GIGIL na gigil si Cheska nang mapahiya siya sa harapan ni Senador Mary Mendoza. Akala kasi niya ay mapapaamo niya ang senadora para ipagdiinan na may pagkakamali si Izaria kung bakit nasira ang pangalan nito sa publiko. Dismayadong umalis siya at tumungo sa sulok na walang makaririnig sa kaniya. Tinawagan niya si Jean at inis na sinabi sa kaibigan ang nangyari. “Akalain mo, bumabango na ang pangalan ng Izaria na iyon! Ipinagtanggol ba naman siya ni Senadora Mendoza sa harap ng madla at naka-live coverage pa. Siguradong mamamayagpag na naman siya,” gigil na kausap niya sa kabilang linya. “Wala na tayong magagawa kung papanig ang mga tao sa kaniya. Mahirap naman kung siraan pa natin siya baka tayo pa ang mapasama,” tugon ni Jean. Lalo siyang nanggigigil. “Meron pang problema.” Napatingi

