Chapter 3

3378 Words
ZHARLIE'S POV parang lumulutang ako? Dahan dahan ko namang minulat yung mata ko. Eh?!  lumulutang nga ako, tumigin naman ako sa paligid nakita ko si Mia sino naman yung lalaki? teka papunta kami sa dorm ni Mia napapikit naman ulit ako. 'Di naman ako makakilos kasi ang sakit ng katawan ko ano nga bang nangyari? ah ! natatandaan ko na sina Lavander nga pala bwiset sila huhuhu dahil sa kanila ang sakit ng katawan ko di tuloy ako makagalaw naramdaman ko namang binaba na ko sa kama kaya agad kong minulat yung mata ko. " Zharlie okay ka lang ba??" tanong ni Mia nahalatang nag aalala " o-oo buhay pa naman ako hahaha" pabirong tugon ko. " loko ka Zharlie nag joke ka pa sa kalagayan mong yan ha" kumento ni Mia. " Adrian pagalingin mo na siya" utos ni Mia kay Adrian tumango naman siya. " wag kang gagalaw ha??" sabi niya sakin paano naman ako makakagalaw eh masakit nga yung katawan ko diba? nagulat naman ako nung unti unti siyang lumalapit sakin hala ano bang gagawin niya? palapit ng palapit yung mukha niya sakin waaahh! ano bang gagawin niya? " te-teka ba't lumalapit yung mukha mo sakin?"tanong ko napangiti naman siya " pagagalingin ka wag mong isasara bibig mo ah?" sabi niya ano daw? 'wag isara yung bibig ko? bakit naman? " bakit n--" O____O!! 'di ko na natuloy yung itatanong ko ng lumapat yung labi niya sakin wtf anong ginagawa niya ? pero habang tumatagal may nararamdamng akong pumapasok na energy sakin mula sa bibig niya tapos unti unting nawawala yung sakit ng katawan ko pag katapos ay umalis na rin siya sa harap ko " magaling na siya" nakangiting sabi nung Adrian na patayo naman ako " bakit kailangan halikan mo pa ko?!" inis na sabi ko kasi diba kung papagalingin mo ko ba't kailangang ikiss? " chill Zharlie okay? healing yung power ni Adrian sa paraan na yun niya napapagling yung may mga sugat sa katawan gets mo? kaya wag kang mainis dyan" sabi naman ni Mia ganun ba yun? iiihhh! ba't kasi kailangan ganun? " teka nga mis- este Zharlie ano bang nangyari sayo ?" tanong sakin ni Adrian " kasi ganto yun nasa cr lang ako tapos nakasalubong ko sila Lavander ay Mika tapos" tapos ayun kinwento ko simula nung pagpasok ko sa cr tsaka yung ginawa nina Lavander sakin at yung rason nila para gawin sakin 'yon. " walangyang Lavander at Mika na yun" galit na sabi ni Mia na napatayo pa sa pagkakaupo niya. " ah! naalala ko na inlove yung si Lavander kay Mark obsess na obsess yun dun kay Mark hindi lang ikaw yung babaeng ginawan niya ng ganyan" sabi naman ni Adrian so may iba pa silang sinakatan?? sus pag ibig nga naman kung ano anong nagagawa ng dahil don. " teka pumasok na tayo " sabi ko at automatic na napatayo. " oo nga pala dalawang oras na tayong late lagot " sabi ni Mia " aish! oo nga pala" kumento naman ni Adrian " pero bago yan magbihis ka muna Zharlie b-bakat yung b-b*a mo" nauutal utal na sabi ni Adrian na hindi nakatingin sakin tinignan ko naman waaaahh oo nga! agad naman akong pumunta sa cr para mag palit, nakakahiya. paglabas ko umalis agad kami " una na ko bye Zharlie, bye Mia" paalam ni Adrian " thank you ulit bye!" sabay na sigaw namin ni Mia " so tara na??" sabi ni Mia tumango naman ako sumenyas na siyang tumakbo kami kaya yun takbo toda max yung ginawa namin. pagkarating namin sa room agad binuksan ni Mia yung pintuan napatingin naman samin lahat pati yung teacher namin na si Sir Rico " you're 2 hours late" sigaw ni sir pinaliwang naman namin yung nangyari kaya kumalma naman si sir mamaya gawin kaming hayop niyan sinabi din kasi sakin ni Mia kung ano yung mga powers ng teacher tsaka kung sino sino ung teacher dito kaya alam ko na. " okay class bukas ay may activity tayo this activity will show your true ability at kung gano na kayo kalakas, pupunta tayo sa battle field bukas at maglalaban ang dalawa sa loob nito  " naexcite na lahat ng mga kaklase ko pati si Mia ako lang ata hindi. paano kung mapano ako dun? eh di ko pa nga nadidiscover ung power ko nakakaloka good luck sakin bukas sana mabuhay pa ko. ----- kinabukasan--- " hoy Zharlie bilisan mo na excited na ko para mamaya sino kaya makakalaban ko?"  waaaahhh siya lang excited ako hindi huhuhuhu T^T oo nga pala andito kami sa corridor naglalakad papunta sa battle field kuno huhuhu kinakabahan ako. anong gagawin ko dun? iilag sa mga atake ng makakalaban ko? sana weak lang makalaban ko baka nga kahit mahina pa para sa kanila hindi pa den ako makailag. " oo na 'di naman kasi halatang excited ka eh" sarcastic kong sabi sa kanya " ano ba kasing pinoproblema mo? ha?" tanong niya sabay akbay sakin. " eh kasi naman Mia anong gagawin ko sa loob ng battle field? eh 'di ko pa nga natutuklasan yung magic ko" nakabusangot na sabi ko totoo naman kasi diba? Baka mamaya mapano pa ko sa loob. " ha? ay oo nga pala. Alam ko lumalabas din yung magic ng iba pag nasa kapahamakan sila malay mo ganun din yun sayo diba? wag ka mag alala! kaya mo yan akong bahala sayo no"  sabi niya ng nakangiti sakin baka nga ganun, diba kasi tuwing muntikan ako mapahamak napalabas ko yung magic ko? sana mamaya mapagana ko na yung magic ko. " Andito na tayo Zharlie tara na " sabi ni Mia at saka ako hinila. This is it kaya ko to aja! " okay tatawagin na lang yung name niyo okay? tapos pumasok kayo sa loob ng battle area maging alerto kayo pag natawag kayo " sabi ni Sir Rico edi yun nga may tinawag na. " Mia Korunuma and Mark Lagure " whaaat?! si Mia tsaka si Mark? air vs gravity? paano naman yun?? pumasok na yung dalawa nako kinakabahan ako para kay Mia alam ko malalakas daw yung 4 magical powers diba? nag simula na yung laban gumawa agad ng mga airball si Mark pero agad naman itong nailagan ni Mia para namang nainis si Mark binato niya ng parang matulis na hangin si Mia at agad na nakailag ito pero nasugatan siya balikat. " Mia!"sigaw ko MIA'S POV Aish nadaplisan pa ko ng hangin ni Mark buwiset tss malalakas talaga silang apat narinig ko namang sumigaw si Zharlie napatingin ako sa kanya nag aalala siya konting daplis lang naman 'to normal lang naman 'to kapag lumalapag kami sa battle area pagkatingin niya sakin ngumiti na lang ako sa kanya  at kumalma naman yung mukha niya. tumingin ako kay Mark unti unti siyang lumulutang sa ere gamit yung hangin pinalutang ko rin yung sarili ko sa ere. " Mia, alam mo namang walang laban yung gravity sa hangin diba?" tanong sakin ni Mark "alam ko gusto ko lang naman subukan 'to " sabi ko sakanya " sorry kung masasaktan  kita hindi ako pwedeng matalo ng kahit na sino" sabi niya sabay bato ng maraming air ball this time may mga patusok na sila agad ko namang ginamit ang shield ko pero na sira yung shield kaya tumilapon ako ng malakas ouch ang sakit ng katawan ko dun ah? tumayo naman ako pero sa pagtayo ko may malalakas na hangin na humampas sakin kaya napahampas yung likod ko sa pader "Argh" daing ko sa sakit wala talaga akong laban sa kanila pero at least sinubukan ko. " stop! okay na " sigaw ng teacher namin tinulungan naman akong tumayo ni Mark " thanks " sabi ko " it's okay sorry kung nasaktan kita " sabi niya ang bait naman pala ng Mark na 'to " okay lang part naman yun ng training natin sa school" sabi ko at saka ngumiti " MIA! okay ka lang ba? may masakit ba sayo?" tarantang tanong sakin ni Zharlie hahahaha " oo naman no papagamot lang ako mamaya kay Adrian para mawala yung mga sugat ko" ZHARLIE'S POV hay buti ayos lang si Mia napabuntong hininga naman ako hoo! sino  kayang sunod na mag lalaban? "Duster and Lian" ha? diba yung Duster isa rin siya sa apat na merong malalakas na magic? naalala ko fire yung magic niya pagpunta nila sa arena halatang takot yung Lian  ba yun? ano bang magic nun? Kinakabahan siyang umakyat sa area at si Duster nakangisi pa itong umakyat. Hala baka mamaya ganyan den yung maramdaman ko huhuhu. "Eh?" nagulat naman ako sa isang iglap lang napatumba na ni Duster yung Lian woaah! ang galing nakita kong may sugat sa may tyan si Lian agad naman dinala sa clinic si Lian para mapagaling agad ito, ganun ba talaga kalakas yung 4 magical powers? nilibot ko yung mata ko nakita kong nakaupo sina Mark malapit sa battle area papunta na din dun si Duster " next Zharlie Lasquez and Lavander Mishiki" teka ako yun diba? ts-tsaka si Lavander?! OMO anong gagawin ko ?! ba't si Lavander pa?! dinaanan naman ako ni Lavander saka binungo yung balikat ko " psh ikaw makakalaban ko? weak sigurado akong bagsak ka agad " sabi niya saka nilagpasan ako tinignan ko si Mia na nagmamakaawang iligtas niya ko. Pwede namang iba ba't siya pa? " Zharlie! kaya mo yan wag kang matakot mapapalabas mo din yang powers mo tiwala lang " sabi sakin ni Mia na nakangiti saka nag thumbs up ngumiti ako ng pilit gosh sana makalabas pa ako ng buhay sa battle area ba't ba kasi may ganto pa?! lord ikaw na bahala sakin ayoko pang mamatay ng maaga T^T Ba't ba kasi si LAVANDER pa? kinakabahan akong pumunta sa battle area " natatandaan mo pa ko?" nakangising tanong sakin ni Lavander paano ko siya makakalimutan? eh siya lang naman yung taong pinarushan ako dahil sa mababaw niyang dahilan. Dahil sa mahal niyang si Mark iba talaga epekto ng love sa tao I mean miski sa wizard hindi ko naman kasi aagawin si Mark? Wala akong balak kanya na kaya sana wag siyang masyadong aggresibo gusto ko pang lumabas ng humihinga dito. " o-oo " nauutal na sabi ko " good edi alam mo kung anong pwede kong gawin sayo diba? so be ready" sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi niya kinakabahan ako " simulan na natin 'to para matapos agad" sabi niya ng nakangisi nagulat ako ng may papalapit saking mga sanga tumalon naman ako para makaiwas shete muntikan na ko dun ah. " tss maswerte ka" bulong ni Lavander itinaas niya yung kamay niya tsaka nag pakawala ng maraming dahon. " ahhh!!" umiwas ako pero nadaplisan ako sa kamay hala ang tutulis ng mga dahon paano 'to? iwas lang ako ng iwas 'di ko alam kung anong gagawin ko and dami ko na ring galos  at sugat sa katawan pero ang rules pag bumagsak lang ng tuluyan saka ititigil yung battle Or kung gusto pa ding lumaban sila na huhusga kung ititigil o hindi pa. " wag ka ngang tumakbo! hindi na ko nag eenjoy oh? Geez nakakatamad ka naman kalaban walang kwenta tatapusin ko na nga 'to " pagkasabi niya nun may pumulupot sa dalawa kong kamay na sanga Eto na naman.. napayuko naman ako. eto na naman anong gagawin ko ? please someone help me! ' Zharlie ' ha?? sino yun? ' Zharlie 'may bigla naman akong nakita napakagandang babae bigla na lamang itong sumulpot kung saan. ' sino ka?'  Takang takang tanong ko hindi ko pa siya nakikita kahit kelan. ' ako muna ang tutulong sayo' tutulungan niya ko? 'ulitin mo lang lahat ng sasabihin ko okay? ' 'mar ghare jashu nquew air!' " mar ghare jashu nquew air!" ' 'di ko alam pero ginaya ko na lang siya sana matulungan niya ko. ICE'S POV " mukhang talo na yung transferee ah" sabi Duster habang nakatingin sa laban nung bago at ni Lavander. " tsk akala ko pa naman malakas siya" kumento naman ni Chad "Hindi man lang patagalin ng Lavander mo Mark yung laban" pangaasar ni Duster kay Mark "Shut up Duster" napatawa naman si Duster kasi nakuha niya yung gusto niyang reaksyon galing kay Mark. Tsk " teka tignan niyo parang may binubulong si Zharlie" napatingin naman kami sa sinabi ni Mark oo nga anong ginagawa niya? " ZHARLIE!" rinig kong sigaw ni Mia at nagulat kami ng bigla nalang lumiwanag si Zharlie ZHARLIE'S POV nakaramdam ako na parang malakas na kapangyarihan sakin. parang may biglang pumasok sa katawan 'Zharlie iisa na tayo ' ha? 'Tutulungan kita dito sa laban mo... imulat mo na yung mata mo' sinunod ko naman yung sinabi nung babae pag mulat ko lahat sila nakatingin sakin anong meron? " hindi ako natatakot kahit maging ganyan ang itsura mo" sigaw na sabi sakin ni Lavander at saka pinuluputan yung paa ko ng sanga "kar dreu sol darka!!" 'di ko alam pero bigla ko na lang nasabi yun saka nawala yung mga sanga sa katawan ko halata namang nagulat si Lavander sa nagawa ko paano ko nagaway yun? 'sabi ko sayo iisa na tayo Zharlie ...pero hihiramin ko lang saglit yung katawan mo ha? 'di ka pa kasi marunong lumaban ' ha? Anong ibig niyang sabihin? MIA'S POV nagulat kami ng biglang pagmulat ni Zharlie nagiba yung itsura niya yung buhok niya kulay puti na may halong asul tapos yung mata niya yung isa may halong blue and white yung isa naman itim paano niya nagawa yun? natangal niya pa ng walang kahirap hirap yung sanga ni Lavander pumikit muli si Zharlie sinamantala naman yun ni Lavander kaya agad siyang nag bato ng maraming matutulis na dahon kay Zharlie " Zharlie!" sigaw ko pero nagulat ako ng pagmulat niya pareho ng blue at white yung mata niya mas nagulat ako ng bigla niyang iwinagayway yung kamay niya pataas at dun nabubuo ang isang . . . TORNADO???!! what the? paano nagagawa yun ni Zharlie?? biglang sumama sa tornado ni Zharlie yung mga dahong matulis ni Lavander halos lahat gulat na gulat sa pangyayari lalo na ng pinapunta ni Zharlie yung tornado palapit kay Lavander. anong gagawin niya? " LAVANDER!" sigaw ko at saka ginamit yung magic ko pinalutang ko siya palayo sa tornado agad din namang nawala yung tornado halata mo sa mukha ni Lavander ang sobrang takot kung ako rin naman matatakot ako kung ako ang nasa kalagayan niya. "Hey ayos ka lang ba? May sugat ka ba?" Tanong ko dito pero hindi niya ko sinasagot napa buntong hininga naman ako at inalalayan siyan umupo . pagtingin ko naman kay Zharlie parang babagsak siya kaya gagamitan ko na sana ng magic ko pero may sumalo sa kanya si Ice?? ICE'S POV Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina alam kong hindi lang ako. Bumaba naman kaming apat at sakto nakita kong pabagsak na yung Zharlie na yun at agad naman akong tumakbo at sinalo siya. tinignan ko siya ba't may ganun din siyang magic? " Zharlie" sigaw ni Mia minulat naman ni Zharlie yung mata niya Yung isa niyang mata kulay black na " M-Mia??" pagkasabi niya nun nahimatay na talaga siya ng tuluyan " Zharlie!" " ako ng bahala sa kanya dadalhin ko siya sa dorm ko" agad niya namang inagaw sakin si Zharlie at pinalutang niya ito sa ere. naguguluhan ako paano nagkaroon ng magic si Zharlie na katulad kay Mark ? alam ko ang 4 magical power ay isang tao lang ang pinagkakalooban ng magic na yun pero ba't yung babaeng yun meron?? Sino ka ba Zharlie? Saan ka nanggaling ? SOMEONE'S POV nakita ko lahat ng nang yari may kakaiba siyang magic kailangan ko siyang obserbahan. ZHARLIE'S POV ang sakit ng ulo ko ... ano bang nangyari ah oo nga pala nakalaban ko si Lavander natalo ba ko ? siguro nga wala naman akong laban dun Iminulat ko yung mata ko arrrgghh nakakasilaw naman yung liwanag ng ilaw asan ba ko? " Zharlie?" ha? kaninong boses yun? " Zharlie okay ka na ba?"si Adrian pala " A-Adrian ? a-asan ako?" utal na sabi ko ang sakit pa kasi ng ulo ko " Adrian! nagising na ba si Zharlie? nagaalala na ko dun eh 2 araw ng tulog " narinig ko yung boses ni Mia teka ?? 2 araw na tulog?! ganun ba ko napuruhan ni Lavander at ang tagal kong tulog? napatingin naman sakin si Mia O_____O ganto yung itsura niya tapos kinurot pa yung pisngi niya ... hala baliw na ba si Mia? " totoo yang nakikita mo Mia gising na si Zharlie" nakangiting sabi ni Adrian " waaaaahhh! Zharlie " sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit ack! 'Di na ko makahinga " Mia ! 'Di ako ma-kahinga " agad naman niyang tinangal yung pagkakayakap sakin " grabe Mia iba ka makamiss papatayin mo ata ako " sabi ko na hinihigal nag peace sign naman siya " sorry namiss lang kita ang tagal mo kasing matulog teka ayos na ba pakiramam mo?" tumango naman ako " oo okay na ko, medyo masakit lang yung ulo ko" sabi ko at saka ngumiti " hala may masakit pa kay Zharlie pagalingin mo sya " *poink* " aray! ba't mo ko binatukan Adrian ?!" inis na sabi ni Mia " eh kasi ang OA mo kaya sumasakit yung ulo ni Zharlie kasi nasobrahan lang siya ng tulog" pagpapaliwang ni Adrian ganun pala yun? hahahaha " ay ganun? oo nga pala 2 days siya na katulog" teka... " teka Mia at Adrian ba't naman ang tagal ko nakatulog? napuruhan ba ko ni Lavander nung naglaban kami?" tanong ko sakanila nag katinginan naman sila " wala kang maalala?" sabay nilang tanong sakin ha?bat may nakalimutan ba ko? " wala bakit ano bang nangyari?" nagtataka kong tanong " wala ka talagang maalala?" tanong ulit nilang dalawa ba't ba ang kulit ng mga to " wala nga! ano ba kasing nangyari?" inis na tanong ko kasi na cucurious ako kung ano bang nangyari eh nagkatinginan silang dalawa tapos huminga ng malalim si Mia " ganto kasi yun ... " tapos kinwento ni Mia sakin yung nangyari O______O!! " ANO?! " sigaw ko " wag ka ngang sumigaw Zharlie" sabi ni Adrian na nakahawak pa sa tenga niya " impossible hindi ko alam na kaya kong gawin yun" sabi ko na hindi talaga makapaniwala miski sa panaginip ko hindi ko maisip na magagawa ko yun " miski naman kami no! nagulat na lang kami nung nagiba yung itsura mo " huh? " ano ba naging itsura ko?" tanong ko "hmmmm... ang natatandaan ko is yung buhok mo nun pinaghalong white and blue ganun din yung eyes mo yung parang kay Mark ganun pero nung una mo ngang pag mulat black pay yung isa mong mata pero sa pangalawa parehas ng ganun yung kulay ng mata mo" te-teka ! naalala ko yung babaeng nakita ko ganun din yung kulay ng buhok at mata niya " hoy natulala ka dyan ?" tanong sakin ni Miala " may naalala kasi ako Mia " Sabi ko " ano naman yun " sabay na sabi nanaman nung dalawa 'di naman halatang naiintriga sila diba? " nung pumulupot na sakin yung mga sanga ni Lavander sinabi ko sa isip ko na someone help me tapos may narinig akong tumawag sakin tapos sabi niya tutulungan niya ko " " teka may binubulong kang spell nung nakayuko ka " singit naman ni Adrian oo nga no? " sabi niya ulitin ko yung sasabihin niya tapos ayun " sabi ko sino kaya yung babaeng yun makikita ko kaya ulit siya? " papasok kana ba Zharlie?" tanong ni Adrian sakin " ah! oo sige! papasok na ko, anong oras na ba?" " 9 na habol na lang tayo sa klase okay lang naman yun kasi may excuse tayo and dun narin ako sa section niyo papasok" nakangiting sabi ni adrian ha?? " ha??" " dun nako papasok sa inyo for safety narin " ah okay mas maganda yun para may kaibigan na ulit ako " so tara na?? " tumango naman kami ni Mia. Oo nga pala nagbihis nako ng school uniform alangan naman kasing pumasok ako na naka pajama diba?? habang naglalakad kami papuntang room halos ng madadaanan namin nag bubulungan anyare? kinalabit ko si Mia " uy ba't sila nagbubulungan?" " ah! kumalat sa school yung nagawa mo sa battle field kaya ayun chismis toda max hayaan mo nalang sila" sabi ni Mia para nga kong may guard napapagitnaan kasi ako nina Mia at Adrian nakakailang naman at sobra akong nag thathank you kay God ng makarating na kami sa room si Adrian na yung nag bukas ng pintuan pag pasok namin nakatingin silang lahat samin I mean sakin lang pala pati ba naman dito?? 'diba siya yung babae na gumawa ng tornado sa battle field?' ' oo nga eh? pano kaya nangyari yun?' ' tama! eh si Mark lang naman yung may magic na ganun eh' narinig kong bulungan ng kaklase namin .... ano ba to nagulat ako ng tumahimik yung room paglingon ko sa harap " Ki-Kira??" "oh, hi Zharlie may gusto lang akong sabihin sayo kaya ako pumunta dito I just want to inform you from now on sasama ka na kina Ice maliwanag??" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD