New Friend "Ano bang problema mo?!" malakas na sigaw ko kay Ethan nang tuluyan akong makatayo. Ilang beses siyang kumurap-kurap habang nakatitig sa akin dahil sa ginawa kong pagsigaw. Nangunot ang noo ko nang mapansin na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang mapatingin siya sa likuran ko. Sa kuryosidad na rin ay sinundan ko siya ng tingin at nakita ako ang babae na dapat ay lalapitan ko kanina na ngayon ay nakayuko na at parang pilit na iniiwasan ang mga titig ni Ethan. Binalik ko ang tingin ko kay Ethan at nakitang matalim na ang tingin na ipinupukol niya sa babaeng 'yon. Dahil do'n ay hindi ko na napigilan ang magsalita ulit. "Bakit mo ba siya tinititigan? Can't you see? She's not comfortable! Ako ang harapin mo!" inis na dagdag ko. Naramdaman ko ang isang kamay na humawak s

