KALAGITNAAN na ng kasiyahan sa function hall. Marami na ang nagbigay ng mga magagandang mensahe para sa senadora. Kasalukuyan din ang pagse-served ng mga masasarap na pagkain sa bawat mesa. Biglang may hindi nagustuhan si Izaria sa amoy ng pakgain. Hindi sa nag-iinarte siya. Sadyang maselan siyang magbuntis at naging sensitive ang pang-amoy niya. Bago pa man niya maramdaman ang pagwawala ng sikmura ay pansamantala muna siyang nagpaalam sa mga kaibigan para pumunta ng wash room. Mabuti na lamang at walang katau-tao sa loob dahil nasa party area ang lahat. Naduduwal siya pero saglit lang at hindi na nasundan pa. Inayos ang sarili sa tapat ng salamin. Nakikita nga niya ang kakaibang transformation niya. Hindi na ang simpleng Izaria ang nasa harap ng salamin. Pati ang sarili mismo ay humanga

