ALAS-SINGKO na ng hapon nang matapos ang kasiyahan sa kasalan. Nauna nang umuwi si Virna dahil nakiusap si Rainan na ito na ang maghahatid kay Izaria pauwi. Nguni’t napansin ni Izaria na seryoso ang mukha ni Rainan. Hindi niya mahulaan kung ano ang iniisip nito. Nasa loob na sila ng sasakyan, sa Cosmo Sports car na gamit nito kagabi. Pag-aari niya ito na ini-drive lang ni Mark galing ng Maynila. “Rai, something wrong?” mahina na tanong niya. Mula nang magkita sila pagkatapos nilang mag-usap ni Mark ay madalang na itong magsalita. Ang saya lang nila kanina pero bigla na lamang nawala sa mood ang binata. Ini-start na nito ang makina at sinimulang bagtasin ang daan palabas ng malaking gate. “Kung may problema, please tell me,” pakiusap niya. Sandali nitong iginilid at hinito ang sasakyan

