PABALIK na si Izaria sa loob ng mansiyon. Hindi niya makita kung saan naroon si Virna. Wala rin si Mark sa party area at panay mga bisita na lamang ni Amanda ang naroon habang nagkakatuwaan ang mga ito. Pati si Rainan ay hindi rin niya mahagilap ng tingin. Sinuyod na niya ng tingin ang buong party area na tila balisang may hinahanap. Bumagal ang mga hakbang at walang katiyakan kung saan siya igigiya ng mga paa niya. Hindi rin naman siya mag-i-enjoy kung makisali man siya sa mga bisita ni Amanda. Maa-out of place lang siya sa mga ito. Napagpasyahan na lamang niya na um-exit sa party room na iyon. Naisipan niyang bumalik sa labas. Bagaman at nasa bungad pa lamang siya ay sinalubong na siya ni Jean. Masaya ang mukha nito nang lapitan siya at hinawakan ang kanan niyang kamay. “Iza, sumama

