ZHARLIE'S POV
hmmm
" Zharlie gising na ngayon yung first day mo sa school natin" napabalikwas naman ako, oo nga pala ngayon yung first day ko sa school na puro mahika ang pinagaaralan.
" maligo ka na muna! mag luluto lang ako ng breakfast" sigaw ni Mia nasa kusina kasi siya at naligo naman ako agad.
pagtingin ko sa gilid ng cr andun na lahat yung damit ko pati yung b*a at panty ko wow ha, prepared agad nagbihis naman ako agad kasi mamaya malate pa ko sa first day ko diba.
paglabas ko nag aabang na pala si Mia sa labas at nakauniform na rin siya.
" Ang tagal ko ba sa cr?" tanong ko umilng naman siya.
" Gusto ko lang tignan kung bagay sayo yung uniform natin at hindi ako nag kamali bagay nga sayo" masayang sabi niya napangiti naman ako.
" waaaah thanks Mia" sabi ko sabay hug sakanya.
" oh bakit ?" tanong niya sakin
" wala lang ang saya ko lang kasi parang ate na rin kita ang sarap lang sa pakiramdam" masayang sabi ko
" hahaha tara na nga kain na tayo mamaya na tayo magdramahan"
sabi niya tsaka naman kami kumain at as ussual kagaya kagabi ang sarap parin niyang mag luto.
" tara na Zharlie alis na tayo" tumango naman ako
habang naglalakad kami sa corridor nakakakita ako ng mga nag mamagic.
ang astig nga eh may nag tratransform na hayop at bagay tapos may mga nagchachant din ng spell.
" oh laway mo Zharlie tutulo " nagulat naman ako sa sinabi ni Mia kaya kinapa ko naman yung gilid ng labi ko wala naman >__wahhhh! ang 4 powerful boys"
' ang popogi nila!'
ha? 4 powerful boys? ano naman yun? Teka parang pamilyar? Narinig ko na ata?
kinalabit ko naman si Mia
" uy Mia sino sila??" tanong ko
" ah-eh! sila ang 4 powerfull boys sila yung sinabi ni kira na nagmamayari ng 4 magical powers halata naman siguro sa itsura nila kung ano yung nakuha nilang powers diba? " tumango naman ako eh pano yung kulay ng mata tsaka buhok nila parang yun yung nagrerepresent sa powers nila.
pumasok nalang sila sa room na parang wala lang nangyari kung tititigan sila lahat sila may itsura.
hala lahat ng babae sa room nakatingin lang sakanila grabe sikat na sikat sila dahil sa powers nila sana ganun din kalakas yung powers ko.
" okay class ngayong araw wala muna akong ituturo may meeting kami ng council so class dismiss" ay ang gara wala man lang akong natutunan about sa magic -3-
" Zharlie alis muna ko ah? kasali kasi ako sa council eh" tumango naman ako
" kitakits na lang sa dorm mamaya Mia, bye" sabi ko sabay nag wave sa kanya saan kaya ako pwede pumunta? umalis na kasi lahat ng kaklase ko maglilibot libot na nga muna ko.
habang nag lalakad ako sa corridor namamangha parin ako sa mga magic ng mga nagaaral dito haay buhay
nakakapagod naman maglakad makaupo nga muna ayun may puno malilim naman dun muna ko magiistay.
pag upo ko nagulat ako ng may biglang nagsalita.
" ba't ka andito?" napatalon naman ako sa pagkakaupo ko hala sino naman yun?
Lumingon lingon naman ako at may lalaki pala sa gilid ko.
"ah-eh gusto ko lang sana magpahinga dito sa may puno malilim kasi at saka malakas yung hangin" sabi ko teka parang familliar yung mukha niya saan ko nga ba siya nakita?
" ah, sige umupo kana" sabi niya na nakangiti ang bait niya naman umupo naman agad ako pero pag upo ko lumakas bigla yung hangin napahawak tuloy ako sa palda ko baka makitaan ako ano bayan.
" hahahaha malakas ba masyado yung hangin? " tanong niya sakin tumango lang ako kasi busy ako sa paghawak sa palda ko.
" sorry hihinaan ko na lang" ano hihinaan niya yung hangin? don't tell me ?!
teka kulay na may halong white na hair and eyes
" teka ikaw yung isa sa may powers ng magical powers?!" gulat na tanong ko at nakangiti naman siyang tumango
waahh astig hangin yung magic niya
" ang galing naman " sabi ko ng nakangiti sa kanya.
" ano nga pala yung magic mo?" tanong ni Mark, oo alam ko diba nga sinabi na ni Kira yung mga pangalan ng nagmamayari ng 4 magical powers ?
" ah- eh sa totoo lang hindi ko pa alam" nakayukong sabi ko kasi hindi ko naman talaga alam.
" paano ka naman nakapasok dito kung wala kang magic?" tanong niya
" ha? ang alam ko lang nung masasagasaan si mama sumigaw lang ako tapos tumalsik yung sasakyan tapos nawalan ako ng malay at dinala na ako dito ni Mia kasi pinalayas ako ni mama tapos sabi ni Mia may magic daw ako" mahabang paliwanag ko sa kanya parang may iniisip naman siya ano kaya yun?
At sana nakasunod siya sa mga pinagsasabi ko hehehe.
MARK'S POV
tinanong ko si Zharlie kung ano yung powers niya nagtataka kayo kung paano ko nalaman yung pangalan niya?
kanina kasi nasa may puno lang ako malapit sa room narinig at nakita ko lahat yung nangyari kanina kung pano niya pinigilan yung pagbagsak niya.
pero hindi niya pa alam yung magic niya? pero parang kinukutuban na ko kung ano yun
" huy, Mark okay ka lang ?" tanong niya sakin hindi na ko magtataka kung alam niya na yung name ko sikat kasi kaming apat sa school na 'to.
" ah oo may naisip lang ako" sabi ko
" pwede mo ba kong pakitaan ng magic mo?" nakangiting tanong niya sakin halatang gusto niya makakita ng magic.
" o sige ito tignan mo" sabi ko saka itinaas yung kamay ko pero yung pa forward lang tapos unti unting nag kakaroon ng air ball
halata namang namangha siya
" ang galing " sabi niya hahaha halatang baguhan lang siya, isinara ko naman yung kamay ko kaya nawala agad yung air ball.
" ow, aalis na pala ko Mark ah? baka nasa dorm na si Mia, bye" sabi niya tumango lang ako
May naisip naman ako bigla kaya bago siya makalayo tinawag ko siya.
ZHARLIE'S POV
nag paalam na ko kay Mark baka kasi andun na si Mia sa dorm for sure masarap ulit yung ulam.
" Zharlie!" may tumawag sakin paglingon ko waaaaahh may air ball na papalapit sakin
"waaaaahhhh!" sigaw ko tsaka
hinarang yung kamay ko yung parang nakapaekis yung mga braso ko.
inaantay kung tamaan ako ng airball pero pag mulat ko
O______O!!!
paano ko nagawa yun?!
napatingin ako sa unahan ko nakita ko si Mark na halatang gulat na gulat. Ako din naman sino bang hindi kung makita mong nakahinto sa harap ko yung air ball tapos parang may shield na humarang dito
unti unti ko namang binaba yung kamay ko unti unti ring naglalaho yung air ball.
" pa- paano mo nagawa yun?" napatingin naman ako kay Mark napailing na lang ako
" ikaw ba yung nagbato nun Mark ??" tanong ko sa kanya tumango naman siya
" ba't mo naman ako binato paano kung natamaan ako nun ha?!" inis kung sabi 'di naman siya nag salita kaya umalis na lang ako dun ang daming naglalaro na tanong sa utak ko.
una pano ko nagawa yun kanina??
pangalawa ba't naman ako binato ng air ball ni Mark?
pangatlo ano ba kasi yung powers ko?
Umuwi naman ako na gulong g**o at nagtanong na si Mia kung anong nangyare pero hindi ko na lang sinabi yung about samin ni Mark.
" okay ka lang ba talaga Zharlie?" Tanong niya uliy sakin
" oo naman pagod lang siguro? Tara tulog na tayo" pagaya ko sa kanya at hinila siya sa kwarto
Natawa naman siya at saka pumwesto na den.
"Goodnight Zharlie"
"Goodnight Mia"
---------------
napabalikwas naman ako ng kama ng mapansing wala na si Mia
"Waaah anong oras na ba?" Malalate ako omg.
Mabilis naman akong tumayo at nag ayos At tumakbo papunta sa building namin.
pagpasok ko sa room andun na si Mia
buti wala pa yung teacher namin hayy
" Good morning Mia" bati ko sakanya
" Good morning din, sorry kung iniwan kita ah? Pinatawag kasi ako kanina" tumango naman ako kaya pala.
" okay lang tinanghali rin kasi ako ng gising kasalanan ko naman " sabi ko at saka nagkamot ng ulo napatawa naman si Mia.
" Zharlie samahan mo ko sa canteen bibili lang ako ng pagkain nagugutom kasi ako eh" nasabi ko na bang may buwaya sa tiyan si Mia? hahahaha ang takaw niya kasi.
" hahaha sige sige basta bilisan na lang natin baka dumating na yung teacher natin" sabi ko
habang papunta kami sa canteen parang naiihi naman ako
" uhhmm Mia pwede bang mauna kana? naccr kasi ako" sabi ko napatawa naman siya
" okay okay oo nga pala yung cr nasa dulo nun at saka kumaliwa ka andun na yung cr" sabi niya buti nalang tinuro niya hindi ko rin naman kasi alam kung nasan.
dumeresto naman ako dun sa sinabi niya at nakarating din ako sa cr hooo! agad naman akong umihi paglabas ko may dalawa na babae.
" owww diba siya yung girl na kasama ni Mark kahapon ?" sabi nung may black eyes and black hair na may highlights na violet
paano naman niya naman nalaman? stalker ba 'to ni Mark?
" oo nga siya yun grabe din ha kabago bago kung makalapit sa isa sa 4 powerful boys wagas" ha? grabe naman sila makapagsalita makaalis na nga baka inaantay na ko ni Mia.
At hindi maganda kutob ko sa dalawang 'to mas mabuti ng umiwas
palabas na sana ako ng biglang may pumulupot sa dalawang kamay ko na sanga ng puno, saan naman 'to galing?!
" at saan mo naman balak pumunta? kinakausap pa kita" sabi nung babaeng kulay green ang mata at buhok halata na siya yung gumawa sakin nito.
" a-alis na ko" nauutal na sabi ko
" sino naman nagsabi sayong pwede ka ng umalis ha?" sabi naman nung isang babaeng kasama niya
" ano bang kailangan niyo? Paalisin niyo na nga ko" sigaw ko ang sikip naman kasi ng sanga na nakapulupot sa kamay ko para na ngang magkakasugat.
" tuturuan ka lang namin ng leksyon dahil sa paglapit mo kay mark samin lang siya" sabay na sabi nila ano ba sila hibang ?! sakanila na arrgghh! ang sakit na ng kamay ko
" a-ano ba 'di ko naman inaagaw sa inyo si Mark pakawalan niyo na nga ko sino ba kayo?!" sinusubukan kong makawala pero hindi ko talaga kaya
" 'Di ka makakaalis diyan, oo nga pala ako si Lavander at siya naman si Mika tandaan mo yung mga pangalan namin hmmm ano bang pwedeng gawin sa kanya??" sabi ni lavander daw saka nakangiti ng nakakaloko
ano bang gagawin nila sakin? dahil lang sa paguusap namin nung mark na yun huhuhuhu anong gagawin ko?
"hmmm Alam ko na basain na lang natin siya yun na lang " nakangisi namang sabi ni Mika basain?hala wala akong damit na dala nagulat ako ng may pumulupot din na sanga sa may dalawa kong paa kung titignan mo ko ngayon para akong pinako sa krus nakataas yung dalawa kong kamay tapos yung paa ko may sanga na din
" ouch!" daing ko mas sumikip pa yung sanga may sugat na ata talaga ako
" ayan mas maganda Mika buhusan na natin ng tubig" kinabahan naman ako dun
Nagulat ako ng may lumabas na mga timba sa mga cubicle na may lamang tubig waaah wag mong sabihing ibubuhos nila lahat yan sakin? huhuhu wag naman limang timba po yan.
" waaaaaahhhh" sigaw ko ng bumuhos yung tubig galing sa limang timba nagtawanan naman yung dalawa
" okay tara na Mika tapos na tayo dito " sabi ni Lavander at saka umalis sila. pag kaalis nila nawala na rin yung sanga na nakapulupot sakin bigla naman akong bumagsak sa sahig ng cr nahihilo ako unti unting lumalabo yung paningin ko.
MIA'S POV
sobrang tagal naman ni Zharlie kanina pa ko nag iintay sa canteen mga kalahating oras na baka naman nauna na?
hindi eh di naman nang iiwan yun puntahan ko na nga lang siya sa cr
malapit na ko sa cr ng makita kong lumabas dun sina Lavander at Mika bigla naman akong kinabahan kaya tumakbo na ko papuntang cr pag pasok ko
O______O!
a-nong nangyari kay Zharlie!?
nilapitan ko naman kaagad siya
nakahiga siya sa sahig may sugat din siya sa kamay at paa tapos basang basa siya.
don't tell me sina Lavander gumawa nito?! humanda sakin yung dalawang yun bwiset! Napakasama ng ugali grr.
" Zharlie! Zharlie.. gising" sigaw ko habang tinatpik tapik yung mukha niya pero walang epekto.
kailangan magamot agad si Zharlie unti unti ko siyang pinalutang sa ere mas madali kasi kung bubuhatin ko siya baka matagalan pa.
shete naman sa kabilang building pa si Adrian binilisan ko na lang yung takbo ko habang lumulutang sa ere si Zharlie.
" Adrian! " sigaw ko nung pagkabukas na pagkabukas ko nung room nila nagulat naman yung ibang estudyante pero I don't care kailangan ko si Adrian ngayon.
" bakit Miss Mia?" tanong ni Maam Mery
" Maam kailangan ko po si Adrian may emergency lang po" sabi ko at saka ko pumunta sa harap nito at hinila palabas si Adrian.
" san- " naputol yung sasabihin niya ng makita niya si Zharlie na kalutang sa ere
" Anong nang yari sa kanya ??" Takang tabong niya
" 'Wag ka ng magtanong kasi hindi ko din alam tara na dun tayo sa dorm ko!" sigaw ko agad naman siyang sumunod
sana maging okay lang si Zharlie ano na nanaman kasi yung pumasok sa utak nina Lavander ba't nila ginawa yun kay Zharlie?