Talk "Naiinis talaga ako sa kaniya! Napakahangin niya tapos napaka-walang modo pa. Bakit ko pa kasi siya kailangang maging classmate? Tsk," reklamo ko sabay higop sa frappe na in-order ko. Nandito na kaming dalawa ngayon ni Audrey sa may coffee shop na hindi gano'n kalayo ang pwesto sa may campus. Nang matapos ang pinakahuling klase ko ngayong araw ay agad ko siyang pinuntahan sa tapat ng classroom niya para hintayin siyang lumabas. At first, she doesn't want me to wait for her in front of her classroom. I don't know why, though. She didn't told me the reason but I do have a hunch. At siguro ay dahil ulit 'yon sa hiya niya. Mukhang wala pa kasing naghihintay sa kaniya na kaibigan niya bago siya umuwi. And that actually proves my theory, that she's the same as me. Parehas kaming pa

