Chapter Four

2048 Words
NAKATANAW si Izaria sa malawak na bukirin habang nakapangalumbaba sa pasamano ng balkon. Hindi man lang nangangalay ang mga panga sa kangingiti. Nasa tambayan na naman siya sa second floor. May naaalala lang kasi siya na halos humagikgik nang mag-isa. Itutop na sana niya ang kanang kamay sa bibig dahil hahagalpak ang tawa niya nang bigla na lamang may pumukol sa ulo niya. "Aray ko!" angal niya. Kamut-kamot niya ang ulo habang pasimpleng hinahagilap ng mga mata ang gumawa niyon. Hindi naman masakit nang tumama ngunit gulat na gulat siya. Nawala tuloy ang nakakikilig na nakatatawang moment sa isip niya. Hinanap niya kung ano yung tumama sa ulo niya. Binaba ang tingin sa paanan at doon niya nakita ang binilog na papel, malamang iyon ang pumukol sa kaniya. Pagkakuhay inikot ang paningin sa paligid. Pagtama ng tingin niya sa b****a ng pintuan ay nakita niya ang bulto ni Virna na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader. Alam niyang ito ang may pakana. Bumagsak ang mga balikat niya at ngumiwi sa kaibigan. "Besh, naman! Ang kill joy mo talaga. Nagmo-moment ako eh," angil niya. “Moment ba kamo? Pasalamat ka nga hindi sa bunganga mo tumama. Kung makabungisngis ka wagas!” Napapangisi ang kaibigan habang naglalakad palapit sa kaniya. "Anong masama roon? Masaya lang ako, ano ka ba, besh!" depensa niya. Naupo si Virna sa pasamano paharap sa kanya. Tila nanghahamon ang mga mata nito para sabihin niya kung ano ang nakatatawang naiisip niya. Napansin niya ito at kabisado niya ang ekspresyon ng kaibigan. “Oo na! Gets ko na yang mga titig na yan," panghuhula niya. “Ilang araw kasi tayong hindi masyadong nakapag-usap dahil busy ka at gabi na kung umuwi. May nangyari lang kasi sa bukid na hinding-hindi ko malilimutan.” Nagniningning ang mga mata niya. Bahagyang dumikit si Virna sa kanya at inaabangan ang sasabihin niya. “Ano ba kasi iyon? interesadong tanong nito. Para ka kasing baliw kanina.” Hindi pa niya naikukuwento ay napapangisi na siya. Nagkunot ang mga kilay ng kaibigan. "Nabangga kasi ako ng ginang sa farm. Mahuhulog na sana ako sa putikan pero sinalo ako ni superman." Bumilog ang mga mata niya habang nakangisi. "Hahaha!" Biglang tawa ni Virna. Nagulat siya at napatingin sa mukha ng kaibigan. Kasunod ng tawa nito ay sumeryoso at tumitig sa kanya. Ngunit pagkuway humagalpak na naman sa pagtawa. Pilyang naitirik niya ang mga mata sa kisame. “Now I know kung bakit naging magkaibigan tayo, besh," aniya nang balikan ng tingin ang kaibigan na tumahimik na. "Kasi, pareho tayong luka-loka!" "Korak!" Sabay silang nagtawanan. Ikinuwento niya ang buong pangyayari. Magkahalong kiligan at katatawanan ang nanaig sa usapan nila. Hindi nagtagal ang kulitan nila dahil pupunta pa si Virna sa kumpanya nito. Hindi siya nito masasamahan sa bukid. Magkasabay lang silang nag-almusal. Nakabihis na ang kaibigan at hindi magtatagal ay bibiyahe na ito papuntang La Union. Marami-rami na rin ang naipinta niya. Maayos at magkasunod-sunod ang mga scenario na nasa larawan. Tuwang-tuwa siya dahil nangalahati na siya sa series niya. Nagkaroon siya ng mga libreng araw para magpinta ng mga tanawin na hindi kasama sa series niya. Tatlong buwan pa kasi siyang maghintay para mamunga ang mga palay. Kaya naisipan niyang magpinta ng iba. Another extra income na rin niya iyon. Kahit wala si Virna, pumunta pa rin siya sa bukid para mamasyal dahil maganda ang sikat ng araw. Dala-dala na naman niya ang mga gamit niya sa pagpipinta. Gusto rin niya mag-paint ng iba pang mga tanawin. May bahagi rin ng lupain na maburol at magubat ngunit mahaba-habang lakaran bago madako. Dahil mag-isa lang siya ay nagdala na lamang siya ng mga hand-carry lang. Nais na naman kasi niyang mag-painting sa kagubatan. Nakasalubong niya si Tata Arman na nanggaling sa kalagitnaan ng malawak na palayan. "Saan ang punta mo, anak?" tanong agad nito nang makalapit. "Sa gubat po na iyon, Tata," aniya sabay turo sa makapal na gubat sa gawing malayo. “Naku! Delikado para sa iyo ang pumunta roon. Baka maligaw ka o makasalubong ka ng mababangis na hayop," babala sa kanya ng ginoo. “Mag-iingat naman po ako at hindi naman po ako papasok sa kaloob-looban," katuwiran niya. Hindi man siya pinayagan ni Tata Arman subali't nagmatigas siya. Hindi siya nagpapigil kaya walang nagawa ang ginoo. Seryuso ang mukha ng ginoo. “Kung ganoon, ipangako mo na babalik ka nang ligtas at huwag kang pagagabi roon," bilin nito. Puno ng pag-aalala ang ginoo. Napansin niya ito pero binalewala lang niya. "Opo, Tata, promise po!" nakangitinng tugon niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa pamamagitan ng pilapil na isang tao lang ang makadadaan. Lingid sa kaalaman niya ang paglingon ni Tata Arman na nababalot ng pag-aalala sa kaniya. Nasa back-pack niya ang mga painting tool, maliban sa tatlong canvas na kaya lang niyang hawakan. Masarap kasi sa pakiramdam niya kapag ang naipinta niya ay nagmula sa totoong nakita niya lalo na ang kalikasan. Sinasalubong siya ng sariwang hangin at damang-dama niya ang lamig na dumadampi sa balat niya. Hindi niya maipaliwag kung anong saya ang namamayani sa puso niya. Malayung-malayo ito sa buhay niya sa Maynila. Para siyang nakawala sa hawla na puno ng pagkabalisa at polusyong gawa ng makabagong teknolohiya sa siyudad. Dito, kahit sumigaw siya nang sumigaw para mabawasan ang stress, walang mambabato sa kaniya. "I love province!" hiyaw niya sa sobrang tuwa. Sa sobrang lawak ng lupain ay inabot siya ng halos isang oras sa paglalakad. Komportable naman siya sa pares na sky-blue sneaker shoes niya na ipinares niya sa three-forth flexible denim pants na may apat na bulsa at blue round-neck T-shirt na printed with small hearts. Nang madako na niya ang bahagyang maburol na kagubatan ay naghanap siya ng mapuwestuhan. Malilim sa ilalim ng mga puno. Sa tapat lang siya mismo ng malaking puno ng akasya na may magagapang sanga at makakapal na dahon. Nakakita siya ng malaking bato na maaari niyang upuan habang nagpipinta. Maganda kasi ang hubog ng punong akasya kaya ito ang una niyang naisip na ipinta. Awit lamang ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon ang nagsisilbi niyang musika. May dala siyang cellphone pero walang signal sa kinaroroonan niya. Napapangiti siya habang binubuo ang pigura ng akasya. "Hayan, tapos na!" masayang wika niya. Itinabi muna niya ito para patuyuin. May nasipat ng tingin ang mga mata niya sa dakong kaliwa. Tila bakas na madalas daanan ng mga paa. Tumayo siya at inilapag pansamanta ang iba niyang gamit sa bato. “Mukhang may magandang tanawin sa banda roon," anas niya sa hangin. Nakita niya sa banda roon na tila may kaunting bakas ng daanan. Nawala sa isip niya ang bilin ni Tata Arman sa kaniya. Walang namuong takot sa dibdib niya habang binabagtas ang makitid na daan papasok sa kalibliban ng gubat. Isang canvas at set lamang ng oil-paint ang dala niya baka sakaling may magandang tanawin siyang makita roon. Dahan-dahan siyang naglakad. Hindi na niya alintana ang mga halaman o dahon na sumasagi sa balat niya. Hindi nagtagal ay may nasilayan siyang halaman na tumubo sa malaking puno ng kahoy at namulaklak nang napakaganda. Isang purple wild orchid na may white dots sa mga petal nito. Namangha siya sa nakita. A very rare orchid na niyon lang niya nakita sa tanang buhay niya. Sabik niyang inihanda ang mga gamit para simulan na ang pagkopya sa bulaklak. Kompleto ang materials na dala niya na isiniksik niya sa mga bulsa niya bago iniwan ang ibang gamit sa bato. Mabilis ang mga kamay niya at mga mata. Suwabe at malinis ang paghimay sa bawat anggulo ng iginuguhit niya. Ilang minuto pa ay natapos din niya. Tuwang tuwa siya sa resulta ng painting. Pumitas siya ng isang petal ng orchid at inilagay sa kanang itaas ng tainga niya. Dinukot ang cellphone buhat sa likurang bulsa ng pants niya at nag-selfie. Ngunit biglang may umagaw sa atensiyon niya na animo'y may sumisitsit sa kanya. Dali-dali niyang isiniksik sa bulsa ang cellphone. Napalingun-lingon siya para hanapin kung saan nagmumula ang naririnig niya. Papalapit nang papalapit sa kaniya ang huni na iyon. Dinalaw na ng kaba ang dibdib niya. Isang klase lang ng hayop ang alam niyang may ganoong huni. Kinilabutan na siya at dali-daling ibinulsa ang mga brush at set ng pintura. Maingat niyang hinawakan ang canvas na napintahan na. “Save me Lord," nangangatal na sambit niya. Lumikot ang mga mata niya lalo na nang halos nasa likuran na niya ang sumisitsit. Bumilis ang kaba niya. Nanginginig ang mga tuhod niya at abut-abot ang pagdarasal nang tahimik. Sa kaiikot niya ay sumabit sa baging ng kung anong tanim ang kaliwang paa niya. Bumagsak siya sa makakapal na tuyong dahon ang likod niya. Tumilapon ang kaingat-ingatan niyang painting. Kumusot ang mukha niya nang may maramdaman na bahagyang kirot sa balakang niya. Napakislot siya nang masilayan ang nasa harapan niya. Imbis na umungol o sumigaw ay natutop na lamang ang bibig at nanlaki ang mga mata. Tumambad kasi sa harapan niya ang mala-braso niya kalaking ahas na nakaambang tumuklaw sa kanya. Pumikit na lamang siya. "Katapusan ko na talaga ito. Patawad, Lord, sa mga nagawa kong kasalanan. Kayo na po ang bahala sa buhay ko. Kung may pagkakataon pa, hinding hindi ko na po uulitin ito." Lihim siyang nagdasal habang hinihintay ang pagtuklaw sa kanya. Subali't may ilang minuto na ang nakalipas, wala pa siyang sakit na naramdaman. Ni hindi namanhid ang buong katawan niya at humihinga pa naman siya. Nawala ang sumisitsit sa kaniya. Kinakalma niya ang sarili. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at unti-unting bumangon. Wala siyang makitang ahas. Kinusut-kusot pa ang mga mata para makompirma na wala na nga ang hayop na yon. Nakahinga siya nang maluwag. Subalit nang bahagya siyang umatras ay “Aaaah! Nagulantang siya nang may kamay na dumampi sa balikat niya buhat sa likuran. Mabilis na lumingon siya at napaatras. Tumambol nang husto ang dibdib niya. “Okay ka lang ba? Huwag kang mag-alala, ligtas ka na," mahinahong sabi ng lalaki. “Ikaw?" nagulat na tanong niya. Kumalma muna siya. Nasaan na?" paghahanap niya. "Ang alin? Ang ahas ba?" untag nito. Tumango-tango siya na halatadong may bakas pa rin ng takot sa mukha niya. "Wala na," tipid na sagot nito. "Pinatay mo?" "Hindi." Nabalisa siya. "Ano? Paano kung bumalik?” "Hindi na babalik yon," kalmadong sagot nito. "Teka, paano mo nalaman na nandito ako?" Hinanap niya ang painting. Napansin siya nito at tinulungan sa paghahanap. “Hindi ko alam na nandito ka. Si Tata Arman ang nagsama sa akin dito. Nagpasama siya sa akin para sundan ka dahil nag-aalala siya para sa iyo," seryusong sagot nito. "Ang tigas kasi ng ulo mo." Sinermunan talaga siya nito dahil abala ito nang tawagin ni Tata Arman para lang sundan siya sa gubat. Naiilang tuloy siya rito. “Pasensiya na talaga. Hindi na ito mauulit," paghingi niya ng paumanhin. “Talagang hindi na," matigas na turan nito. “Kung gano'n, nasaan na pala si Tata Arman? nag-aalalang tanong niya. "Kasama niya ang ahas." "Ha?" Nagulat siya. Natigilan siya at biglang nag-alala para kay Tata Arman. Hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyari sa ginoo dahil sa kagagwan niya. Natagpuan ng binata ang painting at maayos naman ito. Pero wala roon ang isip niya. “Rainan, please! Tulungan mo akong hanapin si Tata Arman. Baka makagat siya ng ahas," pakiusap niya sa binata. "Hindi na kailangan," tanggi nito. Nabalisa siya. "Naku! Paano na?" “Kapag nakagat man siya, kasalanan mo," pananakot nito. Alam niyang seryuso ito sa sinabi. Lalo siyang kinabahan at hindi mapakali. “Huwag ka naman magsalita nang ganyan. Oo na, kasalanan ko. Pero hindi matatanggap ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama sa kanya," malungkot na sabi niya. Dumilim ang mukha niya at lihim na inusig ang sarili. Inisip tuloy niya na tila mahirap pakisamahan si Rainan. Seryuso kasi ito at mukhang nainis din dahil sa kagagawan niya. “Mas mabuti kung bumalik na tayo," yakag nito. "Pero paano si..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang talikuran siya nito. Para siyang napahiya sa sarili. Inayos na lamang niya ang sarili at ekseheradong napabuntong-hininga. Nauna na itong naglakad. Hindi na niya inasahan na lilingon pa ito para hintayin o tawagin siya. Parang hindi pa siya handang umalis at nais na mahanap si Tata Arman. Ngunit wala siyang nagawa kung hindi ay sumunod na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD