NAGULANTANG si Rainan nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng bahay niya. Nakatulog kasi siya nang makauwi galing kay Izaria. Kusot ang mga kilay na sinipat ng tingin ang orasan sa may dinding. Napagtanto na alas-sais na ng gabi. Wala naman siyang matandaan na bisita. Bumangon pa rin siya para tunguhin ang pinto. Nagulat siya nang bumungad si Mark na nakaporma pa. “What are you doing here?” walang pananabik na tanong niya. “Come in!” “Thanks. Magbihis ka na at pupunta tayo sa mansiyon.” Pumasok si Mark. “Ano’ng meron?” nagtatakang tanong niya. “Basta, magbihis ka na. May importante lang tayong pag-uuspan. Nandoon na sina mom at dad. Family meeting natin.” Kusa nang umupo si Mark sa sofa. “Gaano ba kaimportante Ang meeting bna iyan?” Tumungo muna siya sa kusina at uminom

