ENJOY na enjoy si Izaria sa paglangoy sa spring water ng swimming pool. Hindi na kasi niya napigilan ang pagtampisaw ng mga paa sa malamig na tubig kaya tinuluyan na niya ang paglusong. Nanonood lang si Rainan habang naliligo siya at kinukuhanan siya nito ng video gamit ang cellphone nito. “Halika na, lakay ko!” tuwang tawag niya rito. Nakasuot na rin ito ng panligo. Tinanggal lang kasi nito ang pang ibaba at pang-itaas sa driving suit na idinuble nito sa pang-scuba diving suit na navy blue. On the go Rin kasi itong maligo kaya pinaghandaan ang isusuot. Maya-maya pa’y may lumapit na lalaki, ito ang nakasalubong nila habang papunta sa hanging bridge kanina. “Sir Rai, ako na ang mag-video sa inyo,” masayang presenta nito. “Ikaw pala, Dave, salamat. Sige, pakikuhanan mo kami,” anito at

