Episode 60 The Last Episode of Trapped with the CEO Kira Tia’s POV. “Oh my god, girl! You are so beautiful!” sabi ni Isabelle at nilapitan ako upang mayakap. “Girl, that dress is so perfect in your body!” sabi rin ni Naime at niyakap din ako. Masaya ako dahil kompleto kaming tatlo ngayon sa kasal ko. Alam kong ayaw pa talagang bumalik dito ni Naime sa Pilipinas dahil nandito si Kuya Alec at kasama niya pa ang girlfriend nito na si Clarisse. “Thank you, girls. Kinakabahan na talaga ako,” sabi ko. Tatlong araw ko nang hindi nakikita si Trevor at miss na miss ko na talaga siya. Ewan ko ba kay Baba pero ayaw niya talaga na mag kita kami ni Trevor. Dapat daw ay ngayon lang ulit kami magkikita sa kasal namin. Ewan ko bas a tatay ko kung saan niya nalaman ang ganun pero pinagbigyan nalang

