ZHARLIE'S POV
andito ako sa bahay, naglilinis lang baka kasi mapagalitan ako ni mama nako pag tumalak pa naman yun parang wala ng bukas.
okay habang naglilinis ako magpapakilala na ako sa inyo * ehem ehem* ako nga pala si Zharlie Mae Lasquez 15 years old third year high school ngayong pasukan yung mama ko naman yung name niya is Shane Mendoza at ang papa ko naman is si John Mendoza at kung nagtataka kayo kung bakit iba ang surname ko is ampon lang ako.
sabi ni Mama nakita daw nila ko sa tapat ng lumang bahay. Nakarinig daw sila ng malakas na iyak ng bata nung una natakot daw si mama dahil akala nito ay multo lamang, sino nga naman kasi hinding matatakot kung sa isang lumang bahay mo narinig?
Pinilit daw ni mama na awatin si Papa pero pasaway si Papa at pumasok sa loob at nakita ako naawa sakin si Papa kaya ayun inapon nila ako tapos about sa name ko nakita raw nila yung name ko dun sa panyo na nakalagay sa kamay ko that time.
" hoy Mae naglinis kaba ng bahay ?!"sigaw sakin ni mama
" opo Ma, malinis na malinis na po" nakangiti kong sabi at saka pinunasan yung tumutulo kong pawis.
" siguraduhin mo lang " sigaw ulit sakin ni mama halata na sigurong hindi ako gusto ni mama diba?
simula ng nagkaisip ako ganun na siya sakin ewan ko kung bakit ang init ng dugo sakin ni mama pero pag andiyan naman si Papa dati ayos yung pakikitungo nito sakin.
" hoy Mae lalabas lang ako diyan ka lang, wag kang lalabas lagot ka sakin pag naglakwatsa kang bata ka" masungit na sabi nito sakin na may nanlilisik na mata at saka kinuha ang payong nito.
tumango na lang ako ng nakangiti at nagpaalam kay Mama.
hay kelan kaya magiging mabait sakin si mama? Maging okay lang kami ni mama mas magiging masaya na ko for sure.
Yun lang naman talaga.. Hay nako tama na nga yung pag iisip ng kung ano ano.
makabili na nga lang muna ng bigas wala na pala kaming bigas' di naman siguro magagalit si mama diba?
Lalabas lang naman ako para bumili ng bigas para may maiisaing ako mamaya.
Hmmm.. Napaisip naman ako
"mas magagalit si mama kung wala siyang dadatnan na pagkain kaya bibili na ko, oo tama tama" Sabi ko aga agad na lumabas para bumili na ng bigas sa kabilang kanto.
pagkabili ko agad akong pumunta sa bahay pero pagtingin ko sa kanto
" MAMA!" sigaw ko ng makitang may paparating na isang kotse sa kinatatayuan ni Mama.
Hindi pwede.. hindi pwedeng maaksidente si mama siya na lang yung meron ako.
"MAMAAAA!!" Malakas kong sigaw at nagulat ako dahil imbis na tumama ito kay mama ay tumilapon ito.
pa-pano ko nagawa yun?!
pe- pero 'wag ko muna pansinin yun hindi ito ang oras para don ang importante si mama.
" mama okay lang po ba kayo??" tanong ko kay mama pero tulala parin ito.
" mama may masakit po ba sa inyo? ma!" tanong ko kay mama habang inaalog alog ko si mama
nagulat naman ako ng itulak ako ni mama, huh? bakit?
" lumayo ka sakin" ba-bakit? kunot noo naman akong nakatingin kay mama at gulong g**o pero bakas lang sa mukha ni mama ang takot at galit.
" mama bakit po ba?"nagaalala kong tanong.
" lumayo ka sakin! pano mo nagawa yun ha? may lahi ka sigurong mangkukulam 'no?" a-ano? mangkukulam?
" Ma! hi-hindi ko po alam kung pano pero ang mahalaga okay lang po kayo ang mahalaga hindi kayo nasaktan" sabi ko kay mama at hindi ko namalayang umiiyak na pala ko.
" wala akong pakeelam matagal ko ng gustong palayasin ka dito sa pamamahay ko ngayon may dahilan na lumayas ka! at wag ng babalik dito salot!" sabi ni mama saka ako tinulak ng malakas
'Ma, hindi po totoo yan baka hindi po ako yun' pakiusap ko kay mama pero tinulak niya lang muli ako at isinara yung pinto ng bahay.
" Ma! buksan niyo po yung pinto ma! " katok lang ako ng katok habang umiiyak dito pero wala 'di nako pinagbuksan ni mama.
saan naman ako pupunta ngayon? kung sana andito si papa siguradong hindi ganito. Kung hindi lang namatay si papa nung araw na 'yon.
Alam kong dahil din sakin yun ang alam ni mama nasagasaan si papa pero ako ang dahilan kung bakit kung sana hindi ako nagpahabol kay papa siguro buhay pa siya.
Kung hindi ako nagpumilit na maglaro kami noon sa park sana hindi nagkaganito.
Papa sinumpa ba ko? Ba't parang ang malas ko naman? Ang swerte lang na nangyari sakin nung nakita mo ko sa bahay na yon.
iyak lang ako ng iyak habang naglalakad hindi ko alam kung saan ako pupunta sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha na nakaharang sa mata ko.
Kilala ko si mama kapag nagdesisyon siya wala ng bawian.
* boogshh!*
'Ah?' Napatid ako sa isang malaking lubak dala na rin ng hilo ko kakaiyak hindi ko na nagawang maibalanse yung katawan ko
At unti unti ng lumalabo yung paningin ko.
MIA'S POV
naglalakad ako dito sa mundo ng mga mortal.
grabe sobrang tagal ko ng hindi nakakabisita dito ah pinagbabawal kasing pumunta dito.
'Hindi natin kailangan makisalamuha sa mundo ng mga mortal at guluhin sila' ayun yung parating sinasabi ni Headmaster Kira.
Iilan lang din ang nakakalabas sa portal na ginawa nito.
habang nag lalakad ako may nakita akong babae na masasagasaan dapat nga ay ililigtas ko ito pero na gulat ako ng may sumigaw na babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang nagulat ako ng biglang tumalsik yung kotse imbis na tumama dun sa babae.
Nanlaki naman yung mata ko,
isa siya samin gumagamit siya ng magic!
Pero bakit andito siya? Bakit nasa mundo siya ng mortal? Hindi dapat siya andito wala dapat na ni isang wizard ang napapadpad sa mga mortal.
Teka? Nagaaway ba sila? Eh?
parang umiiyak siya? sundan ko na nga lang kailangan ko din siyang kausapin na sumama sa mundo namin.
* boogsh!*
" magiingat k-- ka" babalaan ko palang sana siya pero napatid na siya at matutumba, no choice! itinaas ko yung kamay ko atsaka itinapat dun sa babae pinigilan kong matumba siya. oo nga pala ang magic ko is to control the gravity kaya napigilan ko yung pagbagsak niya.
sinalo ko agad siya at napalingon lingon sa palagid
'Hoo buti walang ibang tao na nandito kundi patay na' bulong ko sa sarili ko.
agad agad naman akong tumakbo at pumunta kung nasaan ang portal pabalik sa mundo namin.
Nasa isang tago na lugar ang portal at hindi din naman nakikita ng mga mortal.
oo nga pala I'm Mia Korunuma 15 years old and nasabi ko naman sa inyo na ang magic ko ay to control the gravity right?
ay andito na pala ako dadalhin ko muna siya sa dorm ko para makapag pahinga siya.
ZHARLIE'S POV
uhmmm... arrgghh ang sakit ng ulo ko.
minulat ko naman yung mga mata ko at bumungad sakin ang kulay pink na kwarto teka nga hindi ko 'to kwarto kasi yung kwarto ko super liit lang at kulay puti lamang ito, nasan ba ko?
" oh gising kana pala" sabi ng isang babae ang ganda niya naman.
Ay teka
" uhmm ... a-asan ako?" tanong ko habang nililibot ko yung mata ko sa kwarto niya.
" nandito ka sa mundo ng magic" sabi niya ng nakangiti at napakanormal lang ng sinasabi niya pero ano daw ?!
" Mundo ng magic?!"
gulat na gulat na tanong ko eh pano mundo ng magic ? meron ba nun??
Sa mga anime, movies at stories lang naman merong ganon.
" oo nga, dinala kita dito kanina lang" sabi nung babae.
" a-ano bang sinasabi mo? magic? hindi naman yun totoo" sabi ko na halatang 'di talaga naniniwala sa kanya.
" ba't ba ayaw mo maniwala? Totoo na mundo to ng mahika " malungkot na sabi niya at nakapout pa siya.
" hala ah-erm.. impossible naman kasi talaga diba? tsaka wala ka namang proof" sagot ko kasi mahirap naman takaganganiwala kung wala pruweba.
" patunay lang ba? eto tingnan mo gagawin ko " sabi niya na nakangiti
tinitigan niya yung sofa tapos yung isang kamay niya tinaas niya
lu-lumulutang yung sofa! pano niya nagawa yun?
" ano naniniwala kana ba?" tanong niya sakin at unti unting binaba yung sofa.
napatango naman ako ...pero ba't andito ko wala naman akong powers .
" pero ba't mo ako dinala dito eh wala naman akong magic katulad mo" sabi ko ng napakamot sa batok ko.g
" meron .. hindi mo ba matandaan yung ginawa kanina? yung may tinulungan ka kanina ?" ha? Kanina? teka naalala ko na
oo nga pala pinalayas ako ni nanay sa bahay saan nako pupunta ngayon?
" shhh, wag ka ngang umiyak 'di bagay sa magandang dilag na kagaya mo na umiiyak" sabi niya at saka ako ni yakap ha? umiiyak ba ko? Gkinapa ko naman yung pisngi ko meron nga.
" Mi-Miss 'di ko alam kung pano ko nagawa yun" sabi ko habang umiiyak
" tsa-tsaka dahil dun sa ginawa ko pinalayas ako ni mama" lalo akong umiyak habang yakap niya ko
" shhhh, siguro nabigla lang yun okay? pero sa ngayon samin ka muna okay?dito ka muna tumira at saka malaman natin kung ano ba yung magic mo" sabi niya sakin dito na ko titira?
siguro okay na yun dito muna ko para malaman ko nga kung may magic talaga ako at kung totoong may magic ako ibig sabihin may dapat akong malaman about sa past ko at sa ibang parte ng buhay ko na hindi ko alam.
bigla tuloy akong na excite ano kaya yung magic ko??
" uhmm .. I forgot oo nga pala mag pakilala muna ako sayo. I'm Mia Korunuma 15 years old and may power or magic is to control the gravity" woaah kaya pala lumutang yung sofa astig.
" ah-eh ako naman pala si Zharlie Mae Lasquez 15 din nice meeting you " sabi ko ng nakasmile sakanya.
" waaahh ang ganda naman ng name mo kainggit ay oo nga pala punta muna tayo kay headmaster para ipaalam na nakakita ako ng may magic sa mundo ng mga mortal" ha? sino naman kaya yun?
" pero bago yun magpalit ka muna ng damit mo ang dumi mo na kasi eh" napatingin naman ako sa suot ko oo nga no? agad naman akong pinapasok ni Mia sa cr hindi naman siya atat no?
so yun naligo na ko waaaahh ang laki ng cr niya ang sarap maligo unlike samin maliit lang pero kahit naman ganoon kuntento na ko sa kung anong meron ako.
Mama dito lang muna ko ah? Pero babalik naman ako pero sana sa pagbabalik ko tatanggapin mo na ko.
Napakurap naman ako ng biglang may inaabot si Mia sakin.
" Zharlie eto oh suotin mo muna yung damit ko magkasize naman tayo" sabi ni Mia at saka inabot sakin yung damit niya.
okay naman kaso di ako sanay mag suot ng dress after kong mag bihis lumabas naman agad ako sa cr.
" waaah ang cute mo Zharlie bagay na bagay sayo" weh? bagay talaga?
'Ah eh hindi naman' nahihiyang tugon ko sa kanya na ikinangiti niya.
'bagay sayo promise' sabi pa ulit nito
'Hindi kasi ako sanay mag dress' Nahihiyang sabi ko
'Eh? Ayos lang naman ayaw mo nun? Nakakatry ka ng bago? And ngayon sa mundong 'to makakasubok ka ng mga bagay na hindi mo man lang naisip' napatitig naman ako sa kanya
Oo nga marami akong maeencounter na puro first time sakin kaya ko kaya?
Naputol naman yung pag iisip ko ng hawakan ni Mia yung wrist ko
"tara na nga " sabi niya sakin saka ako hinila palabas ng kwarto niya
paglabas namin napanganga agad ako literal na nganga
wooaah
ang laki ng school literal na malaki para siyang isang palasyo, oo palasyo talaga yung kulay nung school is white and gold saan kapa ? ang yaman naman ng school na 'to.
Eto yung mga napapanood ko sa mga anime ay hindi mas maganda 'to waah akala mo isa akong bida sa isang fantasy anime.
" uhmm.. tara na Zharlie " tawag sakin ni Mia na kinabalik ko naman sa reyalidadm
" ah- ah sorry sige tara na" masigla kong sabi excited na ko makita yung loob ng school ang ganda kasi nung labas paano pa kaya yung loob diba?
" ang laki naman ng school na 'to Mia" sabi ko na hindi nakatingin sa kanya kasi tinititigan ko yung kabuuan ng school.
" sinabi mo pa ay andito na pala tayo tara na bilis" sabi niya at saka ako hinila sa isang room nilibot ko yung mga mata ko sa kwarto simple lang yung design pero kulay white and gold parin yung pintura nito.
" oh Mia, ba't andito ka?" sabi nung lalaki mga ka age lang siguro namin siya? Mukha siyang bata eh.
" uhmm erm head master Kira siya nga pala si Zharlie nakita ko siya sa mundo ng mortal at nakita ko siyang gumamit ng magic" tuloy tuloy na sabi ni Mia teka ? siya yung headmaster? eh magkasing edad lang ata kami ah?
" sa mundo ng mortal? Pumunta ka ng walang pahintulot ko Mia?" nakita ko namang napayuko si Mia
" pasensya na po Headmaster may gusto lang po sana akong makita"
Napabuntong hininga naman ito
" May mga taga mortal pa palang may magic huh? so ano yung magic niya?" tanong nung headmaster ano nga bang magic ko? 'di ko naman alam kung anong tawag sa ginawa ko.
" Head master Kira hindi po kasi alam ni Zharlie kung anong magic niya pero nakita kong tumalsik yung sasakyan nung sumigaw siya para iligtas yung mama niya" mahabang sabi ulit ni Mia.
" hmmmm.... may clue na ko kung anong power mo Ms. Zharlie pero nagtataka ako kung ayun nga ang magic mo ay may katulad kang magic pero hindi pwedeng mag karoon ng katulad ang magic na ito dahil isa ito sa 4 magical powers at may nakakuha na ng slot na yun kaya pag aaralan pa natin kung ano talaga yung magic mo" mahabang paliwang ni hm (headmaster)
ha? ano ba kasi yung magic ko? naiintriga na tuloy ako pero maari nga kaya na kasali ito sa 4 magical powers?
" uhmm Headmaster ano ano po ba yung 4 magical powers?" tanong ko
" hmm.. bago yun Kira na lang ang itawag niyo sakin masyadong mahaba pag headmaster at matagal ko ng sinasabi sayo Mia na you should call me Kira right?" Pailing iling na sabi niya
"okay balik sa usapan yung 4 magical powers ay binubuo ng fire , air, water and ice. Ang totoo ang apat na slots na yun ay may nakapagmamay ari na si Duster para sa fire, si Chad para sa water, si Mark para sa air and si Ice para sa ice. Sila ang apat na nakatakda para ipagtangol ang University natin laban sa mga dark wizard nakalaban ng school natin"
Napatango naman ako sa mga nalalaman ko.
" pero head- este Kira ano naman yung mga dark wizard ?" tanong ko pero tinignan niya lang si Mia at tumango naman ito.
" Ang dark wizard ang mahigpit na kalaban ng school natin dahil tayo ay nasa panig ng kabutihan at sila ay kasamaan dahil nga tayo ang nasa kabutihan ay maraming mga may magic o tinatawag na wizard ang sumapi sa atin na ikinagalit naman ng mga dark wizard. Ang dark wizard ay naghahamak ng kapangyarihan at gusto nilang pabagsakin ang school natin para sila na ang maging makapangyarihan sa mundo ng mga wizards" paliwang ni Mia
" eh hindi na naman nila mapapabagsak ang school dahil nasa inyo na ang 4 magical powers diba?" tanong ko ulit pasensya na dahil curious lang ako at involved na rin naman ako.
" Hindi namin alam walang makakaalam sa mga pwedeng mangyari sa hinaharap basta ang alam lang namin ay kailangan maging malakas ang school natin at maging handa sa mga pwedeng mangyari" sabi ni Kira tumango tango na lang ako.
"Mia sa dorm mo nalang patirahin si Zharlie para narin mabantayan natin siya at masubay bayan ang magic niya"
tumango naman si Mia
" oh sige po head-- este Kira aalis na po kami ni Zharlie para rin po makapaghanda siya para sa pagpasok bukas " sabi ni Mia may pasok agad??
" sige makakaalis na kayo, Goodluck sa bagong chapter ng buhay mo Zharlie " sabi ni Kira at nginitian ako at syempre ngumiti din ako at saka naman kami umalis ni Mia.
" Mia may pasok na bukas?"
" Ang totoo niyan Zharlie nung nakaraang week pa pero okay lang yan hindi naman katulad sa mga mortal ang pinag aaralan dito eh" ha ?
" ha? eh ano naman yung pinagaaralan dito?"
" ang pinagaaralan dito ay kung paano pa mapapalakas yung magic mo kung ano pang mga techniques yung pwede mong gawin mga ganun" Ow, goodluck na lang sakin sana malaman ko na agad yung magic ko.
" dun ka sa dorm ko titira okay? tapos yung mga damit ko muna yung suotin mo at saka na lang tayo bibili ng damit mo tuwing last day of the month lang kasi pwedeng lumabas sa school na to" tumango tango na lang ako.
" tara pasok kana mag gagabi na rin pala magluluto muna ako ha? tapos matulog na lang tayo ng maaga, maaga rin kasi ung pasok natin "
" sige Mia " sabi ko na nakangiti gutom narin kasi ako eh hindi nga pala ako nakakain sa bahay kanina bago ako palayasin ni mama hay naalala ko na naman kalimutan ko nga muna yung nangyari at mag focus na lang muna sa pag tuklas ko ng magic ko at sa ibang parte ng pagkatao ko.
" oh Zharlie tara na kain na masarap yung luto ko, adobo" waaahh adobo?
lumapit naman agad ako sa dining area mukhang masarap. Hindi ko alam na magaling pala magluto si Mia.
" wahhh ! ang sarap Mia" sabi ko at saka kumuha pa ng rice
"baka kasi gutom ka lang ? Sumasarap ang pagkain kahit hindi naman talaga pag gutom" natatawang sabi nito napatawa naman din ako at saka umiling
"Hindi no masarap talaga pwede ka ng magasawa Mia" pabirong tugon ko din
" haha thanks makakain ka pa ng marami sa mga susunod na araw " nakangiting sabi nito
"ano tulog na tayo?" tumango naman ako sa kanya at saka nilagyan sa lalagyan ng plato yung hinugasan ko.
humiga na kami sa kama hahaha ang kulit nga eh magkasama kami sa kama ni Mia buti malaki 'tong kama niya tapos ang lambot pa.
hmmm... sana naman maging maayos yung first day ko dito bukas.