Siblings Simula nang makauwi ako sa bahay pagkatapos ng naging usapan namin ni Audrey sa coffee shop. I still can't believe what I just heard from her. Magkapatid sila ni Ethan, as in magkapatid. Iisa ang nanay, iisa ang tatay, iisa ang sinapupunan na pinanggalingan. Kung sino pa ang pinakaayaw kong tao sa campus ay magiging blood-related pa siya sa nagiisang magiging kaibigan ko. Why does destiny kept on crossing our paths in different ways? "Kung ayaw mong kumain, sabihin mo lang. Ako na ang uubos niyang nasa plato mo." Napatigil ako sa pagiisip nang marinig ang boses na 'yon ni Kuya. I glanced at him in front of me and saw him staring at my plate. Unti-unting bumaba ang mga mata ko sa plato na nasa harapan niya nang mapansin na wala nang laman 'yon. When I realized what he'

