NATUTUWA si Izaria nang magkaroon ng pagkakataon si Virna para makasama niya ito sa maghapon. Maaga pa lang ay dumalaw na si Rainan para yayain siya nito na mamasyal sa mansiyon o family house ng pamilya nito. “Ang aga mo namang mamasyal. Wala ka bang trabaho sa bukid?” bungad na tanong niya nang makababa ito ng kotse. Niyakap at hinalikan muna siya nito sa mga labi. “Good morning, baket ko,” magiliw na bati nito sa kan’ya. “Have a great day, lakay ko.” “Kaya ako pumunta nang maaga para anyayahan ka na pumunta sa bahay. Dumating kasi si Mark kasama ang mga magulang niya. Birthday kasi ni Tita Amanda ngayon,” pabatid nito. “Wow! Sana nakapaghanda ako ng regalo para sa tita mo. Nakahihiya naman kung pupunta ako na wala man lang maibigay na regalo.” Malapit na sila sa sala. Sa pinto p

