or something. Basta mukha siyang problemado. “Bakit?”  “Pwede mo ba akong samahan sa dorm ng pinsan ko?” Tanong nya. Tumango ako kaya sumilay ang ngiti sa mga labi nya. Kumapit pa sya sa braso ko.  “Saan ba ang dorm ng pinsan mo?” Tanong ko habang naglalakad kami sa driveway.  “Sa NY Street.”  Sagot nya. Iyon din ang street ng aking dorm.  Tumigil sya sa tapat ng dorm ko. Halos sumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang nandito na ako sa lobby ng dorm nina Mateo. Nandito kaya sya?  “Sino ba ang pinsan mo? Dyan lang kasi sa tapat yung dorm ko.” I said. Hindi sya sumasagot at sa halip ay nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa hagdan.  This dorm is only for boys kaya naman napaka masculine ng scent dito sa loob. Dahil siguro sa naghalo halong pabango ng mga lalaking nakatira dito. Nasa third floor na kami at tumigil sya sa pangatlong pinto. Sumusunod lang ako sa kanya hanggang makapasok kami sa loob and I’m surprised that it was not locked kahit walang tao sa loob. Hinalungkat ni Jewel ang cabinet sa gilid ng kama maging sa study table pero sa tingin ko ay wala doon ang hinahanap nya dahil naka busangot ito ngayon. Kinuha nya ang cellphone nya sa kanyang bag saka ito may tinawagan. I scanned the place… nothing special. It looks like a common guy room. Madilim dito sa loob dahil nakasara ang blinds. Makalat din. Napatingin ako sa mga lalaking dumaraan sa labas ng pinto, lahat sila ay tumitigil at tinitingnan kami sabay ngingiti ng nakakaloko. I ignored them at tiningnan si Jewel. “Piper, okay lang bang iwan kita dito saglit. Nasa ibaba kasi ang boyfriend ko, babalik din agad ako. Itataboy ko lang ang lalaking yun bago pa sya makita ng pinsan ko dahil kung hindi lagot na naman ako kayna mom and dad.” Naiiyak niyang sabi. Tumango lang ako. Mabilis lang naman siguro sya?  Hinayaan kong bukas ang pinto at hindi nalang pinansin ang mga sumisilip at dumadaan sa labas. Lumapit ako sa study table at tiningnan ang mga notes doon. Dumako ang mga mata ko sa picture frame ng isang lalaki na nakasuot ng basketball uniform.  Mateo? Ramdam kong may pumasok sa loob ng kwarto kaya agad akong lumingon dito.  Si Mateo… Mateo's piercing hazel brown eyes landed on me. "Who are you?" His voice was deep and strong. Ngayon ko lang narinig ang boses nya. Shuta! Ang sarap sa tenga! People tend to speak about him and most admire him from afar, but to hear him up close was a whole new level of... Shutaneska!!! Hindi ko alam kung bakit nagwawala ang buong pagkatao ko. Ganito ba talaga ang epekto ng isang Mateo Axel Montemayor?  Hindi ako makasagot sa tanong nya. Isa lang yung tumatakbo sa isip ko... SHUTA!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook