Drunk "Are you sure that you could still drink? Your face looks like a tomato," natatawang sabi ni Ethan sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at sinubukang hampasin pero agad siyang nakailag sa akin. Dumodoble na ang paningin ko dahil sa dami na ng nainom ko pero hindi ko na maisip 'yon. This bastard is taking advantage of me just because I'm drunk! And he's clearly enjoying every single insult he's giving me! "B-bahala ka sha buhay mo, hindi mo lang ako *hik* kaya kaya mo ako tinatanong ng ganyan! Weakling!" I answered back at him while trying to speak straight. Hilong-hilo na ako at siguradong konting inom pa ay babagsak nalang ako bigla pero dahil sa ginagawa ni Ethan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong uminom pa nang uminom. Kapag umatras ako ay siguradong hindi niya ako titigil

