BUMALIK sina Rianan at Izaria sa main reception. Naabutan nila ang kasalukuyang pagsasayaw ng ikinasal. Sweet dance ang musika ng mga ito. Nakabalik na kasi ang mga ito buhat sa grupo ng mga ordinaryong bisita. Sumayaw din ng tradisyunal dance ang bagong kasal. Marami ang nagsasabit ng pera. Limandaang piso lang ang pinakamababa na makikita sa damit ng mga ito. “Wow, ang kapal na ng pera sa damit nila,” tuwang kumento ni Izaria. “Ganyan talaga rito. Ang iba riyan, mga magsasaka ang nagsabit. Mukha lang silang walang pera, pero nakatago lang. Marunong magsinop at mag-impok ang mga tagarito,” kuwento nito. “Wow! Impressive naman.” Inalalayan siya ni Rainan para maupo sa bakanteng upuan. Abala naman ang ibang bisita sa pagkain. Nakita rin ni Izaria si Virna na kasalukuyang kausap si Mark

