TAMANG tama lang ang pagdating nila Rainan at Izaria nang bumuhos ang malakas na ulan. Halos hindi makita ni Izaria ang kapaligiran nang sumilip mula sa bintana ng bahay ni Rainan. “Mabuti na lang at nakapag-ani na kayo bago umulan,” aniya. Abot-tingin lang niya si Rainan na abala sa paglilinis ng naiuwi nila galing sa ilog. Ito na rin ang magluluto. “May napabalita kasi na kapapasok lang ng bagong bagyo. Huling bagyo nitong taon,” hayag nito habang hindi nakatingin. “Kaya pala halos araw-araw na ang pag-ulan.” Nasipat niya ang orasan sa dingding at napagtanto na lampas alas-sais na ng gabi. Malakas pa rin ang ulan. “Dito ka na matulog,” wika nito. Inunahan na siya nito. Itatanong pa lang sana niya kung titila ba ang ulan, para sana makauwi siya. “No choice,” sagot niya. “Ako, n

