“NO! It can’t be!” Nagwala at nagbasag na ng mga gamit si Cheska sa loob ng kanyang kuwarto matapos marinig ang ipinadalang recording mula kay Jean at nakita ang mga picture ni Rainan with Izaria. Ang twenty-seven years old na si Cheska Tan, may-ari ng isang kilalang hotel sa Makati, dalawang kanto lang ang pagitan sa Diamond Gallery shop ni Ivan. Australian ang ama pero bata pa lang ay naulila na siya nito. Pinalaki siya sa marangyang buhay. Siya ang matagal nang karelasyon ni Rainan. “Ako lang ang puwedeng pakasalan ni Rainan!” mariing sabi ni Cheska matapos itungga ang bote ng red wine. “Anak? Oh my god! Ano’ng nangyayari dito?” gulat na gulat na sabi ni Lyn, ang kanyang mommy, nang makita ang nagkalat sa kaniyang silid. Ibinato pa nito ang goblet na may laman pang wine. Dismayadona

