EPILOGUE OF TRAPPED WITH THE CEO TREVOR GIDEON COLEMAN POINT OF VIEW. “Trevor! May naiwan ka pang labahin dito sa loob ng bahay!” sigaw ni Tia na nasa may kwarto. Napabuntong hininga nalang ako at iniwan muna ang aking labahin sa labas. Dalawang taon na kaming kasal ni Tia at may anak na rin kami. Hindi lang isa ang aming anak kundi dalawa. Kambal ang anak unang anak namin ni Tia at pareho itong lalaki. Kaya rin ako ang nag lalaba ngayon dahil siya ang nagbabantay sa mga anak namin na baby pa. Linggo ngayon kaya walang trabaho sa kompanya pero may iba naman akong trabaho at ito ay maging yaya sa bahay namin ni Tia. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto namin ay agad akong napatakip sa aking ilong nang naamoy ko kaagad ang tae ng mga anak namin. “Ang arte mo, ah! Mas mabaho pa ang tae

