SPECIAL CHAPTER 1 Trevor Gideon’s POV. “Trevor Gideon Coleman, come back here!” Napapikit ako sa aking mga mata at napatigil sa aking paglalakad. Hinarap ko si Mommy at nginitian siya. “Yes, my pretty mom?” nakangiti kong sabi. Lumapit siya sa akin at piningot ang aking tainga. Agad akong napalayo kay mom at napahawak sa aking tainga. “Aray, mommy! Ano na naman ba ang ginawa ko?!” tanong ko. “Aba, aba! Bakit ngayon ka lang umuwi, ah?! Saan ka na naman nagpupunta, Trevor Gideon!” sigaw ni Mommy. Nakita kong pababa na si Daddy sa hagdan kaya sininyasan ko ito na magmadali na lumapit sa amin ni Mommy upang hindi na ako mapingot ulit ng aking ina. “Hon, malaki na ang bunso natin,” sabi ni Daddy nang mapalapit siya sa amin. Tumingin sa akin si Daddy at kinindatan ako. Lihim akong nag

