One on One Just like what we both had planned, agad kaming dumiretso sa kusina nila Audrey para subukang gumawa ng pastries. Hindi ako expert pagdating sa paggawa ng mga ganoon klaseng pagkain, lalong-lalo na sa larangan ng baking, but I know to myself that I already have a few ideas when it comes to making them. Hindi man expert, pero at least ay may alam na ako kahit papaano at hindi na ako mangangapa pa. "Do you have any experiences on making baked goods?" Audrey asked. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko itong nag-aayos ng mga kubyertos na gagamitin namin. Kasama na rin doon ang equipments kagaya ng electric mixer, oven na naka-pre heat na at maging ang electric kettle nila na pwede naming gamitin sa pagpapainit ng tubig para mas madali nalang ang ibang gagawin. I smiled to he

