NAGULAT si Izaria nang bumungad sa binuksan niyang mini-gate ang bulto ni Jean. Kanina pa umalis si Virna para bumiyahe papuntang La Union. Kasasara lang niya ng malaking gate matapos lumabas ang sasakyan ng kaibigan nang biglang may nag-doorbell. “Pasensiya ka na kung hindi ko na mahintay na magkaroon ka ng time para makapag-usap tayo,” wika ni Jean. “Halika! Pumasok ka muna,” anyaya niya rito. Tumuloy naman ito. Isinara muna niya ang gate saka niya ito sinabayan na pumasok sa loob. “Alam ko kasi na busy ka, kaya naisip kong puntahan ka na lang dito. Nagtanong ako kay Tata Arman kung saan ka nakatira,” anito. Iginiya niya ito papunta sa garden kung saan may garden table at mga upuan na konkreto roon. Pahingaan iyon na napaligiran ng mga well-designed na garden. Pinaupo muna niya ito

