Thirty Two

2156 Words

KALAGITNAAN pa lang ng birthday party. Nagpasama si Izaria kay Virna na pumunta ng powder room. Iniwan muna nila sina Rainan at Mark na nag-uusap. Sila lang ni Virna ang tao sa loob ng powder room. “Ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni Mark at parang hinilamusan ka ng malamig na tubig?” tanong niya kay Virna habang inaayos niya ang buhok sa harap ng salamin. Humalukipkip si Virna habang nakatalikod ito sa salamin. Wala siyang nahintay na sagot nito. Natigilan siya at bahagyang sinulyapan ang kaibigan. “Hey! May problema ba? Ano ba ang nangyari sa inyo ni Mark?” Saka lang ito nagbaba ng mga kamay at humarap sa salamin. Sa salamin na nila tiningnan ang isa’t isa. “Kasi nagmukha akong ewan,” nakangiwi ang mga labing sabi nito. “At bakit naman?” “Akala ko kasi isasalang ako ni Mark sa pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD