INABUTAN ng dilim sina Rainan at Izaria sa daan. Hindi rin nila inaasahan ang biglaang pagsama ng panahon. Palabas pa lang sila sa bayan ng Galimuyod nang may panaka-nakang kulog at kidlat. Tila nagbabadya ang malakas na ulan. Malapit na sila sa diversion road nang bumuhos ang katamtamang lakas ng ulan. Gustong bilisan ni Rainan ang pagpapatakbo ngunit tinutulan ni Izaria. Humigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ng nobyo. Nabalot siya ng takot baka kung ano ang mangyari sa kanila sa mdulas na daan. “Huminto muna tayo!” hiyaw niya para marinig siya nito. Naramdaman niya ang pagbagal ng takbo. Hanggang sa iginilid ni Rainan ang motorsiklo. Huminto sila nang may makitang nakasaradong tindahan na may silungan sa labas. Pinauna siya nitong bumaba at sumunod naman ito. Nagtanggal sila ng su

